Kathryn Bernardo Nagasalita Na Sa Pag Iwas Niya Sa Pagbeso Ni Andrea Brillantes

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktres na Kathryn Bernardo sa kumakalat na video kung saan tila iniwasan niya ang tangkang pakikipagbeso-beso sa kanya ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa naganap na ABS-CBN Christmas Special rehearsal.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan at video na kuha mula sa ABS-CBN Christmas special rehearsal na ginanap sa Araneta Coliseum. Kabilang sa mga kumalat na video ay ang tila pag-iwas umano ni Kathryn Bernardo sa pakikipagbeso-beso ni Andrea Brillantes na naroon din sa nasabing event.


Matapos kumalat ang nasabing video, kaagad namang nilinaw nina Andrea Brillantes at Kathryn Bernardo ang totoong nangyari na siyang pinag-ugatan ng video.


Marami rin kasi ang mga nagsasabi na tila bigla na lamang umanong nag-iba ang mukha ni Kathryn Bernardo nang lumapit sa kanila si Andrea Brillantes at magtangkang makipagbeso-beso. Ayon pa sa ilang mga netizens na kitang-kita umano sa nasabing video ang pag-iwas ni Kathryn at ang pagkailang niya sa ginagawa ni Andrea Brillantes.


Hayagan naman itong naitanong kay Andrea Brillante sa isang panayam, dito iginiit ni Andrea Brillates na okay naman sila ngayon ng kanyang Ate Kath. Sa katunayan ay nginitian pa umano siya ni Kathryn Bernardo at tila nalito lamang umano ito sa rami ng gustong makipag-beso beso sa kanya, hindi na alam kung sino ang uunahin.


Subalit, ng matanong naman si Andrea Brillantes patungkol sa kinasasangkutan niyang isyu sa hiwalayan ng KathNiel ay muling tumanggi si Andrea Brillantes at piniling manahimik na lamang.


Sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap ngayon ni Andrea Brillantes malaki pa rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanilang event.


Hiling din Andrea Brillantes na sana ay maging masaya ang lahat sa paparating na pasko at mapuno sana ng blessings ang lahat.


Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Kathryn Bernardo hinggil sa isyung iniwasan niya ang pakikipagbeso-beso ni Andrea Brillantes sa kanya. Ayon kay Kathryn Bernardo, wala umanong katotohanan na iniwasan niya ang pakikipagbeso-beso ni Andrea Brillantes sa kanya.


Sa katunayan ay nginitian pa umano niya ito subalit sa dami ng mga gustong makipagbeso sa kanya ay hindi na niya alam kung kaninong pisngi ang uunahin niya.


Inamin rin ni Kathryn Bernardo na hindi sila nagkausap ni Andrea Brillantes sa nasabing event at medyo naiilang pa rin umano siya. Nagpasalamat rin si Kathryn Bernardo sa lahat ng mga Kapamilya na sumuporta sa kanilang event.


"Okay naman kami ni Andrea hindi naman kami masyado nakapag-usap kasi busy kaming lahat sa event. Marami kasi ang gustong bumeso sa akin kaya nalito na rin ako kung sino uunahin ko. Pero happy ako kasi maraming nag-enjoy na mga tao, salamat sa kanilang suporta."


Samantala, hindi na nagbigay ng komento si Kathryn Bernardo sa katanungang maari pa ba silang magkabalikan ni Daniel Padilla. Nauna nang naiulat na tila ginamit ni Daniel Padilla ang nasabing event upang makalapit at suyuin si Kathryn Bernardo subalit ilang ulit rin na pasimpleng umiiwas si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga KathNiel fans ang nagsasabi na huwag nang makipagbalikan ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla. Sa ngayon, mas ninanais ng mga fans ni Kathryn Bernardo na enjoyin na lamang muna niya ang kanyang pagiging single lalo na ngayon na lumutang na ang kanyang ganda dahil sa paglaya niya sa relasyon nila ni Daniel Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo