Dominic Roque Nagsalita Kung Bakit Hindi Invited Si Daniel Padilla Sa Wedding Nila Ni Bea Alonzo

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Dominique Roque patungkol sa estado ng pagkakaibigan nila ni Daniel Padilla at patungkol sa dahilan kung bakit hindi imbitado ang aktor sa kanilang kasal ni Bea Alonzo.


Sa wakas ay magaganap na ngayong taon ang inaabangang kasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo. Inaasahang magiging star-studded ang kasalan nilang dalawa dahil pareho silang nagmula sa mundo ng showbiz.


Bagama't hindi pa naman nilalabas ang guest list sa kung sino ang mga imbitado sa kasal ng dalawa, naglabasan naman ang mga haka-hakang hindi imbitado sa kasal ang kontrobersyal aktor na si Daniel Padilla na naging kaibigan noon ni Dominic Roque.


Kinumpirma naman ito mismo ni Dominic Roque kung saan ipinahayag niyang tanging si Kathryn Bernardo lamang ang imbitado sa kanilang kasal ni Bea Alonzo.


Trending ngayon sa ilang mga social media platform ang panayam kay Dominic Roque kung saan naitanong sa kanya kung imbitado ba ang KathNiel sa kanilang kasal ni Bea Alonzo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit sila nang magkasama sila noon sa 'Nguya Squad'.


Dito, inamin ni Dominic na tanging si Kathryn Bernardo lamang ang imbitado at hindi si Daniel Padilla dahil matagal na umano silang hindi nagkakausap mula pa noong 2020.


Isiniwalat din ni Dominic na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos ni Daniel Padilla hindi na sila nagkakausap at hindi na rin umano sila nagkikita pa.


Hindi naman na idenitalye pa ni Dominic Roque ang dahilan ng kanilang hindi pag-uusap ni Daniel Padilla na dati namang malapit sa kanya. 


Gayunpaman, hindi pa rin maitatago sa mapanuring netizens na ang naging dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan ay dahil sa panggo-ghost umano ni Dominic sa kapatid ni Daniel Padilla na si Maddy Ford.


May naglabasan ring speculation na siniraan ni Daniel Padilla si Dominic Roque kay Bea Alonzo na labis na ikinagalit ni Dominic Roque.



@pepalerts Dominic Roque on wedding preprations with Bea Alonzo; admits to inviting Kathryn Bernardo but not Daniel Padilla #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ♬ original sound - PEP.ph

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo