Birthday Day Wish Ni Annabelle Kay Richard, Patama Naman Kay Sarah Lahbati

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Ipinagdiriwang nina Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez ang kanilang ika-40 na kaarawan nitong January 21, 2024.


Sa isang panayam kay Annabelle Rama ng isang entertainment news writer, inilahad ng kilalang talent manager ang kanyang birthday wish para kay Richard Gutierrez na naging laman ng usap-usapan sa social media nitong mga nagdaang buwan dahil sa balitang paghihiwalay nila ng asawang si Sarah Lahbati.


gusto niyang maging ligtas palagi si Richard sa lahat ng mga kapahamakan at maging malusog palagi.


Bukod pa rito, gusto niyang magkaroon ng lifetime partner si Richard Gutierrez na mamahalin siya at makuntento sa kanya at hindi na maghahanap pa ng iba.


Ipinagdadarasal din ni Annabelle Rama kay Sto. Nino na magtuloy-tuloy ang magandang career ni Richard Gutierrez, na mabigyan ito palagi ng mga good projects ng ABS-CBN.


Samantala, may ilang mga netizens naman na nag-iisip na tila patama na naman ito ni Annabelle Rama sa napapabalitang estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Bagama't hindi pa inamin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang paghihiwalay tila positibo na ito matapos ang palitan ng mga pasaring nina Sarah Lahbati at Annabelle Rama.


Bukod pa rito, tinanggal na rin ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account ang apilyedo ni Richard na Gutierrez.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo