Kim Chiu Nagulat Sa Ginawa Ni Paulo Avelino Sa Showtime

Martes, Disyembre 12, 2023

/ by Lovely




 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan kung saan makikita ang aktor na si Paolo Avelino sa studio ng It's Showtime. Tila dinalaw at sinupresa umano nito ang kanyang leading lady sa Philippine adaptation ng Korean rom-com series na What's Wrong With Secretary Kim!?


Ibinahagi ang mga larawan na ito ng ilang mga madlang pipol na nakakita umano sa dalawa sa nasabing studio. Kinilig naman ang kanilang mga tagahanga dahil tila binabakuran umano nito ang kanyang leading lady.


Matatandaan na nauna nang kumalat ang isyu na tila nagkakamabutihan na umano sina Kim Chiu at Paulo Avelino mula noong nagkasama sa digital series na Linlang. May ilang mga media platforms naman na hayagan kung magtanong sa aktres kung nililigawan na ba siya ng aktor.


Ang tanging sinasagot lamang ni Kim Chiu ay si Paulo Avelino na lamang umano ang tanungin ng mga ito.


Hindi naman umano ito masama sakaling totoong nanliligaw ngayon si Paulo Avelino kay Kim Chiu dahil single naman umano ito at tila naghiwalay na rin sina Kim Chiu at Xian Lim.


Subalit may ilan naman na naniniwala na hindi makakabuti kung magiging sila kaagad ni Paulo Avelino dahil maituturing umano na totoo ang isyung si Paulo Avelino ang dahilan ng pagkakalabuan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Bukod pa rito, hindi pa rin nililinaw ni Paulo Avelino kung ano ang estado ng relasyon nila ni Janine Gutierrez na naunang nalilink sa kanya.


Sa ngayon ay hati pa rin ang mga opinyon ng mga netizens dahil sa patuloy na pananahimik ni Kim Chiu hinggil sa estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Ilang linggo na ring napag-uusapan sa social media ang umano'y hiwalayan nila.


Lalong umingay ang isyu ngayon ng dalawa nang pinagbubura ni Xian Lim ang mga vlogs nila ni Kim Chiu na uploaded sa kanyang YouTube Channel.


Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng mga netizens ang mga opisyal na pahayag nila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo