Xian Lim, Kinumpirma Na Ang Hiwalayan Nila Ni Kim Chui

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang maraming mga netizens ng kumpirmasyyon mula kina Kim Chiu at Xian Lim hinggil sa napapabalitang paghihiwalay nilang dalawa.


Ilang linggo na ring naging laman ng mga balita at usap-usapan online ang mga pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu hinggil sa paghihiwalay at sa pagiging malungkot nito.


Bukod pa rito may mga kumakalat ring mga larawan kung saan makikitang may ibang babae na kasama si Xian Lim na kaagad namang kinilala bilang si Irish Lee isang non-showbiz girl na nagtatrabaho bilang writer ng Viva.


Makikita pa sa mga nasabing larawan na napakalapit nilang dalawa na kung titingnan ay totoong magkarelasyon.


Samantala, lalong kinakabahan ngayon ang mga KimXi fans na nagtapos na rin ang relasyon ng dalawa dahil sa kaparehong mga indikasyon sa paghihiwalay rin ng KathNiel na kamakailan lamang ay kinumpirma ng mga ito sa kanilang mga tagahanga.


Matatandaan na ilang linggo rin nauulat noon na naghiwalay na ang KathNiel dahil napansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na hindi na nagkakasama ang mga ito, ganundin ngayon ang KimXi, matagal na rin nang huli sila nagkasama at maging sa mga pagbabakasyon na dating magkasama sila noon ay nag-iba na ngayon.


Nakadagdag pa sa isipin ng mga fans nina Kim Chiu at Xian ang ginawa ng aktor sa kanyang Youtube vlog, kung saan pinagbubura nito ang kanyang mga naging content noon kasama ang mga naging content nila ni Kim Chiu.


Hinala ngayon ng marami na isa na itong indikasyon ng aktor sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Naibahagi rin ito ng isang showbiz reporter na si MJ Felipe kung saan kapansin-pansin umano ang biglaang pagbubura ni Xian Lim sa kanyang mga Youtube vlog at maging ang mga vlog na kasama niya si Kim Chiu ay binura rin ng Kapuso Actor.


Sa ngayon ay tatlong videos na lamang ang makikita sa YouTube channel ni Xian Lim, sa tatlong ito wala ni isa ang kasama si Kim Chiu.


"LOOK: Xian Lim has deleted/removed all his videos on his YouTube channel including his vlogs with Kim Chiu. Only three videos, 2 shorts were retained. None of these retained videos had Kim Chiu in it."


Binalikan rin nito ang isyu ng hiwalayan ng dalawa na tila pilit na iniiwasan ni Kim Chiu na sagutin sa mga panayam at presscon sa mga teleseryeng kanyang pinagbibidahan.


"For the past month and weeks, Kim and Xian has been in the news rumored to have broken up. Kim has been evading these rumors and questions from the press."


"Kayo, what do you think this means?" dagdag pang tanong ni MJ Felipe.


Kalakip na post ni MJ Felipe ay ang mga screenshot kung saan makikita ngang burado na ang mga vlogs sa channel ni Xian Lim.


Narito naman ang komento ng ilang mga KimXi fans hinggil sa ginawang ito ni Xian Lim.


"O baka sasabihin na naman ng mga Bashers jan na si Kim na naman may kasalanan..Kim deserve better di niya deserve ang ganyang klaseng lalaki..At di deserve ni Kim ang saktan lang wala siyang karapatan.At kahit sinong lalaki wala kayong karapatan na saktan kaming mga babae."


"it is what it is. . .Xian (34) & Kim (33). . .i hope each can find the right person 💗, a new chapter in their lives."


"don't lose hope idol kim everything happen for a reason,life like a book,some chapters sad,some are happy,some are exciting.But if you never turn the page,you'll never know what the chapters hold.that's the cycle of life.


"kung poro masaya at walang pighati.Hindi mo ma apreciate ang buhay.kaya laban lang idol!may darating din na tao na para sayo at mamahalin ka di ka iiwan at sasaktan pa!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo