Matapang Ang Mga Naging Pahayag Ni Markus Paterson Tungkol Sa Pakikipag-Date Sa Showbiz Industry!

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon ang mga pahayag ni Markus Paterson tungkol sa pakikipagdate sa isang babae mula sa showbiz.

Bago paman kumalat ang video clip na ito ni Markus, nauna nang kumalat sa publiko ang pag-amin ni Janella Salvador na isa na siyang single mother. Tila kumpirmasyon ito na hiwalay na sila ng partner na si Markus Paterson.

Sa isang panayam kay Janella, napag-usapan nila ang tungkol sa mga pinagdadaanan niya ngayon at ang kanyang pagiging ina sa kanyang anak na si Jude.

Ayon kay Janella, bilang isang single mom nilalaban niya ang pagiging isang ina. Alam naman umano niya na kaya niyang alagaan ang anak ng mag-isa. Maaasahan naman umano niya ang sarili at hindi nangangailangan ng tulong sa iba.

Kasunod ng pag-aming ito ni Janella agad namang nagtrending ang kanyang ex-partner na si Markus Paterson dahil sa mga binitawan nitong pahayag tungkol sa pakikipag-date sa isang babae sa showbiz industry.



Ayon kay Markus, ang kanyang natutunan sa kanyang past relationships ay huwag nang makipagdate ng babae mula sa showbiz industry. Ipinagdidiinan niya na hindi nakakabuti ang pakikipagdate ng babaeng artista.

Umani naman kaagaad ang pahayag na ito ni Markus ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilan, tila ang ugaling ito ni Markus ang dahilan kaya iniwan siya ni Janella.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo