Kumakalat ngayon ang video ng interview ni Mr. Fu sa legal council nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na si Atty. Enrique Buko Dela Cruz sa programa ng Abante.
Nabanggit sa nasabing panayam ni Atty. Dela Cruz, na naghahanda na silang sampahan ng kaso ang TAPE Inc. dahil sa hindi nila pagrespeto sa desisyon ng Intellectual Property Office. Hindi na umano maaring gamitin ng TAPE Inc. ang titulong Eat Bulaga sa kanilang show na umiere sa GMA7.
Samantala, base sa pagkaka-intindi ng mga netizens na kapag nai-file na ang injunction automatic nang pagbabawalan ang TAPE Inc. na gamitin ang titulo na Eat Bulaga sa kanilang show.
Sa kabilang banda, inusisa rin ang legal council ng TAPE Inc, na si Atty. Maggie Abraham Garduque hinggil sa nasabing isyu. Ayon sa kanya, wala naman umano silang natatanggap na kopya tungkol sa kasong iyon at wala rin umano silang ideya.
Napanood rin umano ni Atty. Garduque ang bahagi ng interview kay Atty. Dela Cruz na kumakalat ngayon sa Tiktok patungkol sa hinihintay nilang desisyon para magamit na ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga sa darating na January 2024.
Sa kabila nito, pinili ni Atty. Garduque na huwag na munang maglabas ng anumang komento ukol rito. Maging ang ilang mga nagtatrabaho sa Eat Bulaga ay tumanggi rin na magbigay ng anumang komento.
Matatandaan na nauna nang nagpahayag noon ang TAPE Inc. na hindi sila basta-basta na lamang susuko laban sa mga kasong isinampa ng TVJ. Kahit pa pinaburan ng Intellectual Property Office of the Philippines ang TVJ sa kanilang desisyon na kanselahin ang kanilang trademark registration sa Eat Bulaga.
Ngayon, hindi pa natitiyak kung sino ang magmamay-ari sa huli sa pamagat ng longest running noontime show dahil pursigido ang dalawang panig na mapasakanila ang karapatan sa titulo ng Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!