D*Wag! Buwelta Ni Rendon Labador Laban Kay Marc Pingris!

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely


Hindi nagpatinag at sunod-sunod ang naging post ng Motivational Speaker at Health Fitness Guru na si Rendon Labador laban sa tinawag na Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

Ito'y matapos hamonin ni Marc Pingris si Rendon Labador. Nag-ugat ang kanilang alitan nang magkomento si Labador laban sa coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes.

Komento ni Labador, hindi tayo mananalo sa paawa effect. Agad naman itong nakarating kay Pingris na isang Gilas player. Agad nitong hinamon ng one on one ang motivational speaker na si Labador.

Sinagot naman kaagad nito ang hamon ni Pingris. Tila inasar pa nito si Pingris sa pamamagitan ng pagrepost ng hamon nito kalakip ang kanyang larawan. Ayon pa rito, baka nabigla lamang si Pingris at siya ang hinamon.

Ngunit ayon kay Marc, hindi siya nabibigla at si Rendon talaga ang kanyang hinahamon. Sa kasunod na post tila binigyan ng ultimatum ni Labador si Pingris sa pagtupad sa kanyang hamon. Sinundan naman niya ito ng post kung saan tinawag niyang duwag si Pingris dahil hindi na umano ito nagpaparamdam sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo