Kampo Ni Kathryn Bernardo Nagsalita Na Sa Balitang Paglipat Ng Ibang Network

Miyerkules, Disyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isyung lilipat na umano sa ibang TV network at talent agency ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Matatandaan na nitong November 30, 2023 tuluyang inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na totoo ang kumakalat na chismis ng kanilang paghihiwalay subalit, pareho nilang nilihim ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Kasunod nito, kaagad naman umanong nakatanggap ng mga offer mula sa ibang mga networks si Kathryn Bernardo, nakakatanggap rin siya ng offer mula sa ibang talent agencies kabilang na ang Crown Artist Management na pagmamay-ari ni Maja Salvador at mister nitong si Rambo Nunez.


Sa katunayan, kumalat pa noon sa social media ang mga larawan na kuha mula sa kanilang pagkikita.


Samatala, nagbigay na ng pahayag ang kampo ni Kathryn Bernardo hinggil sa nasabing isyu, sa isang panayam sa ina ni Kathryn na si Min Bernardo ng ABS-CBN News, hayagan niyang pinabulaanan ang mga isyung ito.


Ayon sa ina ni Kathryn, walang katotohanan ang mga isyung lilipat sa ibang TV network at talent agency ni Kathryn Bernardo. Kahit pa naghiwalay na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi umano iiwan ni Kathryn ang Star Magic at lalong lalo na ang ABS-CBN na naging tahanan na ng aktres mula pa noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.


Matatandaan na nagbigay rin noon ng pahayag ang ABS-CBN at Star Magic matapos ang pag-amin ng kanilang talents na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan. Ayon sa kanilang official statement, nirerespeto nila ang desisyon ng dalawa na maghiwalay na.



Hiniling din nila noon sa mga fans ng KathNiel na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa hiwalayan ng dalawa at patungkol sa totoong naging sanhi nito.


Marami naman ang nakaoansin na lalong sumikat ngayon ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla dahil nakuha ni Kathryn ang simpatya ng mga netizens dahil nagsilabasan na ang mga tinatagong baho ni Daniel Padilla.


Muli ring pinupuri ngayon ang aktres, matapos kumalat ang mga videos at mga larawan na kuha mula sa rehearsal para sa ABS-CBN Christmas Special sa darating na linggo.


Makikitang very professional si Kathryn Bernardo dahil pumapayag pa rin siyang makasama sa performance si Daniel Padilla. Makikita pa sa mga nasabing video ang civil na pakikitungo ni Kathryn sa kanyang ex-boyfriend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo