Aktor Na Si Carlos Agassi Humihiling Ng Dasal Nabaldado Sa Aksidente!

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely


 Humihingi ngayon ng dasal ang aktor na si Carlos Agassi para sa madaliang paggaling ng kanyang injury sa tuhod mula sa isang aksidente sa paglalaro ng basketball.

Makikita sa mga larawan at videos na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account na kasama siyang naglalaro sa isang basketball game na ginanap sa Makati.

Ngayong araw, sa ibinahaging update ng aktor, nananawagan siya ng dasal para sa madaliang paggaling ng kanyang injury sa tuhod. Hindi nakakalakad ang aktor dahil sa nangayaring aksidente sa kanya.

Nagpapasalamat naman si Carlos sa kanyang ina at non-showbiz partner na nag-aalaga sa kanya ngayon. Tila nadala naman na ito at pinag-iisipan na ang pagreretiro sa paglalaro ng basketball.

"Please pray for me, had a bad landing and my knee gave up and swayed side to side, can’t walk or move my leg. Sana speedy recovery and no need for surgery. 🙏 Thanks my love for taking good care of me. ❤️‍🔥 @sarinayamamoto Freak accident before my 43rd birthday, I guess I’m retired na from basketball. 🙈😅 Thank you to everyone asissting & being patient with me, thank you so much Momskie for helping me & Sarina. Can’t believe I can’t stand 🙈 or walk or bend."

Marami naman ang humihiling ng agarang paggaling ng aktor lalong lalo na ang mga kaibigan at tagahanga ng aktor.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo