Vice Ganda Ipinagtanggol Si Kim Chiu Kay Xian Lim Matapos Nito Burahin Ang Vlogs Nila

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Naging makahulugan ang mensahe ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kay Chinita Princess Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, kung saan tila pina-realize nito sa aktres na hindi nito deserved ang mga pinagdadaanan nito ngayon dahil may mabuting puso ang aktres.


Lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na totoong naghiwalay na rin sina Kim Chiu at Xian Lim matapos mapansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na binura na ni Xian Lim ang mga videos at vlog nila ni Kim Chiu na magkasama sa kanyang YouTube channel.


Tatlong video na lamang ang iniwan ng aktor sa kanyang YouTube channel at kapansin-pansin na wala ni-isa sa mga ito ay kasama niya si Kim Chiu. Nag-iwan ito ng malaking katanungan para sa mga netizens lalong-lalo na ng mga fans nilang dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan sa mga travel vlogs ni Xian Lim ay kasama niya si Kim Chiu.


Samantala, sa latest episode ng It's Showtime, tila pinagtanggol naman ni Vice Ganda ang kanyang malapit na kaibigan at co-host na si Kim Chiu laban sa nararamdaman nitong sakit at lungkot dahil sa ginawa ni Xian Lim na pambabalewala sa mga pinagsamahan nila noon.


Ipinahayag at tila pinayuhan ni Vice Ganda si Kim Chiu at ipinunto kung gaano kaganda ng mukha at kung gaano kabuti ng puso ni Kim Chiu kaya naman hindi ito karapa't-dapat na masaktan. 


Iginiit pa ni Vice Ganda na deserved ni Kim Chiu ang mahalin at ang lahat ng best sa mundo. Niyakap din ni Vice Ganda si Kim Chiu upang iparating sa aktres ang kanyang taos pusong pagsuporta.


Sa kabilang banda, nagtrending rin sa Twitter ang hashtag 'mahal ka namin Kim Chiu' upang ipaalam sa aktres ang pagsuporta at pagmamahal.


Tila ang pagbubura ni Xian Lim sa mga vlogs na pinagsamahan nila ni Kim Chiu ay isa na umano sa indikasyon at paraan ng pagkukumpirma ni Xian Lim sa hiwalayan nila ng aktres. Bagama't hindi nito hayagan inamin ang hiwalayan nilang dalawa ni Kim Chiu ang pagbubura ng aktor sa mga memories nila together ni Kim Chiu ay sapat na para isiping hindi na niya ito pinapahalagahan at wala na itong halaga sa kanya.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang aktres na si Kim Chiu hinggil sa isyu ng paghihiwalay nila ni Xian Lim. Hindi rin nagbigay ng pahayag ang aktres kung nagpaalam muna si Xian Lim sa kanya bago nito binura ang kanilang mga memories together na naka-store sa YouTube channel nito.


Maging si Xian Lim ay hindi rin nagbibigay ng pahayag hinggil sa isyu at hindi rin siya nagbigay ng anumang dahilan sa kung bakit binura niya ang mga vlogs nila ni Kim Chiu.


Katulad ng sa KathNiel, sina Xian Lim at Kim Chiu ay nagsimula rin bilang mag-onscreen partner hanggang magkadevelopan at nagkaroong ng romantic relationship. Umabot rin sa labin-dalawang taon ang kanilang pagiging magjowa kung saan inakala ng lahat na mauuwi na sila sa kasalan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo