PantE Ni Andrea Brillantes Nakita Sa Loob Ng Kotse Ni Daniel Padilla

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 May panibagong isyu na namang pinupulutan ngayon ang ilang mga marites sa social na isiniwalat umano mismo ng car dealer ni Daniel Padilla.


Muling naging lamang ng mga usap-usapan sa social media ang aktor na si Daniel Padilla at actress na si Andrea Brillantes matapos isiwalat ng kinuhang car dealer ni Daniel ang nakitang panty na pinaghihinalaang pagmamay-ari ng aktres sa loob ng sasakyan.


Sa isang Facebook post ng car dealer ni Daniel Padilla, ibinahagi niya ang larawan ng sportscar ng aktor. Sa caption isiniwalat niya na may nakita umano siyang panty sa compartment nito na pinaghihinalaan niyang kay Andrea Brillantes.


Muntik pa umano silang magkagulo ng kanyang girlfriend dahil nagdududa ito sa nakitang panty at naghinalang nambababae siya.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging usap-usaan sa social media ang pagbebenta ni Daniel Padilla sa kanyang kauna-unahang sportscar na pinaghatian pa umano nilang bayaran ni Kathryn Bernardo sa halagang 6.5 million pesos.


Nabili naman ito ng isang online-gamer mula sa Pampanga.


Bukod sa ibinibentang kotse ni Daniel Padilla, naging laman rin ng balita ang pagbibenta naman ng aktor sa kanilang bahay sa Quezon City sa halagang 50 million pesos.



Samantala, hindi naman nagustuhan ng mga tagahanga ni Andrea Brillantes ang ginawa ng car dealer ni Daniel Padilla dahil sa hayagang pamamahiya umano nito sa aktres.


Marami ang naghinala na ginagamit lamang umano ng nasabing car dealer si Andrea Brillantes para siya mapag-usapan at sumikat. May mga nagtatanong pa rito kung paano nito nalaman na pagmamay-ari ni Andrea Brillantes ang nasabing under garment.


May mga fans naman ng aktres ang humihiling na sana ay tigilan na ng mga basher si Andrea Brillantes dahil labis na umano ang natatanggap nitong pambabatikos mula nang masangkot ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Unang lumabas ang mga balitang may kinalaman si Andrea Brillantes sa hiwalayan ng KathNiel nang lumabas ang isyung hindi papayag si Kathryn Bernardo na makasama sa iisang proyekto si Andrea Brillantes.


Pinagtibay pa ito nang tuluyang i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram account.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo