Antonette Gail Pumalag Sa Kaniyang Basher Matapos Sabihang Feeling Sikat

Miyerkules, Disyembre 13, 2023

/ by Lovely

Hindi napigilan ng social media personality at influencer na si Antonette Gail Del Rosario ang pagpalag sa isang basher na sinabihan siyang feeling sikat, matapos mag viral ang video nila na kuha sa airport ng Hongkong.


Matatandaan na naunang napag-usapan sa social media ang video na ibinahagi ni Emma kung saan ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang pagbabakasyon nilang pamilya sa Hongkong kasama sina Whamos at Antonette Gail.


Sa isang bahagi ng vlog nina Emma, makikita ang paglabas nina Antonette Gail sa airport, nakasakay pa sa cart si Antonette na kinakalong ang anak nila ni Whamos na si Baby Meteor. Makikita namang kumakaway si Antonette Gail habang binabati niya ang mga tao na nadadaanan nila palabas.


Bumabati rin si Antonette ng hi habang kumakaway sa mga tao roon subalit makikita sa video na wala man lang pumapansin sa kanya.


May isang TikTok user naman na nagreupload sa nasabing video, kalakip ang mga larawan nina Anne Curtis, Kathryn Bernardo at Heart Evangelista na may caption na sikat habang ang caption naman ng kay Antonette ay feeling sikat.


Kaagad naman itong umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens, kung saan kadalasan sa mga ito ay pawang mga negatibo at pambabatikos laban kay Antonette.


Marami ang nag-tag kay Antonette Gail at hayagan siyang binabatikos dahil sa pagpi-feeling nito na sikat siya gayung umingay lang naman umano ang kanyang pangalan dahil kay Whamos Cruz.


Dahil sa labis na pambabatikos, pinalagan na ni Antonette Gail ang nasabing uploader, ipinaliwanag din niya kung bakit siya kumakaway sa video at bumabati sa mga tao roon kahit wala namang bumabati sa kanya.


Ayon kay Antonette Gail, sinasadya umano niya na bumati  sa mga tao sa airport ng Hongkong kahit wala naman umano bumabati sa kanya pabalik. Hindi umano siya nagpi-feeling sikat roon. Umaarte lamang siya na may pamilyang naghihintay sa kanya roon sa airport. Iginiit din ni Antonette na wala namang masama sa kanyang pagbati sa mga tao roon.


Binalaan din ni Antonette ang uploader ng nasabing video dahil magsasampa siya ng kaso rito at wala siyang pakialam kahit i-delete pa nito ang video dahil mati-trace pa rin niya ito sa tulong ng mga experts.


Samantala, may ilang mga netizens naman na patuloy pa ring sinusupurtahan si Antonette Gail sa kabila ng mga natatanggap nitong pambabatikos.


"Ganun talaga ibang tao Konting galaw pinupuna. Pag Hindi napansin Suplada eka maarte , Masama Ugali etc. 


"Kapag naman kumaway ka nag Hi ka sasabihin feeling sikat feeling artista at kung anu-ano pa o diba nakakaloka dimo alam kung san ka lulugar


"Meron talagang mga tao na kapag hindi masaya sa buhay nambubwis*t ng kapwa hahanapan ng ikakasira o ikakagalit ng ibang tao! 


"Btw kung san kapo masaya enjoy lang buhay mo yan at wala silang karapatan makialam as long as wala ka naman natatapakan o tinatapakang ibang tao"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo