Ang Naranasan Ni Francine Diaz Noong Hindi Pa Siya Artista!

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely

Talagang malayo na ang naabot ngayon ng child star na si Francine Diaz.

Matatandaang matapos madiskubre ang talento ni Francine sa pag-arte, naging sunod-sunod na ang mga proyektong ibinibigay sa kanya.

Nagsimula si Francine bilang isang commercial model at paminsan-minsan nabibigyan ng role bilang extra sa mga palabas. Nang madiskubre ang galing niya ay nabigyan na siya ng permaneting role.

Namulat si Francine sa hirap ng buhay nang siya'y bata pa lamang lalo na noong nawalan ng trabaho ang kanyang ama na dating OFW. Ilang beses din umano sila napalayas sa mga nirerentahang bahay dahil hindi sila nakakabayad.

 Naranasan din umano ng kanilang pamilya ang maputulan ng  kuryente at tubig. Minsan na din umano silang nalipasan ng gutom. Ngunit sa kabila ng lahat, ay ipinagpatuloy pa rin ni Francine ang kanyang pangarap at ginalingan ang trabaho upang mairaos ang kanilang pamilya.

Suportado ng kanyang ina ang kanyang pangarap sa pag-aartista at sinasamahan siya sa mga auditions. Ayon kay Francine, minsan ay umuutang pa ang kanyang ina upang makarating lamang sila sa mga auditions.

Ilang beses ding ni-reject si Francine sa ilang auditions at umuuwing luhaan sa kanyang ina. Kaya naman ng matanggap sa isang project ay ginawa niya ang lahat upang maging maayos ang kanyang trabaho. Kailangan niyang galingan ang trabaho hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang pamilya.



Sa ngayon, unti-unti nang natutupad ni Francine ang pangarap para sa kanilang buong pamilya. May sarili na silang bahay at hindi na natatakot na baka mapalayas dahil hindi nakakabayad sa renta. May sarili na ring pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang at maayos ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid.

Hindi umano ikinakahiya ni Francine na mula siya sa hirap dahil ito ang humubog sa kanya upang maging mas matatag sa buhay. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo