Balik Friendship Na Ulit Sila Ni Kathryn, Magbabalik Ang Nguya Squad

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagbabalik na ang dating friendship nina Kathryn Bernardo at Dominique Roque mula ng hiwalayan na ng aktres ang kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla.


Sa ngayon ay malaya na umano muli ang 'Nguya Squad' na makipag-bonding kay Kathryn Bernardo, wala na umanong ilangan sa pagitan ng mga ito dahil wala na si Daniel Padilla sa kanilang grupo.


Ayon naman sa ilang mga netizens, na mas mabuti na umano ang grupo ngayon dahil wala nang cheater at mapagpanggap na katulad ni Daniel Padilla. May mga netizens pa na sinisisi si Daniel Padilla sa pagkakasira ng 'Nguya Squad' dahil maayos naman umano ang samahan nila noon at nasira lamang ng mapasama sa kanila ang aktor.


Hiniling din ng ilang mga netizens na sana ay magbonding naman ngayon ang mga original Nguya Squad subalit huwag na nilang isama pa si Daniel Padilla. May nagsasabi na talagang hindi nababagay si Daniel Padilla sa nasabing grupo dahil mga loyal ang mga ito sa kanilang partners pero si Daniel ay mapagbalat kayo lamang pala.


Kinumpara pa ng ilang mga netizens si Daniel Padilla sa iba pang myembro ng 'Nguya Squad' katulad na lamang sa nina Dominique Roque at Marco Gumabao na makikita naman kung paanong alagaan ng mga ito ang kani-kanilang mga girlfriends.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo