Dating Kapamilya Aktor-Ramdam Na Ramdam Ang Pagiging Kapuso?

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely

Nagbigay ng pahayag ang dating Kapamilya actor hinggil sa nararamdaman niya sa paglipat sa Kapuso network.

Ayon kay Dominic Ochoa, ramdam na ramdam na ang mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA7.

"Yung kasi, it's the usual, I've been in ABS-CBN for 25 years. So, yung excitement ko na to meet new actors, to meet the production of GMA, yung mga direktor."

Dagdag pa ni Dominic, "Naninibago ako, pero iyon nga, gaya ng sinabi ko, ang ganda ng pagtanggap. It made it easier for me. Kumbaga, naka-relaks ako agad."

Agad namang nilinaw ni Dominic na guest aktor lamang siya sa GMA7 at maayos siyang nagpa-alam sa ABS-CBN. Aprubado naman umano ng ABS-CBN na gumawa siya ng proyekto sa kabilang network.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo