Xian Lim Nabuntis Ang Bagong Girlfriend

Miyerkules, Disyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Sa unti-unting pagkakabunyag ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim, pinuputakte ngayon ng mga fans ni Kim Chiu si Xian Lim ng pambabatikos dahil sa isyung pangangaliwa niya sa kanyang nobya.


Galit na galit umano ang mga tagasuporta ni actress-host na Kim Chiu na kilala rin bilang Chinita Princess sa kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim dahil pinapaasa lamang umano nito ang aktres.


Ibinahagi naman ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang mga saloobin ng kanyang mga fans ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng kanyang programa na Cristy Ferminute.


Marami umano ang nagsasabing pinaasa lamang ni Xian Lim si Kim Chiu at tila hindi umano nito sineryoso ang aktres sa kanilang 12 years relationship dahil wala naman pala itong plano para sa future nila ni Kim Chiu.


Ayon pa kay Cristy Fermin na kahit hindi pa sila nagbibigay ng pahayag ay halatang-halata na umano na naghiwalay na sila kaya naman bakit tila patuloy pa rin nilang dine-deny ang lahat.


Lumikha rin ng ingay ang pagbubura ni Xian Lim sa mga vlog nila ni Kim Chiu na magkasama na tila ba ay indikasyon umano na wala na silang ugnayan pa sa isa't-isa.


Ipinunto naman ni Romel Chika na nakakaawa si Kim Chiu dahil nauna na nitong inamin na kapag nagmamahal siya ay wagas at ibinubuhos niya ang lahat subalit ngayon ay tila nasayang lamang lahat maging ang pagkadalaga nito.


Sa kabilang banda, bagama't sinabi ni Ogie Diaz na hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim, tanging ang kawalan lamang nito ng plano na pakasalan ang aktres ang dahilan naniniwala pa rin ang ilang mga fans ng aktres na may third party na sangkot.


Talagang magaling lamang umanong magtago itong si Xian Lim ng baho niya at ng babae niya, ngayon lamang umano nilabas ng aktor nang tuluyan na silang naghiwalay ni Kim Chiu.


Marami rin ang nagsasabi na tila ginagamit lamang ni Xian Lim si Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalanan at maambunan kahit papaano sa kasikatan ng aktres.


Samantala, may mga naglabasan pang mga haka-haka na umano'y nagbubuntis na ngayon ang babae ni Xian Lim at naniniwala naman umano ang aktor na wala siyang masamang ginawa dahil wala naman na sila ni Kim Chiu.


Sa ngayon ay hinihiling ng mga tagahanga ni Kim Chiu na makahanap siya ng lalaking hindi kagaya ni Xian Lim na sarili lamang umano ang iniisip at hindi pinapahalagahan si Kim Chiu. Iyong lalaki na handa umanong iharap sa altar si Kim Chiu at hindi lamang gamitin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo