Xian Lim Nag Sorry Na Kay Kim Chiu

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Naging matindi ngayon ang tapatan ng mga teleseryeng ipinapalabas sa magkabilang network na GMA7 at ABS-CBN. Ito ay walang iba kundi ang pagtatapat ng pinagbibidahang teleserye ng dating magkarelasyon na sina Xian Lim at Kim Chiu.

Pinagbibidahan nina Xian Lim at Jennylyn Mercado ang teleserye sa GMA7 na Love Die Repeat habang pinagbibidahan naman nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang teleseryeng katapat nito sa ABS-CBN na pinamagatang Linlang.

Habang nasa taping si Xian Lim, nakunan siya ng isang maikling interview, dito inamin ni Xian Lim na malaking hamon para sa kanila ni Jennylyn Mercado ang teleseryeng itinapat sa kanila ng ABS-CBN.

Bukod pa rito, isiniwalat pa ni Xian Lim ang mga pinagdaanan ng kanilang teleserye, kabilang na ang pagkakadelay nito ng ilang taon.

Batay naman sa plot ng Love. Die. Repeat., naitanong kay Xian Lim kung may pagkakataon ba na naging untrue siya sa kanyang karelasyon kabilang na ang kanuang girlfriend for 12 years na si Kim Chiu.

Ayon naman kay Xian Lim, na dapat lahat ay sabihin at dapat maging totoo umano sa kanyang partner. Wala rin umano siyang maalala na pagkakataon na naging untrue siya kay Kim Chiu.

Nilinaw pa ng press kung maski white lie ay hindi rin siya nakapagsabi kay Kim Chiu. Ayon naman kay Xian Lim na hindi na umano dapat pang isali ang mga white lies dahil maliliit lamang naman umano ito.

Inamin naman ni Xian Lim na naranasan na niyang magkaroon ng partner na hindi naging totoo at honest sa kanya gayunpaman, naniniwala pa rin si Xian Lim na kailangan pa rin umanong mag-usap ng dalawang party bago gumawa ng desisyon.

Hindi naman idinitalye ni Xian Lim kung sino ang partner na hindi naging totoo sa kanya.

Samantala, hindi naman umano masasabi ni Xian Lim kung may pag-asa ba silang magkabalikan ni Kim Chiu, subalit naniniwala siyang may reasons ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo