Alden Richards, Kathryn Bernardo Bagong Loveteam

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Tila ingat na ingat ang tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Aldn Richards sa kanyang pagbibigay ng mga sagot sa mga katanungan patungkol sa pinag-uusapang hiwalayan sa buong mundo ng showbiz, ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kabilang sa mga naitanong kay Alden Richards ay kung ano ang kanyang naging initial reaction ng kumpirmahin ng sikat na celebrity couple ang kanilang paghihiwalay.


Ayon kay Alden Richards, mainit ang topic patungkol sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaya naman ayaw umano niyang maipit sa mga tagahanga ng dalawa. Ayaw rin umano ni Alden Richards na makatanggap ng pambabatikos muli.


"Medyo mainit po yung topic, baka masali po ako ulit, baka ako ulit ang mabash," saad ni Alden Richards.


Ayaw umano ni Alden Richards na makatanggap ng pambabatikos kaya naman mas mabuting manahimik na lamang umano siya at hindi na makikisali pa sa isyu.


Naitanong rin kay Alden Richards ang kanyang opinyon hinggil sa mga naglabasang request ng ilang mga tagahanga nila ni Kathryn Bernardo na sana sila nalang ang maging magkaloveteam at magkatuluyan sa huli. Hiling din ng ilang mga tagahanga nila na sana ay magkaroon pa sila muli ng maraming mga palabas at teleserye na magkasama.


Ayon naman kay Alden Richard, nirerespeto niya ang dalawa kaya naman hindi na siya magbibigay ng anumang komento ukol rito. Subalit, aabangan na lamang umano in the future kung ano ang magiging kalalabasan nito. Sa ngayon ay dapat muna umanong bigyan ng space ang dalawa.


Hindi naman maitatanggi na talagang tumatak sa mga tao ang ginawang pelikula noon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye noong 2019. Ang pelikula ring ito ang may hawak sa bilang highest grossing Filipino movie of all time.


Samantala, marami naman ngayon ang naku-curious kung ano ang nararamdaman ngayon ni Daniel Padilla na mismong ang mga tagahanga na nila ni Kathryn Bernardo ang humihiling na sana ay ituloy na ang dating naudlot na Hello, Love Goodbye part 2 na noon ay hinarangan umano niya.


Sa katunayan ay may pag-uusap na umano sa magkabilang kampo hinggil sa nasabing part two ng pelikula. 


Samantala, dahil sa usaping ito muling nabuhay ang matagal nang isyu noon na umano'y nai-insecure si Daniel Padilla kay Alden Richards dahil tinangkilik ng maraming manonood ang pelikula nito kasama ang kanyang girlfriend noon na si Kathryn Bernardo. Dahil dito ay hindi na umano gusto ni Daniel na magkakatrabaho muli ang dalawa.


Gayunpaman, ngayong tuluyan nang nakawala sa kanya si Kathryn Bernardo at nawalan na siya ng karapatan para kontrolin ito iniisip ng mga netizens na sa wakas ay maaring nang matuloy ang hinihiling na part 2 noon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo