Pumalag Si Wilbert Tolentino Sa Mga Naging Pahayag Ni Cristy Fermin Laban Kay Herlene Budol!

Lunes, Setyembre 12, 2022

/ by Lovely


 Pumalag ang manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino sa pahayag ni Lolit Solis.

Hindi pa rin tinatantanan ng kontrobersiya si Bb. Pilipinas First Runner up Herlene Nicole Budol. Isa siya sa mga pinag-uusapan sa vlog ni Cristy Fermin sa kanyang YT channel na Showbiz Now Na. Ayon sa kanila, matapos umanong makipagmeeting ni Herlene Budol kay Willie Revillame para pag-usapan ang pagsali sa ALLTV ng AMBS2, pumirma si Herlene ng kontrata sa GMA7 kinabukasan.

Ayon pa kay Cristy Fermin, tila walang utang na loob si Herlene sa pag-iwan sa ere kay Willie Revillame at hindi pumayag na mapabilang sa kinabibilangan nitong network. Nakipagmeeting pa umano si Herlene kay Willie Revillame para sa All TV ng AMBS ngunit kinabukasan ay pumirma ito ng kontrata sa GMA7.

Dagdag pa ni Manay, tila ginamit lamang ni Herlene ang offer ng AMBS2 upang pataasin ang offer ng GMA7. Wala umanong utang na loob si Herlene, matapos umano itong tulungan noon ni Willie Revillame at ipinasok bilang co-host sa programa nitong Wowowin. Ipinunto pa ni Manay Cristy na dapat ay agad nitong sinabi kay Willie Revillame na hindi ito papasok sa AMBS dahil mas gusto niya sa GMA7 hindi iyong tila ginamit pa ni Herlene ang meeting nila para mas lumaki ang offer ng GMA7 sa kanya.

Hindi naman ito pinalampas ng manager ni Hipon Girl na si Wilbert Tolentino. Sa kanyang mahabang Facebook post, sinagot niya ang isyung ibinabato kay Herlene Budol tungkol sa utang na loob at sa pagpapataas ng presyo.

"Dear Tita Cristy, Sagutin ko lang po ang pahayag nyo tungkol sa "UTANG NA LOOB" at "NAG PAPATAAS NG PRESYO SI HIPON GIRL"

Mataas po pag galang ko po sayo bilang isang Beteranang Showbiz Columnist. Sana huwag po tayo gumawa ng FAKE NEWS na ikasisira ng tao. Sana kumuha ka ng panig ni KUYA WIL at SIR WIL bago ka nag MARITES. Sana Huwag din po tayo maging JUDGEMENTAL at isang ganap na BALAT SIBUYAS na ugali sa mundo.
"UTANG NA LOOB" - Meron po si Hipon Girl nyan. May CAMERA O WALANG CAMERA lagi nya etong linya "LAPITIN AKO NG WIL in GODS WILL" alam yan ng nakakarami at naririnig natin yan sa PUBLIKO galing sa bibig po nya. Si Hipon ay sobrang Grateful at Thankful kay KUYA WIL dahil bukang bibig nya - "dyan ako nag simula at dyan sya pinasikat ni Kuya" at tinuring nya si KUYA WIL na tatay nya sa WOWOWIN. mas mabilis pa cya sa alas kwatro kung narinig nya pangalan ni KUYA WIL. isang dilat lang ng mata ni Kuya Wil natataranta na yan at iiyak sa takot mapagalitan. ganyan ka taas ang RESPETO nya kay KUYA WIL. kahit sa pag kampanya sa election ay tumawag ang Staff ni KUYA WIL sa akin ay agad ko rin pina punta. FYI lang po Tita Cristy...indi po cya kumuha ng TALENT FEE para sa TUTOK TO WIN PARTYLIST. yan po ba tinatawag na walang UTANG NA LOOB?
At bilang Beteranang Showbiz Columnist at 66 yrs old, pwede ko pa ba itanong po sayo Tita Cristy - Define Utang na loob at hanggang saan po limitasyon ang isang utang na loob? eto ba ay PERA o Sumbat? hanggang kelan? Ang utang na loob ba ay dapat ba e ukit sa pyramid ng EGYPT? Please enlighten me baka po malinawan po ako sa Pahayag mo towards kay Hipon.
"NAGPAPATAAS NG PRESYO" - Tita Cristy may resibo po ba eto? saan mo po nakuha ang balita na nag papataas kami ng PRESYO? FYI lang TITA Cristy ako mismo nag Desisyon ibigay sa GMA7 Network si Hipon. Kung PERA PERA lang asa utak ko e di sana Grinab ko na ang offer ni KUYA WIL na nag offer ng malaking Guaranteed Contract with 1 Studio Condo Unit na inoffer from AMBS NETWORK. kung gusto mo po malaman bkt sa GMA7 yun po ang Challenge sayo bilang isang Beteranang Showbiz Columnist.
At bilang Manager po ni Hipon Obligasyon ko paliparin ang Karera po nya at indi ko ipagkakait na tulungan ang bata at higit sa lahat indi po ako naniningil ng UTANG NA LOOB. Pag tumulong dapat bukal sa kalooban dahil at the end of the day lahat tayo mamatay din. indi natin madadala ang PERA sa Hukay. Kaya Leave a good mark.
FYI lang din po wala din kami Issue ni KUYA WIL, Whereinfact nakakataba ng puso yung pag puri nya sa akin. e share ko nalang din ang convo namin nung pinakilala nya ako sa Presidente ng AMBS
KUYA WIL : Si Wilbert nga pala, ang Manageeeer ni Hipon.
SIR WIL : ikaw parin KUYA WIL. Sayo nag simula si Hipon at produkto mo po cya.
KUYA WIL : Ganito yan, Ako lang gumawa ng Gold kay Hipon pero ikaw ang nag pa KINTAB.
After ng meeting with AMBS at agad agad ko narin kinausap ang Artist at nabanggit ko ang offer ng Network. sabi ko pa kay Hipon bigyan nya ako isang araw mag decide. The following day nag Thank you pa nga ako sa magandang Opportunidad inoffer ng AMBS kaya pano nasabing nag papataas kami ng presyo at walang utang na loob?"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo