Direk Cathy Garcia Binunyag Ang Kanyang Mga Sinabi Sa KathNiel Matapos Ang Breakup

Miyerkules, Disyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng box-office director na si Cathy Garcia Sampana na nalungkot din siya sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Naitanong kay Director Cathy Garcia ng isang entertainment reporter kung ano ang kanyang naging reaksyon sa kumpirmadong paghihiwalay ng dalawa na matapos ang kanilang labing isang taon na relasyon.


Ayon kay Direk Cathy, wala naman sigurong hindi nalulungkot sa hiwalayan ng dalawa. Gayunpaman, ipinahayag niya na wala siyang kinikilingan ninuman kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil pareho umano niyang mahal ang dalawa.


Ipinunto pa nito na hindi na niya kailangan pang kumampi sa isang panig dahil malalaki na rin naman ang dalawa at alam naman umano niya na malalampasan ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan ngayon.


Nirerespeto rin umano niya ang dalawa at alam umano niya kung hanggang saan lamang ang kanyang boundaries. Ipinahayag din ni Derek Cathy na naroon lamang umano siya sakaling kakailanganin siya ng dalawa.


Hindi rin umano siya magmi-meddle sa mga gagawin desisyon ng dalawa dahil malalaki na ang mga ito at kung kailangan naman siya ay tiyak na kusang lalapit sina Kathryn at Daniel sa kanya.


Isa si Direk Cathy Garcia sa mga taong nakasaksi kung gaano nagmature sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera. Isa rin siya sa mga taong nakasaksi sa mga pinagdaanan ng dalawa at kung paano naggrow ang kanilang relasyon.


Hanggang ngayon ay naaalala pa rin umano niya ang unang pagkakataon na nakatrabago niya ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2012 sa Kapamilya hit series na Got 2 Believe.


Nasundan naman ito nang ginawa nina Kathryn at Daniel ang remake ng Pangako Sayo noong 2015 to 2016 at La Luna Sangre noong 2017 hanggang sa 2018.


Pumatok rin sa takilya ang mga pelikula ng tambalang KathNiel na The How's of Us at She's Dating The Gangster.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo