Xander Ford Magiging Isang Ama Na!

Sabado, Setyembre 10, 2022

/ by Lovely

Masayang ibinahagi ni Xander Ford sa social media na magiging isang ama na siya.

Sa kanyang social media posts, inamin ni Xander na hindi niya alam ang gagawin dahil ito ang unang pagkakataon na magiging isang ama na siya. Na-eexcite na rin umano siyang malaman kung ano ang kasarian ng kanilang unang Angel.

"This is my Firstime Experience hindi ko alam paano ako mag Uumpisa pero alam ko Masaya ako kasi ito na sya Ilang months Nalang Malalaman nanamin ang Gender niya ngayun Pangalan nalang Ang pag iisipan namin. Exited na po ako," caption ni Xander sa kanyang Instagram post.



Kalakip nito ay ang larawan ng dalawang pregnancy tests na nagpapakita ng positibong resulta. Matatandaang nitong nakaraang buwan, tila nagpaparinig si Xander na magkakaroon sila ng bagong Angel sa kanilang pamilya.

Noong 2020, pinatawan ng indifinite suspension si Xander ng kanyang talent agency, matapos siyang sampahan ng physical abuse at sexual assault ng kanyang ex-girlfriend. Naaresto siya noong December 2020 sa reklamong nasabi.

Mariin niyang itinanggi ang mga paratang sa kanya ng dating kasintahan ngunit sa huli ay humingi rin siya ng tawad mula rito. Muli namang nagtrending si Xander noon ng inamin niyang isa siyang bisexual.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo