Carlo Aquino at Trina Candaza Nagkabalikan Na Nga Ba?!

Sabado, Setyembre 10, 2022

/ by Lovely


Naging usap-usapan noon sa social media ang paghihiwalay nina Trina Candaza at Carlo Aquino. Sapagka't walang sinasabing dahilan tila naging maayos naman ito dahil maganda ang kanilang set-up bilang co-parent sa kanilang nag-iisang anak.

Samantala, sa ibinahaging update ni Trina sa kanyang social media account makikitang nasa good term sila ni Carlo. Kung titingnan ay tila buo pa rin ang kanilang pamilya. Sa ibinahaging larawan ni Trina, makikitang karga ng aktor ang kanilang anak habang katabi naman siya.

Kuha ang nasabing larawan mula sa birthday celebration ng kanilang anak na si Mithi. Dahil sa kanilang larawan, iniisip ng kanilang mga tagahanga na nagkabalikan na ang dalawa. Tila nagnanais pa rin ang mga ito na madugtungan ang naudlot na pagmamahalan ng dalawa at mabigyan sila ng second chance.

Hindi naman ito malayong mangyari kina Trina at Carlo dahil sa kabila ng kanilang paghihiwalay, maayos pa rin ang turingan nila sa isa't-isa at nananatili ang kanilang pagkakaibigan. Tila lihim pa rin namang umaasa si Trina na muli silang magkakabalikan ni Carlo dahil hindi pa rin niya binubura ang mga larawan nilang magkasama sa kanyang mga social media accounts.

Bagama't wala pa ring sinasabi ang dalawa, positibo naman ang kanilang mga tagahanga na nagkabalikan na ang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo