Aiko Melendez Nanggigil Sa Kayabangan Ni Jerome Ponce

Miyerkules, Setyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Hayagang kinoll-out ng actress-politician na si Aiko Melendez ang isang young actor na may initial na JP dahil sa pagiging mayabang umano nito.


Agad naman itong umani ng samu't-saring espekulasyon kung sino ang tinutukoy ni Aiko Melendez.


Ayon sa Facebook post ni Aik Melendez, napakayabang na umano ng aktor na ito kahit wala pa naman itong napapatunayan. Pinayuhan pa niya itong mag-seminar muna.


Dahil wala umano itong respeto at magagandang asal. Porke't bida ay ma-attitude na.


Bagama't tanging JP lamang ang sinabi ni Aiko Melendez, marami ang naghinala na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Jerome Ponce.


Hindi naman alam ng kanyang mga followers kung ano ang dahilan kung bakit nasabi ito ni Aiko Melendez. Hindi rin naman niya nilinaw sa kanyang post kung personal pa niyang naranasan ang pagiging bastos ni Jerome Ponce.


Samantala, may mga nagsasabi naman na baka ang kanyang anak Andrie Yllana ang nakaranas nito mula sa sinabi niyang JP at to the rescue naman kaagad itong si Aiko.


Sina Andrie Yllana at Jerome Ponce ay magkasama sa iisang digital series na Skies Archer kung saan bida sa nasabing serye si Jerome Ponce.


Dahil dito, tila natiyak ng mga netizens na si Jerome Ponce talaga ang tinutukoy ni Aiko Melendez.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo