Toni at Paul, Sinasabihang Pabida Dahil Sa Pamimigay Ng Pamasko

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely

Tumaas ang kilay ng ilang mga netizens at pinagtatawanan pa ang pa Christmas giveaway ng celebrity couple na sina Paul Soriano at Toni Gonzaga para sa ilang myembro ng media.


Sa isang Twitter nag-flex ang  isang user ng larawan ng paper bag ng giveaways at ang laman nitong grocery items tulad ng mga canned goods, pasta, pasta sauce, cookies at ilang ingredients para sa fruit salad.


Sa caption pinagtawanan ng user ang ipinamigay ni Toni Gonzaga sa press people. Bagama't hindi naman pinangalanan at ipinalabas pa na isang blind item, kapansin-pansin naman ang pangalan na nakalagay sa paper bag na Toni Talks.


Dahil dito, pinukol ng kung ano-anong panlalait sina Paul Soriano at Toni Gonzaga, tinawag silang pabida at ang style umano ng kanilang pa giveaways ay iyong parang bigay ng mga kandidato.


Sa kabilang banda may mga nagtatanggol naman kina Toni Gonzaga at Paul Soriano kung saan ipinunto nila na hindi naman makatarungan na ibash ang mag-asawa dahil nagmamagandang loob lang naman ang mga ito na mamimigay dahil panahon naman ngayon ng kapaskuhan.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang galit kay Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta nilang mag-asawa sa partido ng kanilang ninong sa kasal na si President Bongbong Marcos noong 2022 National Elections.


Marami sa mga solid fans ng Kapamilya network ang tumatawag na traydor kay Toni Gonzaga dahil karamihan ng mga senatorial line up ni President Bongbing Marcos noon ay mga mambabatas na tumangging bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo