Kathryn Bernardo Nagasalita Na Sa Pag Iwas Niya Sa Pagbeso Ni Andrea Brillantes

Walang komento

Huwebes, Disyembre 14, 2023


 Nagbigay na ng pahayag ang aktres na Kathryn Bernardo sa kumakalat na video kung saan tila iniwasan niya ang tangkang pakikipagbeso-beso sa kanya ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa naganap na ABS-CBN Christmas Special rehearsal.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan at video na kuha mula sa ABS-CBN Christmas special rehearsal na ginanap sa Araneta Coliseum. Kabilang sa mga kumalat na video ay ang tila pag-iwas umano ni Kathryn Bernardo sa pakikipagbeso-beso ni Andrea Brillantes na naroon din sa nasabing event.


Matapos kumalat ang nasabing video, kaagad namang nilinaw nina Andrea Brillantes at Kathryn Bernardo ang totoong nangyari na siyang pinag-ugatan ng video.


Marami rin kasi ang mga nagsasabi na tila bigla na lamang umanong nag-iba ang mukha ni Kathryn Bernardo nang lumapit sa kanila si Andrea Brillantes at magtangkang makipagbeso-beso. Ayon pa sa ilang mga netizens na kitang-kita umano sa nasabing video ang pag-iwas ni Kathryn at ang pagkailang niya sa ginagawa ni Andrea Brillantes.


Hayagan naman itong naitanong kay Andrea Brillante sa isang panayam, dito iginiit ni Andrea Brillates na okay naman sila ngayon ng kanyang Ate Kath. Sa katunayan ay nginitian pa umano siya ni Kathryn Bernardo at tila nalito lamang umano ito sa rami ng gustong makipag-beso beso sa kanya, hindi na alam kung sino ang uunahin.


Subalit, ng matanong naman si Andrea Brillantes patungkol sa kinasasangkutan niyang isyu sa hiwalayan ng KathNiel ay muling tumanggi si Andrea Brillantes at piniling manahimik na lamang.


Sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap ngayon ni Andrea Brillantes malaki pa rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanilang event.


Hiling din Andrea Brillantes na sana ay maging masaya ang lahat sa paparating na pasko at mapuno sana ng blessings ang lahat.


Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Kathryn Bernardo hinggil sa isyung iniwasan niya ang pakikipagbeso-beso ni Andrea Brillantes sa kanya. Ayon kay Kathryn Bernardo, wala umanong katotohanan na iniwasan niya ang pakikipagbeso-beso ni Andrea Brillantes sa kanya.


Sa katunayan ay nginitian pa umano niya ito subalit sa dami ng mga gustong makipagbeso sa kanya ay hindi na niya alam kung kaninong pisngi ang uunahin niya.


Inamin rin ni Kathryn Bernardo na hindi sila nagkausap ni Andrea Brillantes sa nasabing event at medyo naiilang pa rin umano siya. Nagpasalamat rin si Kathryn Bernardo sa lahat ng mga Kapamilya na sumuporta sa kanilang event.


"Okay naman kami ni Andrea hindi naman kami masyado nakapag-usap kasi busy kaming lahat sa event. Marami kasi ang gustong bumeso sa akin kaya nalito na rin ako kung sino uunahin ko. Pero happy ako kasi maraming nag-enjoy na mga tao, salamat sa kanilang suporta."


Samantala, hindi na nagbigay ng komento si Kathryn Bernardo sa katanungang maari pa ba silang magkabalikan ni Daniel Padilla. Nauna nang naiulat na tila ginamit ni Daniel Padilla ang nasabing event upang makalapit at suyuin si Kathryn Bernardo subalit ilang ulit rin na pasimpleng umiiwas si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga KathNiel fans ang nagsasabi na huwag nang makipagbalikan ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla. Sa ngayon, mas ninanais ng mga fans ni Kathryn Bernardo na enjoyin na lamang muna niya ang kanyang pagiging single lalo na ngayon na lumutang na ang kanyang ganda dahil sa paglaya niya sa relasyon nila ni Daniel Padilla.




Daniel Padilla Dikit ng Dikit Kay Kathryn Bernardo Sa ABS-CBN Christmas Special Rehearsal

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang makailang ulit na pag-iwas ni Kathryn Bernardo sa tangkang paghawak sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla habang nasa rehearsal sila para ABS-CBN's Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum.


Marami ang nakapansin na tila hindi na para sa performance ang ginagawa ni Daniel Padilla sa habang nagrerehearse sila ni Kathryn Bernardo, tila naghahanap na umano ng tyempo si Daniel Padilla para makausap si Kathryn at pasimpleng sinusuyo na umano nito ang dalaga habang nagpi-perform sila.


Ang nasabing rehearsal ay ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasamang muli sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa iisang performance matapos ang kanilang paghihiwalay. Kaya naman marami sa mga netizens at ilang mga media people ang nakatutok sa performance na kanilang pagsasamahan.


Marami ang nakapuna na ilang beses na nagtangka si Daniel Padilla na hawakan si Kathryn Bernardo subalit ilang ulit din pasimple na umiiwas si Kathryn.


Hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang ikinilos ni Daniel Padilla sa pagkikitang muli nila ni Kathryn gayung alam naman umano ng lahat na hiwalay na sila at hindi na kailangan pa ang labis na pag-aalalay niya rito kay Kathryn Bernardo dahil nakaka-awkward lamang ito.


May pagkakataon pa na sadyang nilalapitan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo para kausapin at muling nagtangka ang aktor na hawakan ang braso ng aktres na muling iniwas ng dalaga.


Bukod pa rito, kumakalat rin ang video kung saan kitang-kita na pasimpleng sumusulyap si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na tila naging bigger actress si Kathryn Bernardo mula ng maisyung naghiwalay na sila ni Daniel Padilla. Marami rin ang nakapansin na tila nag-iba na umano ang awra nito ngayon na solo artist na lamang ito.


May mga nagsasabi pa na tila naging malaya na ngayon si Kathryn Bernardo na gawin ang kanyang mga gusto kaya naman makikitang gumanda ito. Ngayong solo na si Kathryn mas napapansin ang mga talento nito lalo na't nakakagalaw na siya ng malaya.


Samantala, marami sa mga netizens ang nagsasabi na sana ay huwag nang makipagbalikan ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla, may mga nagsasabi pa na huwag na muna umanong pumasok ni Kathryn Bernardo sa panibagong relasyon at enjoyin muna niya ang pagiging single.


"Kathryn went thru pain right, and just so recent.... seeing her eluding DJ is expected... and also, they are professional artists and actors... Kathryn is simply being polite to the audience we suppose."


"Okay lang yan Ms. Kathryn! Marami ka mararating at bata ka ba Ms. Kathryn! Iwan mo na lang muna yan! Mag focus ka sa work mo at kayang kaya mo yan at dasal lang Kathryn, mag sama kayo ny parents mo, sila na muna at trabaho muna gawin mo at dasal. God bless you more!! Stay safe and healthy!"


"Nasanay na si DJ kay Kathryn. It's automatic. Laging niya inaayusan siya. Mabait lang talaga si Kathryn. Sobrang bait na inaabuso."


"Sa mga fans ng kathniel please respect them. Gusto niyo ba paulit ulit nalang sila masaktan, lalo na si kath? Give her a chance to find a good man. Mabait siya at hindi niya deserve ang maloko ng paulit ulit. Insensitive din itong iba pinagsama pa talaga."





Kampo Ni Kathryn Bernardo Nagsalita Na Sa Balitang Paglipat Ng Ibang Network

Walang komento

Miyerkules, Disyembre 13, 2023


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isyung lilipat na umano sa ibang TV network at talent agency ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Matatandaan na nitong November 30, 2023 tuluyang inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na totoo ang kumakalat na chismis ng kanilang paghihiwalay subalit, pareho nilang nilihim ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Kasunod nito, kaagad naman umanong nakatanggap ng mga offer mula sa ibang mga networks si Kathryn Bernardo, nakakatanggap rin siya ng offer mula sa ibang talent agencies kabilang na ang Crown Artist Management na pagmamay-ari ni Maja Salvador at mister nitong si Rambo Nunez.


Sa katunayan, kumalat pa noon sa social media ang mga larawan na kuha mula sa kanilang pagkikita.


Samatala, nagbigay na ng pahayag ang kampo ni Kathryn Bernardo hinggil sa nasabing isyu, sa isang panayam sa ina ni Kathryn na si Min Bernardo ng ABS-CBN News, hayagan niyang pinabulaanan ang mga isyung ito.


Ayon sa ina ni Kathryn, walang katotohanan ang mga isyung lilipat sa ibang TV network at talent agency ni Kathryn Bernardo. Kahit pa naghiwalay na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi umano iiwan ni Kathryn ang Star Magic at lalong lalo na ang ABS-CBN na naging tahanan na ng aktres mula pa noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.


Matatandaan na nagbigay rin noon ng pahayag ang ABS-CBN at Star Magic matapos ang pag-amin ng kanilang talents na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan. Ayon sa kanilang official statement, nirerespeto nila ang desisyon ng dalawa na maghiwalay na.



Hiniling din nila noon sa mga fans ng KathNiel na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa hiwalayan ng dalawa at patungkol sa totoong naging sanhi nito.


Marami naman ang nakaoansin na lalong sumikat ngayon ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla dahil nakuha ni Kathryn ang simpatya ng mga netizens dahil nagsilabasan na ang mga tinatagong baho ni Daniel Padilla.


Muli ring pinupuri ngayon ang aktres, matapos kumalat ang mga videos at mga larawan na kuha mula sa rehearsal para sa ABS-CBN Christmas Special sa darating na linggo.


Makikitang very professional si Kathryn Bernardo dahil pumapayag pa rin siyang makasama sa performance si Daniel Padilla. Makikita pa sa mga nasabing video ang civil na pakikitungo ni Kathryn sa kanyang ex-boyfriend.



Daniel Padilla Sinuyo Agad Si Kathryn Bernardo Matapos Ang Kanilang Rehearsal

Walang komento


 Tila nakahanap ng tyempo ang aktor na si Daniel Padilla na suyuin ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo nang muling magkasama na magperform on stage sa naganap na ABS-CBN Christmas Special rehearsal.


Matapos ang nakakagulat na pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan noong November 30, 2023 muling ginulat ng dalawa ang mga netizens nang ibahagi ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment websites ang mga larawan at videos na kuha mula sa rehearsal nina Kathryn para sa darating na Christmas special ng ABS-CBN.


Marami naman sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nakaramdam ng kilig dahil sa pagsasamang muli ng dalawa. Hindi rin naman maitatanggi na may mga fans pa rin ang nagnanais na sana ay magkabalikan ang dalawa.


Samantala, marami ang humanga sa taglay na professionalism ni Kathryn Bernardo dahil pumapayag pa rin siya na makatrabaho muli si Daniel Padilla sa kabila ng mga nangyari sa kanila at sa isyung matagal na siyang pinagloloko nito.


May mga nakapansin pa na pilit umanong naghahanap ng tyempo si Daniel Padilla para makausap niya ng masinsinan si Kathryn Bernardo na naging civil na lamang ang pakikipag-usap sa aktor.


May mga nagsasabi pa na may pa hatid pa umano si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa kotse nito matapos ang kanilang rehearsal.


Sa kabila ng kilig na nararamdaman ngayon ng ilang mga fans, marami pa rin ang nagpapayo kay Kathryn Bernardo na huwag nang makipagbalikan kay Daniel Padilla dahil nagloko na umano ito noon at magiging madali na lamang na lokohin siyang muli nito.



Direk Cathy Garcia Binunyag Ang Kanyang Mga Sinabi Sa KathNiel Matapos Ang Breakup

Walang komento


 Inamin ng box-office director na si Cathy Garcia Sampana na nalungkot din siya sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Naitanong kay Director Cathy Garcia ng isang entertainment reporter kung ano ang kanyang naging reaksyon sa kumpirmadong paghihiwalay ng dalawa na matapos ang kanilang labing isang taon na relasyon.


Ayon kay Direk Cathy, wala naman sigurong hindi nalulungkot sa hiwalayan ng dalawa. Gayunpaman, ipinahayag niya na wala siyang kinikilingan ninuman kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil pareho umano niyang mahal ang dalawa.


Ipinunto pa nito na hindi na niya kailangan pang kumampi sa isang panig dahil malalaki na rin naman ang dalawa at alam naman umano niya na malalampasan ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan ngayon.


Nirerespeto rin umano niya ang dalawa at alam umano niya kung hanggang saan lamang ang kanyang boundaries. Ipinahayag din ni Derek Cathy na naroon lamang umano siya sakaling kakailanganin siya ng dalawa.


Hindi rin umano siya magmi-meddle sa mga gagawin desisyon ng dalawa dahil malalaki na ang mga ito at kung kailangan naman siya ay tiyak na kusang lalapit sina Kathryn at Daniel sa kanya.


Isa si Direk Cathy Garcia sa mga taong nakasaksi kung gaano nagmature sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera. Isa rin siya sa mga taong nakasaksi sa mga pinagdaanan ng dalawa at kung paano naggrow ang kanilang relasyon.


Hanggang ngayon ay naaalala pa rin umano niya ang unang pagkakataon na nakatrabago niya ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2012 sa Kapamilya hit series na Got 2 Believe.


Nasundan naman ito nang ginawa nina Kathryn at Daniel ang remake ng Pangako Sayo noong 2015 to 2016 at La Luna Sangre noong 2017 hanggang sa 2018.


Pumatok rin sa takilya ang mga pelikula ng tambalang KathNiel na The How's of Us at She's Dating The Gangster.




Eat Bulaga Ba-bye Na, Paulo Contis Napahiya!

Walang komento


 Kumakalat ngayon ang video ng interview ni Mr. Fu sa legal council nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na si Atty. Enrique Buko Dela Cruz sa programa ng Abante.


Nabanggit sa nasabing panayam ni Atty. Dela Cruz, na naghahanda na silang sampahan ng kaso ang TAPE Inc. dahil sa hindi nila pagrespeto sa desisyon ng Intellectual Property Office. Hindi na umano maaring gamitin ng TAPE Inc. ang titulong Eat Bulaga sa kanilang show na umiere sa GMA7.


Samantala, base sa pagkaka-intindi ng mga netizens na kapag nai-file na ang injunction automatic nang pagbabawalan ang TAPE Inc. na gamitin ang titulo na Eat Bulaga sa kanilang show.


Sa kabilang banda, inusisa rin ang legal council ng TAPE Inc, na si Atty. Maggie Abraham Garduque hinggil sa nasabing isyu. Ayon sa kanya, wala naman umano silang natatanggap na kopya tungkol sa kasong iyon at wala rin umano silang ideya.


Napanood rin umano ni Atty. Garduque ang bahagi ng interview kay Atty. Dela Cruz na kumakalat ngayon sa Tiktok patungkol sa hinihintay nilang desisyon para magamit na ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga sa darating na January 2024.


Sa kabila nito, pinili ni Atty. Garduque na huwag na munang maglabas ng anumang komento ukol rito. Maging ang ilang mga nagtatrabaho sa Eat Bulaga ay tumanggi rin na magbigay ng anumang komento.


Matatandaan na nauna nang nagpahayag noon ang TAPE Inc. na hindi sila basta-basta na lamang susuko laban sa mga kasong isinampa ng TVJ. Kahit pa pinaburan ng Intellectual Property Office of the Philippines ang TVJ sa kanilang desisyon na kanselahin ang kanilang trademark registration sa Eat Bulaga.


Ngayon, hindi pa natitiyak kung sino ang magmamay-ari sa huli sa pamagat ng longest running noontime show dahil pursigido ang dalawang panig na mapasakanila ang karapatan sa titulo ng Eat Bulaga.



Xian Lim Nabuntis Ang Bagong Girlfriend

Walang komento


 Sa unti-unting pagkakabunyag ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim, pinuputakte ngayon ng mga fans ni Kim Chiu si Xian Lim ng pambabatikos dahil sa isyung pangangaliwa niya sa kanyang nobya.


Galit na galit umano ang mga tagasuporta ni actress-host na Kim Chiu na kilala rin bilang Chinita Princess sa kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim dahil pinapaasa lamang umano nito ang aktres.


Ibinahagi naman ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang mga saloobin ng kanyang mga fans ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng kanyang programa na Cristy Ferminute.


Marami umano ang nagsasabing pinaasa lamang ni Xian Lim si Kim Chiu at tila hindi umano nito sineryoso ang aktres sa kanilang 12 years relationship dahil wala naman pala itong plano para sa future nila ni Kim Chiu.


Ayon pa kay Cristy Fermin na kahit hindi pa sila nagbibigay ng pahayag ay halatang-halata na umano na naghiwalay na sila kaya naman bakit tila patuloy pa rin nilang dine-deny ang lahat.


Lumikha rin ng ingay ang pagbubura ni Xian Lim sa mga vlog nila ni Kim Chiu na magkasama na tila ba ay indikasyon umano na wala na silang ugnayan pa sa isa't-isa.


Ipinunto naman ni Romel Chika na nakakaawa si Kim Chiu dahil nauna na nitong inamin na kapag nagmamahal siya ay wagas at ibinubuhos niya ang lahat subalit ngayon ay tila nasayang lamang lahat maging ang pagkadalaga nito.


Sa kabilang banda, bagama't sinabi ni Ogie Diaz na hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim, tanging ang kawalan lamang nito ng plano na pakasalan ang aktres ang dahilan naniniwala pa rin ang ilang mga fans ng aktres na may third party na sangkot.


Talagang magaling lamang umanong magtago itong si Xian Lim ng baho niya at ng babae niya, ngayon lamang umano nilabas ng aktor nang tuluyan na silang naghiwalay ni Kim Chiu.


Marami rin ang nagsasabi na tila ginagamit lamang ni Xian Lim si Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalanan at maambunan kahit papaano sa kasikatan ng aktres.


Samantala, may mga naglabasan pang mga haka-haka na umano'y nagbubuntis na ngayon ang babae ni Xian Lim at naniniwala naman umano ang aktor na wala siyang masamang ginawa dahil wala naman na sila ni Kim Chiu.


Sa ngayon ay hinihiling ng mga tagahanga ni Kim Chiu na makahanap siya ng lalaking hindi kagaya ni Xian Lim na sarili lamang umano ang iniisip at hindi pinapahalagahan si Kim Chiu. Iyong lalaki na handa umanong iharap sa altar si Kim Chiu at hindi lamang gamitin.



Antonette Gail Pumalag Sa Kaniyang Basher Matapos Sabihang Feeling Sikat

Walang komento

Hindi napigilan ng social media personality at influencer na si Antonette Gail Del Rosario ang pagpalag sa isang basher na sinabihan siyang feeling sikat, matapos mag viral ang video nila na kuha sa airport ng Hongkong.


Matatandaan na naunang napag-usapan sa social media ang video na ibinahagi ni Emma kung saan ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang pagbabakasyon nilang pamilya sa Hongkong kasama sina Whamos at Antonette Gail.


Sa isang bahagi ng vlog nina Emma, makikita ang paglabas nina Antonette Gail sa airport, nakasakay pa sa cart si Antonette na kinakalong ang anak nila ni Whamos na si Baby Meteor. Makikita namang kumakaway si Antonette Gail habang binabati niya ang mga tao na nadadaanan nila palabas.


Bumabati rin si Antonette ng hi habang kumakaway sa mga tao roon subalit makikita sa video na wala man lang pumapansin sa kanya.


May isang TikTok user naman na nagreupload sa nasabing video, kalakip ang mga larawan nina Anne Curtis, Kathryn Bernardo at Heart Evangelista na may caption na sikat habang ang caption naman ng kay Antonette ay feeling sikat.


Kaagad naman itong umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens, kung saan kadalasan sa mga ito ay pawang mga negatibo at pambabatikos laban kay Antonette.


Marami ang nag-tag kay Antonette Gail at hayagan siyang binabatikos dahil sa pagpi-feeling nito na sikat siya gayung umingay lang naman umano ang kanyang pangalan dahil kay Whamos Cruz.


Dahil sa labis na pambabatikos, pinalagan na ni Antonette Gail ang nasabing uploader, ipinaliwanag din niya kung bakit siya kumakaway sa video at bumabati sa mga tao roon kahit wala namang bumabati sa kanya.


Ayon kay Antonette Gail, sinasadya umano niya na bumati  sa mga tao sa airport ng Hongkong kahit wala naman umano bumabati sa kanya pabalik. Hindi umano siya nagpi-feeling sikat roon. Umaarte lamang siya na may pamilyang naghihintay sa kanya roon sa airport. Iginiit din ni Antonette na wala namang masama sa kanyang pagbati sa mga tao roon.


Binalaan din ni Antonette ang uploader ng nasabing video dahil magsasampa siya ng kaso rito at wala siyang pakialam kahit i-delete pa nito ang video dahil mati-trace pa rin niya ito sa tulong ng mga experts.


Samantala, may ilang mga netizens naman na patuloy pa ring sinusupurtahan si Antonette Gail sa kabila ng mga natatanggap nitong pambabatikos.


"Ganun talaga ibang tao Konting galaw pinupuna. Pag Hindi napansin Suplada eka maarte , Masama Ugali etc. 


"Kapag naman kumaway ka nag Hi ka sasabihin feeling sikat feeling artista at kung anu-ano pa o diba nakakaloka dimo alam kung san ka lulugar


"Meron talagang mga tao na kapag hindi masaya sa buhay nambubwis*t ng kapwa hahanapan ng ikakasira o ikakagalit ng ibang tao! 


"Btw kung san kapo masaya enjoy lang buhay mo yan at wala silang karapatan makialam as long as wala ka naman natatapakan o tinatapakang ibang tao"


Jam Magno Viral Sa Kanyang Mugshot Photo, Very Pretty at Proud?

Walang komento


 Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang mugshot ng social media personality na si Jam Magno. 

Kumakalat ngayon sa social media ang mugshot ni Jam Magno kung saan makikitang nakangiti siya habang kinukunan ng larawan na ayon sa ilang mga netizens na tila proud pa ito sa kinakaharap niyang kaso.


Kusang sumuko sa mga Pulis si Jam Magno dahil sa kinakaharap niyang kaso, nitong December 12, 2023 kinunan si Jam Magno ng mug shoot.


Samantala, nilinaw naman ni Jam Magno na hindi siya kinulong nang matanggap niya ang warrant arrest kaugnay sa kasong R.A 9262 na isinampa laban sa kanya. Ang warrant of arrest ;aban kay Jam Magno ay nag-ugat sa kanyang paglabag sa Violence Against Women and Children Act.


Inilabas ang warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 37, 7th Judicial Region Cagayan De Oro City.


Kaagad namang nilinaw ni Jam Magno sa kanyang Facebook post ang dahilan kung bakit nakangiti siya sa kanyang mugshot. Ayon kay Jam Magno, kaya siya nakangiti dahil hindi naman siya guilty sa kasong isinampa laban sa kanya na kinakaharap niya ngayon. Iginiit pa ni Jam Magno na kusa siyang sumuko sa mga otoridad at kaagad na nagpyansa sa halagang 72 thousand pesos.


"I smiled because I am NOT guilty."


Dagdag pa ni Jam Magno, "You should post my miranda right's video mas guapa ko didto. Hahaha!

And to be fair ha."


Nagpapasalamat rin si Jam Magno sa Butuan City Police Station 4 para sa kanyang wonderful experience. Nagpapasalamat rin siya sa Barangay Ampayon's New Barangay Captain Kim Acalayen sa madaliang pagpo-proseso sa kanyang Bail Requirements."


Hindi naman isiniwalat kung sino ang nagsampa ng kaso laban kay Jam Magno na kilalang supporter noon ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte.


Samantala narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa kinakaharap na kaso ngayon ni Jam Magno.


"Please continue your platform to helping the people in need Miss Jam,

at least you did something for the community. Then, very Pretty pa gyud.

Nothing new to this, as anyone can file a case unto someone. Nganong na shock man ang uban."


"Katuo gud nako na it's a prank ra

Glad you're okay Ms. Jam

God bless po"


"laban lang mam jam kalmahan ra na kay makadaot na sa beauty ug di jud na mkatarog kang jam magno kay same tag panindigan samtang naa ta sa sakto laban uy.."


"Sure ako maam Jam yang 1.6k na share most of them hater na nimu ga ambak2x kay kita sila ana Hahaha!!

Amping kanunay and Laban maam!Have a Good day ingat!"




Ogie Diaz, Kinumpirma Ang Hiwalayan Nina Xian Lim at Kim Chiu, Isiniwalat ang Totoong Dahilan

Walang komento


 Ibinunyag ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang nakarating sa kanya na dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu matapos ang 12 years nilang relasyon.


Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, isiniwalat nito ang kumpirmasyon sa bali-balitang naghiwalay na ang celebrity couple  na sina Xian Lim at Kim Chiu.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, isang kaibigan niya ang nagsabi sa kanya sa sitwasyon nina Kim Chiu. Hindi pa lamang umano ito maamin ng Kapamilya actress-host dahil hanggang ngayon ay pinoproseso pa umano ng aktres ang sarili dahil sa biglaang break up nila.


Hindi pa umano ito maamin ni Kim Chiu dahil pinoproseso pa niya ang lahat lalo na't inamin naman ni Kim Chiu noon na kapag siya ang nagmahal ay ibinubuhos niya ang lahat. Dahil ayaw umano niya na dumating ang araw na kukwestyunin siya ng lalaki o ninuman na may itotodo pa pala ang kanyang pagmamahal bakit hindi pa nito ibinigay ang lahat.


Ibinahagi ni Ogie Diaz na wala naman umanong third party sa hiwalayan nila ang naging problema lamang ay ang kawalan ng plano ni Xian Lim sa relasyon nila ni Kim. Lumalabas na wala umano sa mga priority ni Xian Lim si Kim Chiu.


Naitanong naman ni Mama Loi kung kailan pa naghiwalay ang dalawa, na kaagad namang sinagot ni Ogie Diaz na nauna lamang ng kaunti sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga ito dahil magdadalawang buwan pa lamang na hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz, tila naghihintay na lamang si Kim Chiu ng proposal mula kay Xian Lim dahil 12 years na rin naman ang kanilang relasyon at nasa tamang edad na sila para magpakasal.


Ipinahayag rin ni Ogie Diaz na nagsilabasan lamang ang mga isyu ng mga babaeng nalilink kay Xian Lim nang matapos na ang hiwalayan nila ni Kim Chiu kaya naman hindi ito maituturing na third party.


Sa kabilang banda, naging malaking tulong umano para sa mga pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu sa hiwalayan nila ni Xian Lim ang kanyang It's Showtime family dahil sa mga pagdamay ng kanyang mga co-host. Nakakangiti rin umano sa studio si Kim dahil kabilang sa kanilang trabaho roon ang pagbibigay ng saya.


Ito rin marahil ang dahilan kung bakit naging laman ng pagbibiro ni Vice Ganda si Kim Chiu lalo na kapag napapansin ng Unkabogable Star na nagsisimula na itong maging emosyunal.


Samantala, makikita ngayon sa YouTube channel ni Xian Lim na binura na nito ang mga vlogs nila ni Kim Chiu na magkasama, isang video na lamang ang natira sa kanyang channel at dalawang shorts na hindi naman niya kasama si Kim Chiu.


Kung pagbabasehan naman ang mga nalilink ngayong babae kay Xian Lim, mahihinuhang nag-uumpisa na itong magmove on habang ang actress-host ay pinoproseso pa ang nangyari sa kanilang dalawa.


Bumuhos naman ngayon ang mga mensahe ng pagsuporta kay Kim Chiu mula sa kanyang mga fans. Naniniwala sila na malalampasan rin ni Kim Chiu ang lahat at makakatagpo rin ito ng lalaking handa siyang pakasalan at siya ang magiging una sa mga priority nito.



Gerald Anderson, Barbie Imperial Spotted Magkasama Sa Isang Event! Paano Na Si Julia Barretto?

Walang komento


 Trending ngayon sa ilang mga social media platforms sina Barbie Imperial at Gerald Anderson matapos kumalat ang ilang video clips kung saan makikita silang magkasama sa isang event.


Kaagad na napansin ng mga netizens ang malagkit umanong tingin ni Gerald Anderson kay Barbie Imperial dahil dito marami ang nagtag sa nobya ni Gerald Anderson na si Julia Barretto at tinanong kung hindi pa siya kinakabahan sa galawan ngayon ni Gerald.


Spotted na magkasama sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa isang event sa Dubai kamakailan lamang. Sa video makikitang magkatabing nakaupo sina Gerald Anderson at Barbie Imperial habang nanonood ng isang sports event.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento sa mga netizens lalo pa't nakalagay sa caption kung kailangan na bang kabahan ni Julia Barretto. Marami ang nagsasabi na dapat na ngang kabahan ni Julia Barretto dahil hindi naman umano lingid sa kanyang kaalaman na sa ganitong galawan nagsisimula ang mga kababalaghan.


Nagsimula ang isyu kina Gerald Anderson at Barbie Imperial nang kumalat ang larawan nilang magkasama sa isang studio, nakadagdag pa rito ang pagsasama nilang dalawa sa Dubai para sa Shukran Festival 2023.


Marami rin ang nakapansin sa kakaibang gestures ngayon ni Gerald Anderson kay Barbie Imperial sa kanilang pagsasama ngayon lalo na sa kanilang mga live performances.


Tila malalagkit umano ang titig ngayon ni Gerald Anderson kay Barbie Imperial kaya naman marami sa mga netizens ang nagpapayo kay Julia Barretto na bantayan na nito si Gerald Anderson dahil hindi naman umano lingid sa kanyang kaalaman ang katauhan ni Gerald.


May mga nagsasabi na kung mapapabaya si Julia Barretto ay baka sila naman ni Gerald Anderson ang celebrity couple na susunod na maghihiwalay bago matapos ang kasalukuyang taon.


Matatandaan na naging sunod-sunod ang balitang paghihiwalay ng mga celebrity couple ngayong huling bahagi ng 2023 katulad na lamang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, Miles Ocampo at Elijah Canlas.


Matatandaan na marami-rami na ring mga kontrobersiyang pinagdaanan si Gerald Anderson noon kabilang na ang alleged cheating niya kay Bea Alonzo. Palihim umanong nagkikita noon sina Julia Barretto at Gerald Anderson kahit hindi pa sila hiwalay ni Bea Alonzo.


Nag-umpisa ang lahat ng maging leading lady ni Gerald Anderson si Julia Barretto sa palabas na Between Maybes. Kaya naman, hindi rin masisisi nina Julia Barretto at Gerald Anderson na mag-isip ng masama sa mga kumakalat na larawan ngayon ng aktor dahil sa naging history ni Gerald Anderson sa kanyang mga co-artist.


Samantala, hindi rin maitatanggi ng maraming kababayan natin na naroon sa Dubai na nakaramdam din sila ng kilig sa mga galawan nina Barbie Imperial roon. Marami pa ang humihiling na sana ay magkaroon ng palabas ang dalawa na magkasama dahil sa hindi maitatangging chemistry nila.



Vic Sotto, Binanatan Si Paolo Contis Dahil Pakikisawsaw Sa Eat Bulaga Trademark

Walang komento


 Naglabas na ng banat si Vic Sotto laban sa actor-host na si Paolo Contis dahil sa umano'y pakikialam nito sa isyu sa pagitan nila at ng TAPE Inc. sa kung sino ang karapa't dapat na magmamay-ari ng titulong Eat Bulaga.


Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nakakamove on ang actor-host na si Paolo Contis sa pagkampi ng Intellectual Property Office sa TVJ para makuha ang trademark registration ng Eat Bulaga.


Matatandaan na kinansela ng Intellectual Property Office ang trademark registration ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga dahil hindi sila nakapagbigay ng detalyadong paliwanag kung paano nila nabuo ang pamagat.


Kaagad namang naghain ng apela ang TAPE Incorporated para baguhin ng IPO ang nauna nilang desisyon subalit binasura naman ito kaagad. Gayunpaman, hindi pa rin tumitigil si Paolo Contis sa kanyang pambabanat sa TVJ at tila hindi pa rin nito matanggap na kailangan na nilang baguhin ang pamagat ng kanilang show.


Ilang beses na nanindigan si Paolo Contis na hindi pa umano tapos ang laban at mahaba pa ang laban sa pagitan nila at ng TVJ sa kung sino ang totoong may karapatan sa titulong Eat Bulaga. Idiniin din ni Paolo Contis na hindi pa nararapat na magsaya ang mga netizens at mga fans ng TVJ dahil maari pa rin umanong mabago ang desisyon ng Intellectual Property Office.


Sa paraan ng pagpapahayag ni Paolo Contis, mahihinuha na hindi basta-basta na susuko ang TAPE Incorporated at hanggang sa huli ay papanindigan pa rin nila na sila ang mas may karapatan sa Eat Bulaga hindi sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Ayon pa sa ilang mga netizens sa panggagalaiti ngayon ni Paolo Contis, kung makapagreak ito ngayon ay parang may ambag naman siya sa pagbuo ng Eat Bulaga gayung ilang buwan pa lamang siyang naging host nito. Kung magsalita umano ito ay parang kasabayan siya ng TVJ sa pagiging host ng Eat Bulaga sa loob ng maraming taon.


Samantala, tila nauubos na rin ngayon ang pasensya ni Vic Sotto kaya naman nagbigay ng ito ng pahayag kung saan tila binanatan niya si Paolo Contis sa panghihimasok nito sa show.


Ayon kay Bossing Vic Sotto, may mga tao umanong maraming sinasabi na para bang may naiambag sa pinaghirapan nila para mabuo ang Eat Bulaga. Ang dami umanong sinasabi ng taong ito subalit hindi naman nakakapagbigay ng sustento sa kanyang mga anak.


Dagdag pang pasaring ni Vic Sotto kay Paolo Contis na dapat ay sustentuhan muna ni Paolo Contis ang kanyang mga anak bago sumatsat sa isyu ng Eat Bulaga trademark.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ay pumuna rin sa mga statements na binibitawan ni Paolo Contis laban sa TVJ at ang pagkuntra ni Paolo Contis sa desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines.


Paalala ni Cristy Fermin kay Paolo Contis na huwag na umano itong magbigay ng pahayag patungkol sa batas lalo na't nilalabag naman umano ng actor-host ang batas na nagsasabi na dapat niyang bigyan ng sustento ang kanyang mga anak.


Ayon pa kay Cristy Fermin si Paolo Contis na mismo ang nagbibigay ng mga dahilan para makatanggap siya ng mga pambabatikos mula sa mga netizens. Marami umano ang mga nagsasabi ngayon na bago makisali sa ibang isyu ay dapat unahin muna ni Paolo Contis na ayusin ang sarili niyang isyu hinggil sa pagsusustento sa kanyang mga anak.



Kim Chiu Nagulat Sa Ginawa Ni Paulo Avelino Sa Showtime

Walang komento

Martes, Disyembre 12, 2023




 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan kung saan makikita ang aktor na si Paolo Avelino sa studio ng It's Showtime. Tila dinalaw at sinupresa umano nito ang kanyang leading lady sa Philippine adaptation ng Korean rom-com series na What's Wrong With Secretary Kim!?


Ibinahagi ang mga larawan na ito ng ilang mga madlang pipol na nakakita umano sa dalawa sa nasabing studio. Kinilig naman ang kanilang mga tagahanga dahil tila binabakuran umano nito ang kanyang leading lady.


Matatandaan na nauna nang kumalat ang isyu na tila nagkakamabutihan na umano sina Kim Chiu at Paulo Avelino mula noong nagkasama sa digital series na Linlang. May ilang mga media platforms naman na hayagan kung magtanong sa aktres kung nililigawan na ba siya ng aktor.


Ang tanging sinasagot lamang ni Kim Chiu ay si Paulo Avelino na lamang umano ang tanungin ng mga ito.


Hindi naman umano ito masama sakaling totoong nanliligaw ngayon si Paulo Avelino kay Kim Chiu dahil single naman umano ito at tila naghiwalay na rin sina Kim Chiu at Xian Lim.


Subalit may ilan naman na naniniwala na hindi makakabuti kung magiging sila kaagad ni Paulo Avelino dahil maituturing umano na totoo ang isyung si Paulo Avelino ang dahilan ng pagkakalabuan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Bukod pa rito, hindi pa rin nililinaw ni Paulo Avelino kung ano ang estado ng relasyon nila ni Janine Gutierrez na naunang nalilink sa kanya.


Sa ngayon ay hati pa rin ang mga opinyon ng mga netizens dahil sa patuloy na pananahimik ni Kim Chiu hinggil sa estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Ilang linggo na ring napag-uusapan sa social media ang umano'y hiwalayan nila.


Lalong umingay ang isyu ngayon ng dalawa nang pinagbubura ni Xian Lim ang mga vlogs nila ni Kim Chiu na uploaded sa kanyang YouTube Channel.


Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng mga netizens ang mga opisyal na pahayag nila.



Daniel Padilla Pabagsak Na Ang Career Dahil Sa Paghihiwalay Nila Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Marami ang natutuwa sa ibinabahaging life update ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ngayon matapos ang pagsisiwalat nila ni Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan.


Sa ngayon ay sunod-sunod ang mga endorsements ni Kathryn Bernardo na naging daan na rin umano para madali itong makakagmove on sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla dahil nababaling ang atensyon ng aktres sa kanyang mga photoshoot at hindi na nito naiisip pa ang mga pinagdaanan nila noon ni Daniel Padilla na tila nasayang lang dahil sa paghihiwalay nila.


Sa kabila naman ng matagumpay na showbiz career ni Kathryn Bernardo, tila tahimik naman ngayon ang kampo ni Daniel Padilla kaya naman marami sa mga netizens kung ano ang mga pinagkakaabalahan nito ngayon.


May mga nagsasabi rin ngayon na hindi na napag-uusapan ngayon ang pangalan ni Daniel Padilla bukod sa mga usapin patungkol sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Mula nang kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay, at naglabasan ang mga isyu patungkol sa pambababae ni Daniel Padilla, tila nanabang na ang mga dating tagasuporta nito.


Inakala kasi umano ng marami na napakatinong lalaki ni Daniel Padilla dahil ipinapakita niyang conservative siya, selos at loyal na boyfriend ni Kathryn Bernardo subalit kabaliktaran pala itong lahat dahil tinatago lamang nito ang kanyang mga baho sa likod ng maimpluwensyang pamilya.


Naging usap-usapan din sa social media ang pag-atras umano ng mga brand na sana ay i-endorse ni Daniel Padilla dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na baka ito na umano ang magiging simula ng pagbagsak ng career ni Daniel Padilla dahil sa pagkakabuwag na rin ng tambalan nila ni Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Daniel Padilla kung saan ipinunto nila na magaling at talented rin naman ang aktor kaya naman makakaya rin nitong pabanguhin ang kanyang pangalan kahit hindi na niya makakasama sa proyekto si Kathryn Bernardo.




Toni at Paul, Sinasabihang Pabida Dahil Sa Pamimigay Ng Pamasko

Walang komento

Tumaas ang kilay ng ilang mga netizens at pinagtatawanan pa ang pa Christmas giveaway ng celebrity couple na sina Paul Soriano at Toni Gonzaga para sa ilang myembro ng media.


Sa isang Twitter nag-flex ang  isang user ng larawan ng paper bag ng giveaways at ang laman nitong grocery items tulad ng mga canned goods, pasta, pasta sauce, cookies at ilang ingredients para sa fruit salad.


Sa caption pinagtawanan ng user ang ipinamigay ni Toni Gonzaga sa press people. Bagama't hindi naman pinangalanan at ipinalabas pa na isang blind item, kapansin-pansin naman ang pangalan na nakalagay sa paper bag na Toni Talks.


Dahil dito, pinukol ng kung ano-anong panlalait sina Paul Soriano at Toni Gonzaga, tinawag silang pabida at ang style umano ng kanilang pa giveaways ay iyong parang bigay ng mga kandidato.


Sa kabilang banda may mga nagtatanggol naman kina Toni Gonzaga at Paul Soriano kung saan ipinunto nila na hindi naman makatarungan na ibash ang mag-asawa dahil nagmamagandang loob lang naman ang mga ito na mamimigay dahil panahon naman ngayon ng kapaskuhan.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang galit kay Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta nilang mag-asawa sa partido ng kanilang ninong sa kasal na si President Bongbong Marcos noong 2022 National Elections.


Marami sa mga solid fans ng Kapamilya network ang tumatawag na traydor kay Toni Gonzaga dahil karamihan ng mga senatorial line up ni President Bongbing Marcos noon ay mga mambabatas na tumangging bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.




 

Andrea Brillantes Natakot Kay Kathryn Bernardo?

Walang komento


 Kaagad na ipinagtanggol ng mga netizens ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio matapos lumabas ang balitang sangkot siya sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Naniniwala ang mga netizens na walang kinalaman si Gillian Vicencio sa hiwalayan ng KathNiel dahil naging maayos naman umano ang bonding ng mga ito noong nagkasama sila sa pelikulang A Very Good Girl. Maging noong pinopromote nila ang kanilang pelikula ay makikita paring nag-uusap a nagbobinding ang dalawa.


Wala ring napansing na awkwardness sa pagitan ng dalawa na sa panahong iyon ay hiwalay na pala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Samantala, kaagad din namang nilinaw ni Gillian Vicencio ang isyu ng pagkakalink  niya sa aktor na si Daniel Padilla kung saan iginiit niya na walang katotohanan na nagkaroon sila ng relasyon ni Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, pilit namang kinokonek ng ilang mga netizens ang paglilinaw na ito ni Gillian Vicencio kay Andrea Brillantes na nauna nang nalilink kay Daniel Padilla.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring binabash ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa isyu ng pagiging third party sa relasyon ng KathNiel na tumagal rin sa loob ng 11 years.


Maging ang kanyang ina na si Belle Brillantes ay binabatikos na rin ngayon dahil sa pangungunsinti at sa pagpasa umano ng responsibilidad ng magulang kay Andrea Brillantes.


Subalit, sa kabila ng mga pambabatikos ay nanatiling tahimik at tikom ang bibig ni Andrea Brillantes.


Marami naman ang nagsasabi na dapat nang magsalita ngayon ni Andrea Brillantes at linawin na ang isyu dahil ang image niya lamang ang napapasama habang pinapatagal pa niya ito lalo na't may iba pang isyu na binabato sa kanya bukod sa isyung may kinalaman sa KathNiel.


Samantala, may mga nagsilabasan rin ngayong isyu na maging ang negosyo ni Andrea Brillantes ay naapektuhan na rin dahil sa kanyang mga isyu ngayon lalo na ang pagiging dahilan ng hiwalayan ng mga sikat na celebrity couple.



Alden Richards, Kathryn Bernardo Bagong Loveteam

Walang komento


 Tila ingat na ingat ang tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Aldn Richards sa kanyang pagbibigay ng mga sagot sa mga katanungan patungkol sa pinag-uusapang hiwalayan sa buong mundo ng showbiz, ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kabilang sa mga naitanong kay Alden Richards ay kung ano ang kanyang naging initial reaction ng kumpirmahin ng sikat na celebrity couple ang kanilang paghihiwalay.


Ayon kay Alden Richards, mainit ang topic patungkol sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaya naman ayaw umano niyang maipit sa mga tagahanga ng dalawa. Ayaw rin umano ni Alden Richards na makatanggap ng pambabatikos muli.


"Medyo mainit po yung topic, baka masali po ako ulit, baka ako ulit ang mabash," saad ni Alden Richards.


Ayaw umano ni Alden Richards na makatanggap ng pambabatikos kaya naman mas mabuting manahimik na lamang umano siya at hindi na makikisali pa sa isyu.


Naitanong rin kay Alden Richards ang kanyang opinyon hinggil sa mga naglabasang request ng ilang mga tagahanga nila ni Kathryn Bernardo na sana sila nalang ang maging magkaloveteam at magkatuluyan sa huli. Hiling din ng ilang mga tagahanga nila na sana ay magkaroon pa sila muli ng maraming mga palabas at teleserye na magkasama.


Ayon naman kay Alden Richard, nirerespeto niya ang dalawa kaya naman hindi na siya magbibigay ng anumang komento ukol rito. Subalit, aabangan na lamang umano in the future kung ano ang magiging kalalabasan nito. Sa ngayon ay dapat muna umanong bigyan ng space ang dalawa.


Hindi naman maitatanggi na talagang tumatak sa mga tao ang ginawang pelikula noon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye noong 2019. Ang pelikula ring ito ang may hawak sa bilang highest grossing Filipino movie of all time.


Samantala, marami naman ngayon ang naku-curious kung ano ang nararamdaman ngayon ni Daniel Padilla na mismong ang mga tagahanga na nila ni Kathryn Bernardo ang humihiling na sana ay ituloy na ang dating naudlot na Hello, Love Goodbye part 2 na noon ay hinarangan umano niya.


Sa katunayan ay may pag-uusap na umano sa magkabilang kampo hinggil sa nasabing part two ng pelikula. 


Samantala, dahil sa usaping ito muling nabuhay ang matagal nang isyu noon na umano'y nai-insecure si Daniel Padilla kay Alden Richards dahil tinangkilik ng maraming manonood ang pelikula nito kasama ang kanyang girlfriend noon na si Kathryn Bernardo. Dahil dito ay hindi na umano gusto ni Daniel na magkakatrabaho muli ang dalawa.


Gayunpaman, ngayong tuluyan nang nakawala sa kanya si Kathryn Bernardo at nawalan na siya ng karapatan para kontrolin ito iniisip ng mga netizens na sa wakas ay maaring nang matuloy ang hinihiling na part 2 noon.



Vice Ganda Ipinagtanggol Si Kim Chiu Kay Xian Lim Matapos Nito Burahin Ang Vlogs Nila

Walang komento


 Naging makahulugan ang mensahe ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kay Chinita Princess Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, kung saan tila pina-realize nito sa aktres na hindi nito deserved ang mga pinagdadaanan nito ngayon dahil may mabuting puso ang aktres.


Lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na totoong naghiwalay na rin sina Kim Chiu at Xian Lim matapos mapansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na binura na ni Xian Lim ang mga videos at vlog nila ni Kim Chiu na magkasama sa kanyang YouTube channel.


Tatlong video na lamang ang iniwan ng aktor sa kanyang YouTube channel at kapansin-pansin na wala ni-isa sa mga ito ay kasama niya si Kim Chiu. Nag-iwan ito ng malaking katanungan para sa mga netizens lalong-lalo na ng mga fans nilang dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan sa mga travel vlogs ni Xian Lim ay kasama niya si Kim Chiu.


Samantala, sa latest episode ng It's Showtime, tila pinagtanggol naman ni Vice Ganda ang kanyang malapit na kaibigan at co-host na si Kim Chiu laban sa nararamdaman nitong sakit at lungkot dahil sa ginawa ni Xian Lim na pambabalewala sa mga pinagsamahan nila noon.


Ipinahayag at tila pinayuhan ni Vice Ganda si Kim Chiu at ipinunto kung gaano kaganda ng mukha at kung gaano kabuti ng puso ni Kim Chiu kaya naman hindi ito karapa't-dapat na masaktan. 


Iginiit pa ni Vice Ganda na deserved ni Kim Chiu ang mahalin at ang lahat ng best sa mundo. Niyakap din ni Vice Ganda si Kim Chiu upang iparating sa aktres ang kanyang taos pusong pagsuporta.


Sa kabilang banda, nagtrending rin sa Twitter ang hashtag 'mahal ka namin Kim Chiu' upang ipaalam sa aktres ang pagsuporta at pagmamahal.


Tila ang pagbubura ni Xian Lim sa mga vlogs na pinagsamahan nila ni Kim Chiu ay isa na umano sa indikasyon at paraan ng pagkukumpirma ni Xian Lim sa hiwalayan nila ng aktres. Bagama't hindi nito hayagan inamin ang hiwalayan nilang dalawa ni Kim Chiu ang pagbubura ng aktor sa mga memories nila together ni Kim Chiu ay sapat na para isiping hindi na niya ito pinapahalagahan at wala na itong halaga sa kanya.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang aktres na si Kim Chiu hinggil sa isyu ng paghihiwalay nila ni Xian Lim. Hindi rin nagbigay ng pahayag ang aktres kung nagpaalam muna si Xian Lim sa kanya bago nito binura ang kanilang mga memories together na naka-store sa YouTube channel nito.


Maging si Xian Lim ay hindi rin nagbibigay ng pahayag hinggil sa isyu at hindi rin siya nagbigay ng anumang dahilan sa kung bakit binura niya ang mga vlogs nila ni Kim Chiu.


Katulad ng sa KathNiel, sina Xian Lim at Kim Chiu ay nagsimula rin bilang mag-onscreen partner hanggang magkadevelopan at nagkaroong ng romantic relationship. Umabot rin sa labin-dalawang taon ang kanilang pagiging magjowa kung saan inakala ng lahat na mauuwi na sila sa kasalan.




Xian Lim, Kinumpirma Na Ang Hiwalayan Nila Ni Kim Chui

Walang komento


 Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang maraming mga netizens ng kumpirmasyyon mula kina Kim Chiu at Xian Lim hinggil sa napapabalitang paghihiwalay nilang dalawa.


Ilang linggo na ring naging laman ng mga balita at usap-usapan online ang mga pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu hinggil sa paghihiwalay at sa pagiging malungkot nito.


Bukod pa rito may mga kumakalat ring mga larawan kung saan makikitang may ibang babae na kasama si Xian Lim na kaagad namang kinilala bilang si Irish Lee isang non-showbiz girl na nagtatrabaho bilang writer ng Viva.


Makikita pa sa mga nasabing larawan na napakalapit nilang dalawa na kung titingnan ay totoong magkarelasyon.


Samantala, lalong kinakabahan ngayon ang mga KimXi fans na nagtapos na rin ang relasyon ng dalawa dahil sa kaparehong mga indikasyon sa paghihiwalay rin ng KathNiel na kamakailan lamang ay kinumpirma ng mga ito sa kanilang mga tagahanga.


Matatandaan na ilang linggo rin nauulat noon na naghiwalay na ang KathNiel dahil napansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na hindi na nagkakasama ang mga ito, ganundin ngayon ang KimXi, matagal na rin nang huli sila nagkasama at maging sa mga pagbabakasyon na dating magkasama sila noon ay nag-iba na ngayon.


Nakadagdag pa sa isipin ng mga fans nina Kim Chiu at Xian ang ginawa ng aktor sa kanyang Youtube vlog, kung saan pinagbubura nito ang kanyang mga naging content noon kasama ang mga naging content nila ni Kim Chiu.


Hinala ngayon ng marami na isa na itong indikasyon ng aktor sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Naibahagi rin ito ng isang showbiz reporter na si MJ Felipe kung saan kapansin-pansin umano ang biglaang pagbubura ni Xian Lim sa kanyang mga Youtube vlog at maging ang mga vlog na kasama niya si Kim Chiu ay binura rin ng Kapuso Actor.


Sa ngayon ay tatlong videos na lamang ang makikita sa YouTube channel ni Xian Lim, sa tatlong ito wala ni isa ang kasama si Kim Chiu.


"LOOK: Xian Lim has deleted/removed all his videos on his YouTube channel including his vlogs with Kim Chiu. Only three videos, 2 shorts were retained. None of these retained videos had Kim Chiu in it."


Binalikan rin nito ang isyu ng hiwalayan ng dalawa na tila pilit na iniiwasan ni Kim Chiu na sagutin sa mga panayam at presscon sa mga teleseryeng kanyang pinagbibidahan.


"For the past month and weeks, Kim and Xian has been in the news rumored to have broken up. Kim has been evading these rumors and questions from the press."


"Kayo, what do you think this means?" dagdag pang tanong ni MJ Felipe.


Kalakip na post ni MJ Felipe ay ang mga screenshot kung saan makikita ngang burado na ang mga vlogs sa channel ni Xian Lim.


Narito naman ang komento ng ilang mga KimXi fans hinggil sa ginawang ito ni Xian Lim.


"O baka sasabihin na naman ng mga Bashers jan na si Kim na naman may kasalanan..Kim deserve better di niya deserve ang ganyang klaseng lalaki..At di deserve ni Kim ang saktan lang wala siyang karapatan.At kahit sinong lalaki wala kayong karapatan na saktan kaming mga babae."


"it is what it is. . .Xian (34) & Kim (33). . .i hope each can find the right person 💗, a new chapter in their lives."


"don't lose hope idol kim everything happen for a reason,life like a book,some chapters sad,some are happy,some are exciting.But if you never turn the page,you'll never know what the chapters hold.that's the cycle of life.


"kung poro masaya at walang pighati.Hindi mo ma apreciate ang buhay.kaya laban lang idol!may darating din na tao na para sayo at mamahalin ka di ka iiwan at sasaktan pa!"



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo