Dahil Single Na! Janella Salvador at Joshua Garcia Pwede Ng Magkatuluyan!

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely

Matapang na inamin ng aktres na si Janella Salvador na isa siyang single mom ngayon.

Matatandaang usap-usapan ngayon si Regina dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang Regina at Valentina sa Darna TV series ng ABS-CBN. Ito ang kanyang kauna-unahang pagganap bilang isang kontrabida. Kasabay ng kanyang kauna-unahang pagganap bilang isang kontra bida, ginagampanan din ngayon ng aktres ang role ng pagiging isang single mom sa totoong buhay.

Marami man ang nalungkot sa balitang hiwalayan nina Janella at Markus Paterson para sa kanilang anak, may ilang mga fans naman ng JoshNella ang tila muling nabuhay ang pag-asa na sina Joshua at Janella ang magkakatuluyan sa huli.

Sa muling pagiging single ni Janella, tila nagkaroon umano ng pag-asang magkakamabutihan ang dalawa. Lalo na't magkasama sila sa teleseryeng Darna ng ABS-CBN. Matatandaang inamin noon ni Joshua Garcia sa isang panayam na nagkagusto siya kay Janella noong naging leading lady niya ito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo