Daniel Padilla Pabagsak Na Ang Career Dahil Sa Paghihiwalay Nila Ni Kathryn Bernardo

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Marami ang natutuwa sa ibinabahaging life update ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ngayon matapos ang pagsisiwalat nila ni Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan.


Sa ngayon ay sunod-sunod ang mga endorsements ni Kathryn Bernardo na naging daan na rin umano para madali itong makakagmove on sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla dahil nababaling ang atensyon ng aktres sa kanyang mga photoshoot at hindi na nito naiisip pa ang mga pinagdaanan nila noon ni Daniel Padilla na tila nasayang lang dahil sa paghihiwalay nila.


Sa kabila naman ng matagumpay na showbiz career ni Kathryn Bernardo, tila tahimik naman ngayon ang kampo ni Daniel Padilla kaya naman marami sa mga netizens kung ano ang mga pinagkakaabalahan nito ngayon.


May mga nagsasabi rin ngayon na hindi na napag-uusapan ngayon ang pangalan ni Daniel Padilla bukod sa mga usapin patungkol sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Mula nang kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay, at naglabasan ang mga isyu patungkol sa pambababae ni Daniel Padilla, tila nanabang na ang mga dating tagasuporta nito.


Inakala kasi umano ng marami na napakatinong lalaki ni Daniel Padilla dahil ipinapakita niyang conservative siya, selos at loyal na boyfriend ni Kathryn Bernardo subalit kabaliktaran pala itong lahat dahil tinatago lamang nito ang kanyang mga baho sa likod ng maimpluwensyang pamilya.


Naging usap-usapan din sa social media ang pag-atras umano ng mga brand na sana ay i-endorse ni Daniel Padilla dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na baka ito na umano ang magiging simula ng pagbagsak ng career ni Daniel Padilla dahil sa pagkakabuwag na rin ng tambalan nila ni Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Daniel Padilla kung saan ipinunto nila na magaling at talented rin naman ang aktor kaya naman makakaya rin nitong pabanguhin ang kanyang pangalan kahit hindi na niya makakasama sa proyekto si Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo