Umayaw Na! Heart Evangelista Tuluyan Iniwan Si Chiz Escudero at Sa Europe Na Maninirahan?

2 komento

Lunes, Setyembre 12, 2022


Sa kabila ng mga isyung kinakaharap ngayon ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, patuloy pa rin sila sa kani-kanilang mga trabaho at hindi nagpapaapekto sa mga kontrobersiyang kumakalat. Hanggang ngayong, patuloy pa rin ang mga usap-usapan sa marital problem na kinakaharap ng dalawa.

Abala ngayon ang actress at fashion icon na si Heart sa kanyang career, napili din siyang cover sa isang magazine. Samantala, sa isang panayam sa L'Officiel, nabanggit ni Heart na nagbabalak siyang magpatayo ng sariling bahay sa Paris.

Sa panayam, ibinahagi ni Heart ang kanyang mga isinagawang hakbang para sa pagpapatayo ng nasabing tahanan sa Paris, France. 

Ayon sa caption ng Instagram post ng L'Officiel, "September is the season to witness a change of heart, or rather, a change in Heart Evangelista's volition in life and career.


"Fashion has a lot to do with who you are and what you're going through," she reveals moments of vulnerability and how her style reflects her personal evolution. In this exclusive interview with L’Officiel, read about how she's taking everything in—from the highs and the lows-as she makes one crucial step after another to finally build the home she had always dreamed of in Paris."


Dahil rito, lalong na-curious ang ilang mga netizens kung totoo nga ba ang haka-hakang naghiwalay na ang minsa'jy tinaguriang power couple na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y pagkakalabuan ng dalawa. Samantala, hanggang ngayon, wala pa ring ipinapalabas na mga official statements na makakapagbigay linaw sa isyung kumakalat patungkol sa dalawa.

Kapamilya Broadcaster-Naudlot Ang Paglipat Sa AMBS?

Walang komento

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang naudlot na paglipat ng isang Kapamilya broadcaster sa AMBS.

Mukhang hindi na umano matutuloy ang napipintong paglipat ni Korina Sanchez sa AMBS para sa All TV. Bukas, September 13 sa ganap na 12 noon ang initial broadcast ng AMBS All TV Saya All.

Matatandaang naging maugong ang balitang na lilipat si Korina Sanchez sa network na pagmamay-ari ni Manny Villar na AMBS. Magkakaroon umano ito kaagad ng programa ngunit tila hindi na umano ito matutuloy dahil masayang ibinahagi ni Korina Sanchez na magkakaroon siya ng bago show na pinamagatang Korina Interviews na mapapanood sa susunod na buwan sa Net25.




Samantala patuloy pa ring napapanood ang show ni Korina Sanchez na Rated Korina sa A2Z, Kapamilya Channel, OnePh at TV5.

Bagong Issue Sa Toro Family! | Papi Galang Binabatikos Ngayon Ng Mga Netizens Sa Pagiging Sipsip?!

Walang komento


Muling pinag-uusapan ngayon sa social media ang Toro Family dahil sa pag-alis ni Mikay sa Toro de Palacio.

Nagsimula umano ang lahat ng sinabi ni Mikay na nais na niyang makuhang muli ang kwarto niya sa baba dahil tila nawalan na siya ng privacy. Ayon kay Mikay, matapos niyang ipahayag ang kaniyang saloobin, bigla na lamang siyang sinabihan na ayusin na ang gamit.

Sa pag-alis ni Mikay sa Toro de Palacio, sinisisi ng mga netizens ngayon sa isang kaibigan ni Toni Fowler na si Papi Galang. Ayon sa kanila, napakasip-sip umano ni Papi at sinusulsulan umano nito si Toni kaya napa-alis si Mikay.

Tawag ngayon ng mga netizens kay Papi, sulsulera at sip-sip. Lahat na lamang umano ay sinusumbong nito. Sa kontrobersiya sa Toro Family ngayon, sinisisi ng ilang mga netizens si Papi Galang at wala ng iba pa.

Samantala, agad naman itong ipinagtanggol ni Toni at nagpost sa kanyang social media account at sinabing dapat alamin muna ang buong storya.



"Walang sikretong hindi nabubunyag," post naman ni Papi Galang.

Dagdag pa niyang nagpakaloyal lamang siya at hindi nakisipsip. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pambabatikos kay Papi at may ilang netizens pang nanawagan na i-unsubscribe na ito.

Dahil sa mga isyung kinaharap, nagpulong-pulong ang Toro Family upang iaddress ang isyu. Sa vlog na ibinahagi ni Marie Fowler na pinamagatang Bakit Ungrateful. Makikita sa nasabing vlog ang pagiging emosyunal ni Toni habang isiniwalat ang totoong ugali umano ni Mikay.

Inilabas ni Toni ang kanyang mga hinanakit sa hindi pagsabi ni Mikay ng direktahan sa kanya ng mga hinaing nito ngunit sinabi naman sa ibang tao.

Samantala,  hindi naman umano masama ang intensyon ni Papi sa pagbubunyag ng mga hinaing ni Mikay kay Toni. Nais lamang umano niyang malaman ito ni Toni upang magkaayos at ma-address nila ang isyu.

Sa huli naging maayos naman ang kanilang pag-uusap at nagkasundo sina Mikay at Toni, nagyakapan naman sina Mikay at Papi.

Detalye Ng Bangayan Nina Miss Glenda at Rosmar!

Walang komento


Bardagulan nina Miss Glenda at Rosmar sa social media.

Maingay ngayon ang online selling industry dahil sa bangayan at parinigan sa pagitan nina Miss Glenda at Rosmar. Ang dalawa ay parehong mga CEO ng beauty products. Hindi naman malinaw kung ano at paano nagsimula ang kanilang alitan.

Matatandaang nagkasama pa sina Rose Marie Tan aka Rosmar at Miss Glenda sa isang awarding night. Ginawan pa ito ng meme ng ilang mga netizens habang makikitang nauunang naglalakad sa red carpet si Miss Glenda. Naka pin din rito ang post ni Miss Glenda sa kanyang Facebook account kung saan nagpapasalamat siya sa mga tumatangkilik sa kanyang produkto. Makikita naman sa likuran ni Miss Glenda si Rosmar na tila nakatingin sa nauuna naka pin din ang isang post ni Rosmar na tila nagbibigay ng babala na ingatan ang trono nito dahil baka palitan niya.



Hindi rin ito ang unang pagkakataong may nakaaway na isang CEO si Rosmar. Nagtrending din noon ang sagutan jat parinigan nila noon ni Madam Kilay sa social media.

Samantala, ayon sa post ni Rosmar never siyang nagsimulang mang-asar tapos kung papatulan ay nagpi-feeling victim bigla. Nasundan pa ito ng sunod-sunod na pagpaparinig na post ni Rosmar.

Sa Facebook account naman ni Ms. Glenda, makikita ibinahagi niya ang mga pinagdaanan niya noon. Ngunit sa huling bahagi ng kanyang post, tila may makahulugan siyang banat at sinabing lalaban siya ng patas kahit pa hindi dapat pag-aksayahan ng panahon ito.

Dahil sa sagutan nilang ito tila maging ang pamilya ni Ms. Glenda ay dinadamay na ni Rosmar. Ayon kasi sa post ni Rosmar na tila pagbabanta kay Ms. Glenda, "Umaabuso kana, kailangan mo na ng leksyon. Di mo iniingatan ang swerte. Mga anak mo at pamilya mo ang sisingilin ko. Tingnan natin kung kaya ba ng Brilliant mo ang sakit na walang lunas na ibibigay ko. Kailangan mo ng bumalik sa lupa."

Dahil rito, humingi ng tulong si Ms. Glenda kay Sen. Raffy Tulfo dahil sa pambubully umano sa kanya ng isang tao. Sa kabila nito, muling nagpasaring si Rosmar, na kahit pa magsumbong umano ito kay Sen. Raffy Tulfo hindi siya matatakot dahil nauna naman umanong nagparinig. Kasunod naman nito sinabi ni Rosmar na kung sumbangan pala ang gusto ni Ms. Glenda ay magsusumbong na rin siya sa FDA at BIR.

Sinagot naman ito ni Ms. Glenda at sinabing hindi siya matatakot kahit pa saan sila maghaharap.

Heart Evangelista Ipinagkakalandakan Na Hiwalay Na Sila Ni Sen. Chiz Escudero!

Walang komento

Sa kabila ng pananahimik ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa isyung nagkakalabuan na at naghiwalay na umano sa kanila, may ilang mga netizens na malakas ang hinalang totoo ito.

Matatandaang sa ibinigay na pahayag ng ina ni Heart, sinabi nitong may personal na pinagdadaanan ngayon ang aktres ngunit hindi niya alam ang buong detalye.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na sa kabila ng pananahimik ni Heart, tila unti-unti nitong ibinubunyag sa social media ang totoong estado ng kanilang relasyon. Muling ginulat ni Heart Evangelista ang mga netizens nang magbahagi ito ng isang painting na tila siya mismo ang nagpinta. Kalakip nito ang caption, "Goodbyes 2013."



Agad naman itong, umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang nagsasabi na ang goodbye sa caption ni Heart ay tila pamamaalam sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero. Ngunit may mga nagsasabi naman na ang caption ay patungkol sa ibinahaging painting ni Heart at hindi patungkol sa kanyang sarili.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pananahimik ng dalawang panig at wala pa ring ipinapalabas na mga official statements na makakapagbigay linaw sa mga isyung kasalukuyang kumakalat. 

DNA Result Ni Jovelyn Iniipit | Ayaw Ilabas Dahil Nagkabukingan!

Walang komento

 

DNA result mula sa NBI ayaw umanong ipalabas dahil mabubuking ang ginawa ng mga pulis.

Ayon kay Tommy Abile, posibleng may naganap ng conference sa pagitan ng dalawang ahensya upang hindi ito mailantad sa publiko.

Samantala, marami ang mga netizens ang patuloy na naghihinala na hindi talaga si Jovelyn Galleno ang natagpuang kalansay. Hinala nila, isang kamag-anak ng ina ni Jovelyn ang kalansay kaya ito nagpositibo. Subalit sa panibagong DNA test, nagpakuha rin ng specimen ang ama ni Jovelyn kaya tila hindi napaghandaan ng mga pulis at hindi na lamang ipinalabas ang resulta.

Hinala pa ng ilang mga netizens na nagsabwatan na umano ang dalawang ahensya upang itago ang katotohanan. Kahina-hinala kasi ang tagal ng resulta ng DNA test na isinagawa ng NBI gayung agad naman lumabas ang resulta sa DNA test na isinagawa ng mga pulis. Matatandaang, matapos magpostibo ang DNA test agad na ipapasirado na ang kaso ng PNP.



Samantala, may mga nagsasabi naman na maghintay na lamang sa resulta sa DNA tests. Wala naman umanong ebidensya na may nagtanim ng kalansay. Ipagdasal na lamang umano na lumabas na ang totoo hinggil sa nangyari sa dalaga.

Anak Ni Ruffa Gutierez Na Si Venice Walang Engrandeng Debut, Simpleng Fam Dinner Lamang!

Walang komento


Kamakailan ay ipinagdiriwang ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice ang kanyang 18th birthday.

Isang simpleng family dinner lamang ang naganap. Sa halip ng bonggang celebration mas pinili ni Venice na makapagbakasyon sa Europe. Nagdinner naman kahapon, September 11 ang kanilang buong pamilya bilang simpleng salo-salo sa kaarawan ni Venice.



Pumalag Si Wilbert Tolentino Sa Mga Naging Pahayag Ni Cristy Fermin Laban Kay Herlene Budol!

Walang komento


 Pumalag ang manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino sa pahayag ni Lolit Solis.

Hindi pa rin tinatantanan ng kontrobersiya si Bb. Pilipinas First Runner up Herlene Nicole Budol. Isa siya sa mga pinag-uusapan sa vlog ni Cristy Fermin sa kanyang YT channel na Showbiz Now Na. Ayon sa kanila, matapos umanong makipagmeeting ni Herlene Budol kay Willie Revillame para pag-usapan ang pagsali sa ALLTV ng AMBS2, pumirma si Herlene ng kontrata sa GMA7 kinabukasan.

Ayon pa kay Cristy Fermin, tila walang utang na loob si Herlene sa pag-iwan sa ere kay Willie Revillame at hindi pumayag na mapabilang sa kinabibilangan nitong network. Nakipagmeeting pa umano si Herlene kay Willie Revillame para sa All TV ng AMBS ngunit kinabukasan ay pumirma ito ng kontrata sa GMA7.

Dagdag pa ni Manay, tila ginamit lamang ni Herlene ang offer ng AMBS2 upang pataasin ang offer ng GMA7. Wala umanong utang na loob si Herlene, matapos umano itong tulungan noon ni Willie Revillame at ipinasok bilang co-host sa programa nitong Wowowin. Ipinunto pa ni Manay Cristy na dapat ay agad nitong sinabi kay Willie Revillame na hindi ito papasok sa AMBS dahil mas gusto niya sa GMA7 hindi iyong tila ginamit pa ni Herlene ang meeting nila para mas lumaki ang offer ng GMA7 sa kanya.

Hindi naman ito pinalampas ng manager ni Hipon Girl na si Wilbert Tolentino. Sa kanyang mahabang Facebook post, sinagot niya ang isyung ibinabato kay Herlene Budol tungkol sa utang na loob at sa pagpapataas ng presyo.

"Dear Tita Cristy, Sagutin ko lang po ang pahayag nyo tungkol sa "UTANG NA LOOB" at "NAG PAPATAAS NG PRESYO SI HIPON GIRL"

Mataas po pag galang ko po sayo bilang isang Beteranang Showbiz Columnist. Sana huwag po tayo gumawa ng FAKE NEWS na ikasisira ng tao. Sana kumuha ka ng panig ni KUYA WIL at SIR WIL bago ka nag MARITES. Sana Huwag din po tayo maging JUDGEMENTAL at isang ganap na BALAT SIBUYAS na ugali sa mundo.
"UTANG NA LOOB" - Meron po si Hipon Girl nyan. May CAMERA O WALANG CAMERA lagi nya etong linya "LAPITIN AKO NG WIL in GODS WILL" alam yan ng nakakarami at naririnig natin yan sa PUBLIKO galing sa bibig po nya. Si Hipon ay sobrang Grateful at Thankful kay KUYA WIL dahil bukang bibig nya - "dyan ako nag simula at dyan sya pinasikat ni Kuya" at tinuring nya si KUYA WIL na tatay nya sa WOWOWIN. mas mabilis pa cya sa alas kwatro kung narinig nya pangalan ni KUYA WIL. isang dilat lang ng mata ni Kuya Wil natataranta na yan at iiyak sa takot mapagalitan. ganyan ka taas ang RESPETO nya kay KUYA WIL. kahit sa pag kampanya sa election ay tumawag ang Staff ni KUYA WIL sa akin ay agad ko rin pina punta. FYI lang po Tita Cristy...indi po cya kumuha ng TALENT FEE para sa TUTOK TO WIN PARTYLIST. yan po ba tinatawag na walang UTANG NA LOOB?
At bilang Beteranang Showbiz Columnist at 66 yrs old, pwede ko pa ba itanong po sayo Tita Cristy - Define Utang na loob at hanggang saan po limitasyon ang isang utang na loob? eto ba ay PERA o Sumbat? hanggang kelan? Ang utang na loob ba ay dapat ba e ukit sa pyramid ng EGYPT? Please enlighten me baka po malinawan po ako sa Pahayag mo towards kay Hipon.
"NAGPAPATAAS NG PRESYO" - Tita Cristy may resibo po ba eto? saan mo po nakuha ang balita na nag papataas kami ng PRESYO? FYI lang TITA Cristy ako mismo nag Desisyon ibigay sa GMA7 Network si Hipon. Kung PERA PERA lang asa utak ko e di sana Grinab ko na ang offer ni KUYA WIL na nag offer ng malaking Guaranteed Contract with 1 Studio Condo Unit na inoffer from AMBS NETWORK. kung gusto mo po malaman bkt sa GMA7 yun po ang Challenge sayo bilang isang Beteranang Showbiz Columnist.
At bilang Manager po ni Hipon Obligasyon ko paliparin ang Karera po nya at indi ko ipagkakait na tulungan ang bata at higit sa lahat indi po ako naniningil ng UTANG NA LOOB. Pag tumulong dapat bukal sa kalooban dahil at the end of the day lahat tayo mamatay din. indi natin madadala ang PERA sa Hukay. Kaya Leave a good mark.
FYI lang din po wala din kami Issue ni KUYA WIL, Whereinfact nakakataba ng puso yung pag puri nya sa akin. e share ko nalang din ang convo namin nung pinakilala nya ako sa Presidente ng AMBS
KUYA WIL : Si Wilbert nga pala, ang Manageeeer ni Hipon.
SIR WIL : ikaw parin KUYA WIL. Sayo nag simula si Hipon at produkto mo po cya.
KUYA WIL : Ganito yan, Ako lang gumawa ng Gold kay Hipon pero ikaw ang nag pa KINTAB.
After ng meeting with AMBS at agad agad ko narin kinausap ang Artist at nabanggit ko ang offer ng Network. sabi ko pa kay Hipon bigyan nya ako isang araw mag decide. The following day nag Thank you pa nga ako sa magandang Opportunidad inoffer ng AMBS kaya pano nasabing nag papataas kami ng presyo at walang utang na loob?"


Xander Ford Magiging Isang Ama Na!

Walang komento

Sabado, Setyembre 10, 2022

Masayang ibinahagi ni Xander Ford sa social media na magiging isang ama na siya.

Sa kanyang social media posts, inamin ni Xander na hindi niya alam ang gagawin dahil ito ang unang pagkakataon na magiging isang ama na siya. Na-eexcite na rin umano siyang malaman kung ano ang kasarian ng kanilang unang Angel.

"This is my Firstime Experience hindi ko alam paano ako mag Uumpisa pero alam ko Masaya ako kasi ito na sya Ilang months Nalang Malalaman nanamin ang Gender niya ngayun Pangalan nalang Ang pag iisipan namin. Exited na po ako," caption ni Xander sa kanyang Instagram post.



Kalakip nito ay ang larawan ng dalawang pregnancy tests na nagpapakita ng positibong resulta. Matatandaang nitong nakaraang buwan, tila nagpaparinig si Xander na magkakaroon sila ng bagong Angel sa kanilang pamilya.

Noong 2020, pinatawan ng indifinite suspension si Xander ng kanyang talent agency, matapos siyang sampahan ng physical abuse at sexual assault ng kanyang ex-girlfriend. Naaresto siya noong December 2020 sa reklamong nasabi.

Mariin niyang itinanggi ang mga paratang sa kanya ng dating kasintahan ngunit sa huli ay humingi rin siya ng tawad mula rito. Muli namang nagtrending si Xander noon ng inamin niyang isa siyang bisexual.

Pinakabagong Post Ni Heart Evangelista "A New Walk of Life " Netizens Nag- React!

Walang komento


Naging usap-usapan sa social media ang larawang ibinahagi ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account.

Makikita sa larawan ang napakagandang pares ng sapatos, ngunit ang kumuha ng attention ng mga netizens ay ang makahulugang caption ng aktres sa nasabing photo.

"A new walk of life," caption ni Heart sa Instagram.



Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga fans ng fashion icon. May nagbigay ng lakas ng loob sa aktres at sinasabing malalampasan din nito ang mga pinagdadaanan. Ngunit ang iba nama'y tila sinisisi pa ang aktres dahil napaka maluho at materialistic umano nito.

Wow! Zanjoe Marudo Masayang Inuwi Si Ria Atayde Sa Bahay Nito Sa Batangas!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang naka-uwi na sa bansa ang newly engaged couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

May mga nag-uulat na nakita ang mga itong magkasamang sinundo ng mga mga magulang ni Ria Atayde sa airport. Makikita naman umanong parehong masaya ang mga parents ni Ria sa pagsundo ng kanilang anak at sa kanilang soon to be son inl law. Makikita naman sa Instagram post beteran actress na si Sylvia Sanchez ang excitement habang hinihintay ang pagdating ni Ria at ni Zanjoe.



Tila excited itong muling makita ang anak sa pagsisimula ng bagong journey na tinatahak nito ngayon. Samantala, nagbahagi si Ria Atayde sa kanyang social media stories na magkasama silang pauwi sa bahay ng aktor sa Batangas.

Sa bahay ni Zanjoe sa Batangas dumiretso sina Ria kasama ang parents nito. Tila may magaganap na pag-uusap sa pagitan ng mga ito at marahil isa sa pag-uusapan nila ay kung kailan magaganap ang pagpapakasal ng mga ito.

Markus Paterson May Sagot Kay Janella Salvador! Last Year Pa Daw Silang Hiwalay!

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon ang isyu ng hiwalayan ng magpartner na sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Matatandaang tila binastos ni Markus Paterson si Janella Salvador sa isang podcast. Ayon kay Markus, ang kanyang natutunan sa isang pakikipagrelasyon ay ang hindi na muling makipagrelasyon pa sa isang babae mula sa showbiz. Nagmura ito habang sinasabi ang pahayag na iyon at sinabihan pang huwag i-cut ang sinabing mura para malamang seryoso siya.

Matapos magtrending ang video clip mula sa nasabing podcast, mariing itinanggi ni Markus Paterson na ang pinapatungkulan niya sa kanyang pahayag ay si Janella Salvador. Wala na umano siyang isyu sa aktres dahil matagal na umano silang magkahiwalay. Masaya na rin umano sila sa kani-kanilang mga buhay.



"Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year. She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude. What I said in the podcast wasn't actually about her," tweet ni Markus.

Tanong naman ngayon ng mga netizens, kung hindi si Janella Salvador ang pinapatamaan ni Markus sa nasabing pahayag ay may nakarelasyon na pala itong ibang babae mula sa showbiz matapos ang hiwalayan nila ni Janella Salvador. Ayon pa mismo kay Markus, mahigit isang taon na silang magkahiwalay ni Janella.

Kung sino man ang tinutukoy ni Markus sa kanyang pahayag tiyak, hindi rin naging maganda ang hiwalayan nila dahil makikita sa mukha nito at kung pagbabasehan ang diin ng kanyang mga pahayag ay mahihinuhang galit ito.

Carlo Aquino at Trina Candaza Nagkabalikan Na Nga Ba?!

Walang komento


Naging usap-usapan noon sa social media ang paghihiwalay nina Trina Candaza at Carlo Aquino. Sapagka't walang sinasabing dahilan tila naging maayos naman ito dahil maganda ang kanilang set-up bilang co-parent sa kanilang nag-iisang anak.

Samantala, sa ibinahaging update ni Trina sa kanyang social media account makikitang nasa good term sila ni Carlo. Kung titingnan ay tila buo pa rin ang kanilang pamilya. Sa ibinahaging larawan ni Trina, makikitang karga ng aktor ang kanilang anak habang katabi naman siya.

Kuha ang nasabing larawan mula sa birthday celebration ng kanilang anak na si Mithi. Dahil sa kanilang larawan, iniisip ng kanilang mga tagahanga na nagkabalikan na ang dalawa. Tila nagnanais pa rin ang mga ito na madugtungan ang naudlot na pagmamahalan ng dalawa at mabigyan sila ng second chance.

Hindi naman ito malayong mangyari kina Trina at Carlo dahil sa kabila ng kanilang paghihiwalay, maayos pa rin ang turingan nila sa isa't-isa at nananatili ang kanilang pagkakaibigan. Tila lihim pa rin namang umaasa si Trina na muli silang magkakabalikan ni Carlo dahil hindi pa rin niya binubura ang mga larawan nilang magkasama sa kanyang mga social media accounts.

Bagama't wala pa ring sinasabi ang dalawa, positibo naman ang kanilang mga tagahanga na nagkabalikan na ang dalawa.



Dominique Roque Nag-Post Ng Mga Larawan at Video Kasama Sina Kathryn , Ria at Trina Uytingco!

Walang komento

Muling nakita ng mga netizens na magkasama sina Kathryn Bernardo at Dominic Roque.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dominique ang video kung saan makikita siyang nakikipag bonding kina Ria Atayde, Kathryn Bernardo at Trina Uytingco. Kalakip nito ay ang caption ng petsa kung kailan naganap ang kanilang reunion.

Natuwa naman ang mga fans ng magkakaibigan matapos makitang muli silang nagkasama at nakapagbonding. Hiling pa ng ilan na sana sa susunod ay makasama ng mga ito ang nobyo ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.

Samantala, nag-upload naman si Kathryn ng kaparehong clip kasama ang ilang snaps kung saan makikita ang ilan pang myembro ng Nguya Squad kabilang sina Daniel Padilla, Alora Sasam, Joshua Garcia, Daniel Miranda, Sofia Andres, Kakay Bautista, Lovely Abellana at Maymay Entrata.

 

Finally! Yilmaz Bektas Dumating Na Sa Pinas Para Bisitahin Si Ruffa Guttierez at Ang Mga Anak!

1 komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbisita ni Yilmaz Bektas sa Pilipinas upang bisitahin ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice at para na rin muling makita ang dating asawa na si Ruffa Gutierrez.

Matatandaang noong buwan ng Hulyo, 2022 matapos ang pagbisita nina Lorin at Venice sa lugar ng kanilang ama sa Turkey, napabalitang si Yilmaz naman ang magbabakasyon sa bansa upang makasama ang mga anak.

Tila ito na ang panahong iyon na pinakahihintay nina Lorin at Venice, ang pagbisita ng kanilang ama. Sa pagbisita ding ito ni Yilmaz, muli silang magkikita ng dating asawa na si Ruffa Gutierrez. Ngayong buwan ng Setyembre, magbabakasyon sa Pilipinas si Yilmaz Bektas pagkatapos ang halos labin limang taon.



Hindi Nakapag-Pigil! Ina Ni Heart Evangelista Nagsalita Na Sa Hiwalayang Heart at Chiz Escudero!

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang tungkol sa umano'y hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Ngunit sa kabila nito patuloy parin ang pananahimik ng dalawa at hindi binigyang linaw kung may katotohanan ba o wala sa mga usap-usapang ito.

Tila wala silang paki-alam sa mga kumakalat na isyu at patuloy lamang sa kani-kanilang mga trabaho. Si Heart ay busy sa pagiging fashion icon habang si Sen. Chiz naman ay abala sa trabaho sa Senado. Wala pa ring ipinapalabas na public statement patungkol sa mga kumakalat na isyu.

Lalo namang naku-curious ang mga netizens dahil sa kanilang patuloy na pananahimik ng mag-asawa. Tanong nila kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa buhay ng pagsasama nila.

Samantala, tila hindi na nakapagpigil ang ina ni Heart Evangelista at nagbigay na ng update patungkol sa nangyaring hiwalayan umano nina Heart at Sen. Chiz Escudero. Ayon sa ina ni Heart Evangelista, positibo siyang maayos din ng kanyang anak at Chiz ang pinagdadaanan ng mga ito ngayon. Kilala din umano niya si Chiz at ang pagiging mature nito.

Ayon pa sa ina ni Heart, personal at pribado umano ang pinagdadaanan ngayon ng mag-asawa. Kaya wala umano siyang karapatang magsalita tungkol dito. Ipinagdadasal na lamang umano niya na maayos na ng mga ito ang kung ano mang gusot sa pagitan ng mag-asawa. Ang nais lamang umano niya bilang ina, ay ang kasiyahan ng kanyang anak.

 

Grabe! Julia Barretto Hindi Naiwasang Magbigay Ng Mensahe Sa Bagong Girlfriend Ni Joshua Garcia!

Walang komento

Maraming mga tagahanga ni Joshua Garcia ang nagulat matapos malink ang aktor sa content creator na si Bella Racelis.

Nag-ugat ang usaping ito matapos kumalat ang mga larawan nilang magkasama sa tila isang date. Nai-flex din ng aktor ang kanyang rumored girlfriend na si Bella. Mukhang tapos na ang laban para sa pagungkit sa puso ng binatang aktor. Tila may nanalo na umano ayon sa ilang mga netizens.

Samantala, hindi pa naman ito kinumpirma o itinanggi ng dalawa. Hindi pa rin sila nagbigay ng pahayag na makakapagbigay linaw sa kanilang totoong relasyon sa ngayon.

Samantala, sa balita ng pagkakaroon ni Joshua ng bagong girlfriend ngayon, hindi naiwasan ng ilang mga netizens ang ma-curious kung ano ang masasabi ng dating girlfriend ni Joshua na si Julia Barretto. Sa isang show kung saan guest si Julia, naitanong sa kanya kung ano ang masasabi  niya sa bagong babaeng nalilink sa kanyang ex.

Matapang na sinagot naman ito ni Julia, na nakakabuti umano ito sa kanila pareho. Masaya naman umano siyang makita si Joshua na may bago nang minamahal. Masaya din umano ang aktres na pareho na silang masaya sa kani-kanilang lovelife.

 

Julia Barreto Ipinagtangol Si Gerald! Binato Si Matteo Guidicelli Ng Sarili Niyang Bintang!

Walang komento

Muli na namang may binanatan ng asar si Mateo Guidicceli, sa pagkakataong ito si Julia Barretto na naman.

Matatandaaang naging guest si Julia Barretto sa segment na Marites sa Lunch Out Loud show ng TV5. Host naman ng nasabing show si Mateo. Kinumusta ni Julia sina Mateo at Alex Gonzaga. Tila pinagsabihan din umano nito si Mateo na humingi ng tawad kay Alex.

Matatandaan din na nagtrending ang asaran noon nina Mateo at Alex. Sineryoso kasi ng mga netizens ang pagbibiro ni Mateo rito.

Sa pagpapatuloy ng asaran ng dalawa, natanong ni Mateo si Julia kung nagtext na ba rito si Joshua Garcia. Sinagot naman ito ni Julia na may bagong boyfriend na siya. Ngunit hindi pa rin natigil si Mateo at muling bumanat na na-define ni Gerald Anderson ang salitang ghosting.

Hindi naman nagpatinag si Julia at sinabing totoong na-define ng kanyang boyfriend ang salitang ghosting ngunit una niyang narinig ang salitang ito nang may nag-text sa kanya tungkol sa ginhosting umano ni Mateo. Dinugtungan naman ito ni Julia na huwag na nila itong pag-usapan pa dahil hahaba lamang ang kanilang usapan.

Tumigil naman si Mateo sa pambabanat kay Julia sa puntong iyon. Ngunit, sumingit ang ilang host ng Tropang LOL, at sinabing tiyak magte-trending muli si Mateo. Hindi naman ito namali dahil trending ngayon ang hindi pag-urong ni Julia Barretto sa mga banat ni Mateo Guidicelli at sinupalpal pa ito.

 

Nabarang Nga Ba Si Jorryme Vosidek? Kakaibang Ikinikilos Nito Usap-Usapan Ngayon Sa SocMed!

Walang komento


Hindi pa rin natatapos ang kontrobersiya sa pagitan ni Jorryme Vosidek na tinaguriang The Legal Wife ng mga netizens ngayon.

Matatandaang nagtrending nitong mga nakaraang linggo ang tungkol sa kasalang naganap na mas bumida umano ang Maid of Honor kaysa sa mismong bride. Hindi ito nagustuhan ng bride at ibinahagi sa social media.

Sa ngayon, tuluyang naghiwalay ang mag-asawang Jorryme at Ales. Kaya naman nag-aalala ang ilang mga netizens sa kalagayan ni Jorryme. Napansin kasi ng ilang mga nakapanood sa kanyang vlog sa kanyang Youtube channel. May napansin umano ang mga netizens na hindi normal na kinikilos nito.



Pinapayuhan naman ng ilang mga netizens ang pamilya ni Jorryme na gabayan ito at kung maaari ay ipatingin ito sa eksperto dahil baka nadedepress ito ngayon.

Ayon sa ibinahaging vlog ni Jorryme sa kanyang Youtube channel sinabi niyang may naririnig siyang tila nagcecelebrate. Sinabi ito ni Jorryme sa kanyang ina ngunit inakala ng ina na nagbibiro lamang siya.

"They don't believe me," pag-aamin ni Jorryme.

Sa pagpapatuloy ng kanyang vlog, nabanggit ni Jorryme ang pinagdaanan niya sa gabing iyon at sinabi pang tila nabarang siya.

Samantala, nagbigay ng update si Ales at sinabing wala na siya sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Aga Mulach Nag Reak Sa Post Ni Cristine Reyes Na Ipinagmalaki Ang Kita Ng Maid in Malacanng Na 650M!

1 komento

Martes, Setyembre 6, 2022

Muling ibinahagi ni Direk Darryl Yap ang kita ng kanyang likhang pelikula na Maid in Malacanang.

Makikita sa social media post ni Direk na nangunguna sa buong mundo ang pelikulang Maid in Malacanang. Kamakailan ay ibinahagi din ni Direk Darryl umabot na sa mahigit 330 million ang kinita ng nasabing pelikula.

Samantala sa panibago nilang update hinggil sa kita ng pelikula, umabot na ang gross income nito sa 650 million sa loob ng isang buwang pagpapalabas nito sa mga sinehan. Agad naman itong ibinahagi ni Christine Reyes sa kanyang social media accounts kalakip ang kanyang mga emotions nang malaman ito.

Umani naman ang post na ito ng aktres ng samu't saring mga komento at reaksyon mula sa mga netizens. Nasiyahan ang mga supporters ng mga Marcos samantalang patuloy na naiinis at nabibitter ang mga anti.



Alex Gonzaga Nagwala Sa Kalye Sa London!

Walang komento


Kilala si Alex Gonzaga bilang isa sa mga makukulit at kwelang personality sa showbiz. Marami itong naiisip gawin kahit saan pa ito mapunta.

Noong nagpunta ito sa London ay hindi ito nagpatumpik-tumpik at sinayaw sa kalye ang kanta ni Maymay Entrata na Amakabogera. Natatawa na lamang ang mga fans nito sa mga kalukuhang ginagawa ni Alex.

Isa si Alex Gonzaga sa mga artistang nagbibigay saya sa kanyang mga fans dahil sa kakulitan at personalidad nito.



Ang Naranasan Ni Francine Diaz Noong Hindi Pa Siya Artista!

Walang komento

Talagang malayo na ang naabot ngayon ng child star na si Francine Diaz.

Matatandaang matapos madiskubre ang talento ni Francine sa pag-arte, naging sunod-sunod na ang mga proyektong ibinibigay sa kanya.

Nagsimula si Francine bilang isang commercial model at paminsan-minsan nabibigyan ng role bilang extra sa mga palabas. Nang madiskubre ang galing niya ay nabigyan na siya ng permaneting role.

Namulat si Francine sa hirap ng buhay nang siya'y bata pa lamang lalo na noong nawalan ng trabaho ang kanyang ama na dating OFW. Ilang beses din umano sila napalayas sa mga nirerentahang bahay dahil hindi sila nakakabayad.

 Naranasan din umano ng kanilang pamilya ang maputulan ng  kuryente at tubig. Minsan na din umano silang nalipasan ng gutom. Ngunit sa kabila ng lahat, ay ipinagpatuloy pa rin ni Francine ang kanyang pangarap at ginalingan ang trabaho upang mairaos ang kanilang pamilya.

Suportado ng kanyang ina ang kanyang pangarap sa pag-aartista at sinasamahan siya sa mga auditions. Ayon kay Francine, minsan ay umuutang pa ang kanyang ina upang makarating lamang sila sa mga auditions.

Ilang beses ding ni-reject si Francine sa ilang auditions at umuuwing luhaan sa kanyang ina. Kaya naman ng matanggap sa isang project ay ginawa niya ang lahat upang maging maayos ang kanyang trabaho. Kailangan niyang galingan ang trabaho hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang pamilya.



Sa ngayon, unti-unti nang natutupad ni Francine ang pangarap para sa kanilang buong pamilya. May sarili na silang bahay at hindi na natatakot na baka mapalayas dahil hindi nakakabayad sa renta. May sarili na ring pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang at maayos ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid.

Hindi umano ikinakahiya ni Francine na mula siya sa hirap dahil ito ang humubog sa kanya upang maging mas matatag sa buhay. 

Aktor Na Si Carlos Agassi Humihiling Ng Dasal Nabaldado Sa Aksidente!

Walang komento


 Humihingi ngayon ng dasal ang aktor na si Carlos Agassi para sa madaliang paggaling ng kanyang injury sa tuhod mula sa isang aksidente sa paglalaro ng basketball.

Makikita sa mga larawan at videos na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account na kasama siyang naglalaro sa isang basketball game na ginanap sa Makati.

Ngayong araw, sa ibinahaging update ng aktor, nananawagan siya ng dasal para sa madaliang paggaling ng kanyang injury sa tuhod. Hindi nakakalakad ang aktor dahil sa nangayaring aksidente sa kanya.

Nagpapasalamat naman si Carlos sa kanyang ina at non-showbiz partner na nag-aalaga sa kanya ngayon. Tila nadala naman na ito at pinag-iisipan na ang pagreretiro sa paglalaro ng basketball.

"Please pray for me, had a bad landing and my knee gave up and swayed side to side, can’t walk or move my leg. Sana speedy recovery and no need for surgery. 🙏 Thanks my love for taking good care of me. ❤️‍🔥 @sarinayamamoto Freak accident before my 43rd birthday, I guess I’m retired na from basketball. 🙈😅 Thank you to everyone asissting & being patient with me, thank you so much Momskie for helping me & Sarina. Can’t believe I can’t stand 🙈 or walk or bend."

Marami naman ang humihiling ng agarang paggaling ng aktor lalong lalo na ang mga kaibigan at tagahanga ng aktor.



Dating Kapamilya Aktor-Ramdam Na Ramdam Ang Pagiging Kapuso?

Walang komento

Nagbigay ng pahayag ang dating Kapamilya actor hinggil sa nararamdaman niya sa paglipat sa Kapuso network.

Ayon kay Dominic Ochoa, ramdam na ramdam na ang mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA7.

"Yung kasi, it's the usual, I've been in ABS-CBN for 25 years. So, yung excitement ko na to meet new actors, to meet the production of GMA, yung mga direktor."

Dagdag pa ni Dominic, "Naninibago ako, pero iyon nga, gaya ng sinabi ko, ang ganda ng pagtanggap. It made it easier for me. Kumbaga, naka-relaks ako agad."

Agad namang nilinaw ni Dominic na guest aktor lamang siya sa GMA7 at maayos siyang nagpa-alam sa ABS-CBN. Aprubado naman umano ng ABS-CBN na gumawa siya ng proyekto sa kabilang network.

 

D*Wag! Buwelta Ni Rendon Labador Laban Kay Marc Pingris!

Walang komento


Hindi nagpatinag at sunod-sunod ang naging post ng Motivational Speaker at Health Fitness Guru na si Rendon Labador laban sa tinawag na Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

Ito'y matapos hamonin ni Marc Pingris si Rendon Labador. Nag-ugat ang kanilang alitan nang magkomento si Labador laban sa coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes.

Komento ni Labador, hindi tayo mananalo sa paawa effect. Agad naman itong nakarating kay Pingris na isang Gilas player. Agad nitong hinamon ng one on one ang motivational speaker na si Labador.

Sinagot naman kaagad nito ang hamon ni Pingris. Tila inasar pa nito si Pingris sa pamamagitan ng pagrepost ng hamon nito kalakip ang kanyang larawan. Ayon pa rito, baka nabigla lamang si Pingris at siya ang hinamon.

Ngunit ayon kay Marc, hindi siya nabibigla at si Rendon talaga ang kanyang hinahamon. Sa kasunod na post tila binigyan ng ultimatum ni Labador si Pingris sa pagtupad sa kanyang hamon. Sinundan naman niya ito ng post kung saan tinawag niyang duwag si Pingris dahil hindi na umano ito nagpaparamdam sa kanya.



Yari! Daddy Ni Ria Atayde Hindi Nakapagpigil May Matinding Mensahe Kay Zanjoe Marudo!

Walang komento

Naging laman sa social media nitong mga nakaraang araw sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo matapos silang umamin na may namamagitan na sa kanila at kasalukuyang nagbubuntis na si Ria.

Labis naman ang saya ng kanilang mga tagahanga dahil nakita na nila ang kanilang hinahanap sa katauhan ng isa't-isa. Maging ang pamilya ni Zanjoe ay masaya dahil madadagdagan na ng myembro sa kanilang pamilya.

Hindi naman akalain ng ilan na may namumuo na pala sa pagitan ng dalawa dahil buong akala nila ay magkaibigan lamang sila. Madalas nang nagkakasama sina Ria at Zanjoe sa tuwing may outing ang kanilang circle of friends.

Lalo namang na-excite ang mga tagahanga nila matapos kumalat ang balitang engaged na  at nagbabalak nang magpakasal. Tila mauunahan pa umano ng dalawa sina Arjo at Maine. Bagama't wala pang eksaktong petsa sa kanilang magiging kasal ngayong  taon.

Samantala, sa isang panayam sa ama ni Ria Atayde, sinabi nitong mabait naman si Zanjoe Marudo. Magalang din umano ang aktor na nakakagaan sa loob. Bago pa naman umano ito nagpropose kay Ria ay nagpaalam muna si Zanjoe sa kanila ng kanyang asawa.

Isa lamang umano ang hiling ng ama ni Ria kay Zanjoe. Ito ay laging pasayahin ni Zanjoe ang kanyang anak. Suportado naman umano niya ang lahat ng nagpapasaya sa kanilang mga anak.

 

Dahil Single Na! Janella Salvador at Joshua Garcia Pwede Ng Magkatuluyan!

Walang komento

Matapang na inamin ng aktres na si Janella Salvador na isa siyang single mom ngayon.

Matatandaang usap-usapan ngayon si Regina dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang Regina at Valentina sa Darna TV series ng ABS-CBN. Ito ang kanyang kauna-unahang pagganap bilang isang kontrabida. Kasabay ng kanyang kauna-unahang pagganap bilang isang kontra bida, ginagampanan din ngayon ng aktres ang role ng pagiging isang single mom sa totoong buhay.

Marami man ang nalungkot sa balitang hiwalayan nina Janella at Markus Paterson para sa kanilang anak, may ilang mga fans naman ng JoshNella ang tila muling nabuhay ang pag-asa na sina Joshua at Janella ang magkakatuluyan sa huli.

Sa muling pagiging single ni Janella, tila nagkaroon umano ng pag-asang magkakamabutihan ang dalawa. Lalo na't magkasama sila sa teleseryeng Darna ng ABS-CBN. Matatandaang inamin noon ni Joshua Garcia sa isang panayam na nagkagusto siya kay Janella noong naging leading lady niya ito.

 

Julia Barretto Kabado Sa Premiere Night Ng Movie Nila Ni Carlo Aquino!

Walang komento

Successful ang premiere night sa movie nina Carlo Aquino at Julia Barretto na Expensive Candy.

Dumalo naman sa nasabing event ang ilang mga celebrity friends nina Carlo at Joshua na proud na proud sa kanilang success. Naroon rin ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto napaka supportive at proud sa kanyang anak. Naroon din at nagpapakita ng suporta ang mga kapatid ni Julia na sina Leon at Claudia.

Ayon kay Julia, labis ang kanyang kaba sa premiere night ng kanyang movie dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagganap sa isang daring role. Ngunit labis pa rin ang pasasalamat sa mga naroon at nagpapakita ng suporta sa kanya.



Dingdong Dantes Nag Ala Shakira, Marian Rivera Tawang-Tawa!

Walang komento

Dingdong Dantes humataw nag-ala Shakira!

 Naki-uso si Marian Rivera sa trending filter ngayon. Game na game naman ang asawa nitong si Dingdong Dantes sa kakulitan ng kanyang asawa. Sinusubukan ng dalawa at pinagkakatuwaan ang iba't-ibang trending filter ngayon.

Naroon pa ng humataw si Dingdong Dantes sa sayaw ni Shakira na labis namang ikinatuwa ni Marian Rivera.



Lasing? Video Ni Diego Loyzaga Habang May Kayakapang Ibang Babae!

Walang komento


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktor na si Diego Loyzaga dahil sa kumakalat na video kung saan makikitang mayroon siya kayakap na isang babae.

Matatandaang nitong nakaraang buwan, usap-usapan sa social media ang pagkakalink niya sa isang ex-pbb housemate na si Frankie Russel. Nag-umpisa ang mga usap-usapan, nang binati ng dalaga si Diego at nagbahagi ng ilang mga larawan nilang magkasama.

Kilig na kilig naman ang ilang mga netizens dahil bagay na bagay silang dalawa.Ngunit matapos ang dalawang linggo ng kanilang confirmation na kasalukuyan silang nagde-date. Naka-unfollow na rin sila sa isa't-isa.

Samantala, viral ngayon ang isang video clip na ayon sa mga source ay kuha sa isang bar sa Cebu. Makikita sa nasabing video na may kasama at kayakap na babae si Diego Loyzaga. Makikita na nag-eenjoy ang aktor habang masayang nagsasayaw habang yakap-yakap ang isang babae.

Ayon sa caption ng nasabing video, "Sama-sama tayong mag-sana all."

Agad namang umano ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing video. Ang ilan ay napapasana-all na lamang habang ang iba nama'y nagtataka kung nagde-date pa rin ba sina Diego at Frankie.



Cristy Fermin Nag-React Sa Viral Post Ni Aljur Na "Your My Greatest Catch"!

Walang komento


Kamakailan ay napag-usapan nina Cristy Fermin kasama si Romel Chika ang bagong post ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram account.

Sa Instagram post ni Aljur noong September 3, ibinahagi niya ang isang video clip na may cryptic caption.

"I risk a lot of shots in life and you are my greatest catch."

Sa pinakabagong episode ng Cristy Ferminute, sinabi ni Rommel na tila para kay AJ Raval ang nasabing Instagram post ng aktor. Dahil itinaon niya ito noong kaarawan ng actress.





Just in: Kampo Ni Vhong Navarro Tumawag Kay Idol Raffy Para Humingi Ng Saklolo!

Walang komento

Usap-usapan ngayon ang muling pagdinig ng korte sa kaso na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Ayon sa balita mula sa legal team ng actor-tv host, magpapatulong umano si Vhong Navarro sa isang sikat na Senador upang maabswelto sa kaso. Ayon sa kanila, magpapatulong umano si Vhong Navarro kay Sen. Raffy Tulfo dahil hindi na mabuti ang paratang sa kanya ni Deniece Cornejo.

Samantala, kumakalat din ngayon ang balitang  maaring maharap sa patong-patong na kaso si Vhong Navarro dahil sa isinampang kaso sa kanya ni Deniece. Matatandaang, siyam na taon na ang nakalipas nang mangyari ang malaking eskandalo sa pagitan nina Deniece Cornejo at Cedrick Lee at Vhong Navarro.



Matapang Ang Mga Naging Pahayag Ni Markus Paterson Tungkol Sa Pakikipag-Date Sa Showbiz Industry!

Walang komento

Usap-usapan ngayon ang mga pahayag ni Markus Paterson tungkol sa pakikipagdate sa isang babae mula sa showbiz.

Bago paman kumalat ang video clip na ito ni Markus, nauna nang kumalat sa publiko ang pag-amin ni Janella Salvador na isa na siyang single mother. Tila kumpirmasyon ito na hiwalay na sila ng partner na si Markus Paterson.

Sa isang panayam kay Janella, napag-usapan nila ang tungkol sa mga pinagdadaanan niya ngayon at ang kanyang pagiging ina sa kanyang anak na si Jude.

Ayon kay Janella, bilang isang single mom nilalaban niya ang pagiging isang ina. Alam naman umano niya na kaya niyang alagaan ang anak ng mag-isa. Maaasahan naman umano niya ang sarili at hindi nangangailangan ng tulong sa iba.

Kasunod ng pag-aming ito ni Janella agad namang nagtrending ang kanyang ex-partner na si Markus Paterson dahil sa mga binitawan nitong pahayag tungkol sa pakikipag-date sa isang babae sa showbiz industry.



Ayon kay Markus, ang kanyang natutunan sa kanyang past relationships ay huwag nang makipagdate ng babae mula sa showbiz industry. Ipinagdidiinan niya na hindi nakakabuti ang pakikipagdate ng babaeng artista.

Umani naman kaagaad ang pahayag na ito ni Markus ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilan, tila ang ugaling ito ni Markus ang dahilan kaya iniwan siya ni Janella.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo