Vic Sotto, Binanatan Si Paolo Contis Dahil Pakikisawsaw Sa Eat Bulaga Trademark

Miyerkules, Disyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng banat si Vic Sotto laban sa actor-host na si Paolo Contis dahil sa umano'y pakikialam nito sa isyu sa pagitan nila at ng TAPE Inc. sa kung sino ang karapa't dapat na magmamay-ari ng titulong Eat Bulaga.


Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nakakamove on ang actor-host na si Paolo Contis sa pagkampi ng Intellectual Property Office sa TVJ para makuha ang trademark registration ng Eat Bulaga.


Matatandaan na kinansela ng Intellectual Property Office ang trademark registration ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga dahil hindi sila nakapagbigay ng detalyadong paliwanag kung paano nila nabuo ang pamagat.


Kaagad namang naghain ng apela ang TAPE Incorporated para baguhin ng IPO ang nauna nilang desisyon subalit binasura naman ito kaagad. Gayunpaman, hindi pa rin tumitigil si Paolo Contis sa kanyang pambabanat sa TVJ at tila hindi pa rin nito matanggap na kailangan na nilang baguhin ang pamagat ng kanilang show.


Ilang beses na nanindigan si Paolo Contis na hindi pa umano tapos ang laban at mahaba pa ang laban sa pagitan nila at ng TVJ sa kung sino ang totoong may karapatan sa titulong Eat Bulaga. Idiniin din ni Paolo Contis na hindi pa nararapat na magsaya ang mga netizens at mga fans ng TVJ dahil maari pa rin umanong mabago ang desisyon ng Intellectual Property Office.


Sa paraan ng pagpapahayag ni Paolo Contis, mahihinuha na hindi basta-basta na susuko ang TAPE Incorporated at hanggang sa huli ay papanindigan pa rin nila na sila ang mas may karapatan sa Eat Bulaga hindi sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Ayon pa sa ilang mga netizens sa panggagalaiti ngayon ni Paolo Contis, kung makapagreak ito ngayon ay parang may ambag naman siya sa pagbuo ng Eat Bulaga gayung ilang buwan pa lamang siyang naging host nito. Kung magsalita umano ito ay parang kasabayan siya ng TVJ sa pagiging host ng Eat Bulaga sa loob ng maraming taon.


Samantala, tila nauubos na rin ngayon ang pasensya ni Vic Sotto kaya naman nagbigay ng ito ng pahayag kung saan tila binanatan niya si Paolo Contis sa panghihimasok nito sa show.


Ayon kay Bossing Vic Sotto, may mga tao umanong maraming sinasabi na para bang may naiambag sa pinaghirapan nila para mabuo ang Eat Bulaga. Ang dami umanong sinasabi ng taong ito subalit hindi naman nakakapagbigay ng sustento sa kanyang mga anak.


Dagdag pang pasaring ni Vic Sotto kay Paolo Contis na dapat ay sustentuhan muna ni Paolo Contis ang kanyang mga anak bago sumatsat sa isyu ng Eat Bulaga trademark.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ay pumuna rin sa mga statements na binibitawan ni Paolo Contis laban sa TVJ at ang pagkuntra ni Paolo Contis sa desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines.


Paalala ni Cristy Fermin kay Paolo Contis na huwag na umano itong magbigay ng pahayag patungkol sa batas lalo na't nilalabag naman umano ng actor-host ang batas na nagsasabi na dapat niyang bigyan ng sustento ang kanyang mga anak.


Ayon pa kay Cristy Fermin si Paolo Contis na mismo ang nagbibigay ng mga dahilan para makatanggap siya ng mga pambabatikos mula sa mga netizens. Marami umano ang mga nagsasabi ngayon na bago makisali sa ibang isyu ay dapat unahin muna ni Paolo Contis na ayusin ang sarili niyang isyu hinggil sa pagsusustento sa kanyang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo