Detalye Ng Bangayan Nina Miss Glenda at Rosmar!

Lunes, Setyembre 12, 2022

/ by Lovely


Bardagulan nina Miss Glenda at Rosmar sa social media.

Maingay ngayon ang online selling industry dahil sa bangayan at parinigan sa pagitan nina Miss Glenda at Rosmar. Ang dalawa ay parehong mga CEO ng beauty products. Hindi naman malinaw kung ano at paano nagsimula ang kanilang alitan.

Matatandaang nagkasama pa sina Rose Marie Tan aka Rosmar at Miss Glenda sa isang awarding night. Ginawan pa ito ng meme ng ilang mga netizens habang makikitang nauunang naglalakad sa red carpet si Miss Glenda. Naka pin din rito ang post ni Miss Glenda sa kanyang Facebook account kung saan nagpapasalamat siya sa mga tumatangkilik sa kanyang produkto. Makikita naman sa likuran ni Miss Glenda si Rosmar na tila nakatingin sa nauuna naka pin din ang isang post ni Rosmar na tila nagbibigay ng babala na ingatan ang trono nito dahil baka palitan niya.



Hindi rin ito ang unang pagkakataong may nakaaway na isang CEO si Rosmar. Nagtrending din noon ang sagutan jat parinigan nila noon ni Madam Kilay sa social media.

Samantala, ayon sa post ni Rosmar never siyang nagsimulang mang-asar tapos kung papatulan ay nagpi-feeling victim bigla. Nasundan pa ito ng sunod-sunod na pagpaparinig na post ni Rosmar.

Sa Facebook account naman ni Ms. Glenda, makikita ibinahagi niya ang mga pinagdaanan niya noon. Ngunit sa huling bahagi ng kanyang post, tila may makahulugan siyang banat at sinabing lalaban siya ng patas kahit pa hindi dapat pag-aksayahan ng panahon ito.

Dahil sa sagutan nilang ito tila maging ang pamilya ni Ms. Glenda ay dinadamay na ni Rosmar. Ayon kasi sa post ni Rosmar na tila pagbabanta kay Ms. Glenda, "Umaabuso kana, kailangan mo na ng leksyon. Di mo iniingatan ang swerte. Mga anak mo at pamilya mo ang sisingilin ko. Tingnan natin kung kaya ba ng Brilliant mo ang sakit na walang lunas na ibibigay ko. Kailangan mo ng bumalik sa lupa."

Dahil rito, humingi ng tulong si Ms. Glenda kay Sen. Raffy Tulfo dahil sa pambubully umano sa kanya ng isang tao. Sa kabila nito, muling nagpasaring si Rosmar, na kahit pa magsumbong umano ito kay Sen. Raffy Tulfo hindi siya matatakot dahil nauna naman umanong nagparinig. Kasunod naman nito sinabi ni Rosmar na kung sumbangan pala ang gusto ni Ms. Glenda ay magsusumbong na rin siya sa FDA at BIR.

Sinagot naman ito ni Ms. Glenda at sinabing hindi siya matatakot kahit pa saan sila maghaharap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo