Daniel Padilla Dikit ng Dikit Kay Kathryn Bernardo Sa ABS-CBN Christmas Special Rehearsal

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang makailang ulit na pag-iwas ni Kathryn Bernardo sa tangkang paghawak sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla habang nasa rehearsal sila para ABS-CBN's Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum.


Marami ang nakapansin na tila hindi na para sa performance ang ginagawa ni Daniel Padilla sa habang nagrerehearse sila ni Kathryn Bernardo, tila naghahanap na umano ng tyempo si Daniel Padilla para makausap si Kathryn at pasimpleng sinusuyo na umano nito ang dalaga habang nagpi-perform sila.


Ang nasabing rehearsal ay ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasamang muli sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa iisang performance matapos ang kanilang paghihiwalay. Kaya naman marami sa mga netizens at ilang mga media people ang nakatutok sa performance na kanilang pagsasamahan.


Marami ang nakapuna na ilang beses na nagtangka si Daniel Padilla na hawakan si Kathryn Bernardo subalit ilang ulit din pasimple na umiiwas si Kathryn.


Hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang ikinilos ni Daniel Padilla sa pagkikitang muli nila ni Kathryn gayung alam naman umano ng lahat na hiwalay na sila at hindi na kailangan pa ang labis na pag-aalalay niya rito kay Kathryn Bernardo dahil nakaka-awkward lamang ito.


May pagkakataon pa na sadyang nilalapitan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo para kausapin at muling nagtangka ang aktor na hawakan ang braso ng aktres na muling iniwas ng dalaga.


Bukod pa rito, kumakalat rin ang video kung saan kitang-kita na pasimpleng sumusulyap si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na tila naging bigger actress si Kathryn Bernardo mula ng maisyung naghiwalay na sila ni Daniel Padilla. Marami rin ang nakapansin na tila nag-iba na umano ang awra nito ngayon na solo artist na lamang ito.


May mga nagsasabi pa na tila naging malaya na ngayon si Kathryn Bernardo na gawin ang kanyang mga gusto kaya naman makikitang gumanda ito. Ngayong solo na si Kathryn mas napapansin ang mga talento nito lalo na't nakakagalaw na siya ng malaya.


Samantala, marami sa mga netizens ang nagsasabi na sana ay huwag nang makipagbalikan ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla, may mga nagsasabi pa na huwag na muna umanong pumasok ni Kathryn Bernardo sa panibagong relasyon at enjoyin muna niya ang pagiging single.


"Kathryn went thru pain right, and just so recent.... seeing her eluding DJ is expected... and also, they are professional artists and actors... Kathryn is simply being polite to the audience we suppose."


"Okay lang yan Ms. Kathryn! Marami ka mararating at bata ka ba Ms. Kathryn! Iwan mo na lang muna yan! Mag focus ka sa work mo at kayang kaya mo yan at dasal lang Kathryn, mag sama kayo ny parents mo, sila na muna at trabaho muna gawin mo at dasal. God bless you more!! Stay safe and healthy!"


"Nasanay na si DJ kay Kathryn. It's automatic. Laging niya inaayusan siya. Mabait lang talaga si Kathryn. Sobrang bait na inaabuso."


"Sa mga fans ng kathniel please respect them. Gusto niyo ba paulit ulit nalang sila masaktan, lalo na si kath? Give her a chance to find a good man. Mabait siya at hindi niya deserve ang maloko ng paulit ulit. Insensitive din itong iba pinagsama pa talaga."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo