Xian Lim May Panawagan Sa Netizens at sa GMA Network

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 Isa sa mga pinapangarap ng Kapuso aktor na si Xian Lim, ang mabigyan ng GMA Network ng isang teleserye na siya mismo ang magdi-direk. Inamin ito mismo ni Xian Lim sa press conference ng teleseryeng Love. Die. Repeat. na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Bernardo.


Natatawa pang nanawagan si Xian Lim sa pamunuan ng GMA network ng mapag-usapan nila ang patungkol sa film making oppurtunity sakaling mapagbigyan ng network.


Ipinahayag din ni Xian Lim kung gaano umano siya ka grateful sa GMA sa pagbibigay sa kanyang ng oppurtunity at sa pag-ooffer ng mga ito sa kanya sa teleseryeng Love. Die. Repeat.


Kasunod nito, inilahad na ni Xian Lim na nais niyang maging direktor sa isang teleserye dahil ito umano ang makakapagpasaya sa kanya. Inalala pa niya ang isang episode ng Wish Ko Lang noong 2022 kung saan siya umano ang nag-direk nito.


Panawagan ni Xian Lim, "Sana po may mga projects where I can do directing because it is what fuels my soul. Talagang masayang-masaya ako when I direct."


Bukod pa rito, isiniwalat pa ni Xian Lim na gusto niyang bumida sa mga dark genres dahil hindi pa umano niya ito nagagawa.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang napapataas ang kilay sa isiniwalat ni Xian Lim. 


Marami ang nayayabangan sa aktor dahil hindi naman umano ito kasikatan subalit kung makapagdemand ito ay ganoon na lamang. May mga tumatawag pa sa aktor bilang isang ambisyuso gayung maari umanong mag-flop  ang teleserye nito dahil sa pambabatikos na natatanggap mula ng maghiwalay sila ni Kim Chiu.


"Sa PG ka director Wala ka pa binatbat baka flop kahit ano Gawin walang mangyyari.ani Coco Martin Wala k sa kalingkingan ni Coco"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo