Daniel Padilla Sinuyo Agad Si Kathryn Bernardo Matapos Ang Kanilang Rehearsal

Miyerkules, Disyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Tila nakahanap ng tyempo ang aktor na si Daniel Padilla na suyuin ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo nang muling magkasama na magperform on stage sa naganap na ABS-CBN Christmas Special rehearsal.


Matapos ang nakakagulat na pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan noong November 30, 2023 muling ginulat ng dalawa ang mga netizens nang ibahagi ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment websites ang mga larawan at videos na kuha mula sa rehearsal nina Kathryn para sa darating na Christmas special ng ABS-CBN.


Marami naman sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nakaramdam ng kilig dahil sa pagsasamang muli ng dalawa. Hindi rin naman maitatanggi na may mga fans pa rin ang nagnanais na sana ay magkabalikan ang dalawa.


Samantala, marami ang humanga sa taglay na professionalism ni Kathryn Bernardo dahil pumapayag pa rin siya na makatrabaho muli si Daniel Padilla sa kabila ng mga nangyari sa kanila at sa isyung matagal na siyang pinagloloko nito.


May mga nakapansin pa na pilit umanong naghahanap ng tyempo si Daniel Padilla para makausap niya ng masinsinan si Kathryn Bernardo na naging civil na lamang ang pakikipag-usap sa aktor.


May mga nagsasabi pa na may pa hatid pa umano si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa kotse nito matapos ang kanilang rehearsal.


Sa kabila ng kilig na nararamdaman ngayon ng ilang mga fans, marami pa rin ang nagpapayo kay Kathryn Bernardo na huwag nang makipagbalikan kay Daniel Padilla dahil nagloko na umano ito noon at magiging madali na lamang na lokohin siyang muli nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo