Bagong Issue Sa Toro Family! | Papi Galang Binabatikos Ngayon Ng Mga Netizens Sa Pagiging Sipsip?!

Lunes, Setyembre 12, 2022

/ by Lovely


Muling pinag-uusapan ngayon sa social media ang Toro Family dahil sa pag-alis ni Mikay sa Toro de Palacio.

Nagsimula umano ang lahat ng sinabi ni Mikay na nais na niyang makuhang muli ang kwarto niya sa baba dahil tila nawalan na siya ng privacy. Ayon kay Mikay, matapos niyang ipahayag ang kaniyang saloobin, bigla na lamang siyang sinabihan na ayusin na ang gamit.

Sa pag-alis ni Mikay sa Toro de Palacio, sinisisi ng mga netizens ngayon sa isang kaibigan ni Toni Fowler na si Papi Galang. Ayon sa kanila, napakasip-sip umano ni Papi at sinusulsulan umano nito si Toni kaya napa-alis si Mikay.

Tawag ngayon ng mga netizens kay Papi, sulsulera at sip-sip. Lahat na lamang umano ay sinusumbong nito. Sa kontrobersiya sa Toro Family ngayon, sinisisi ng ilang mga netizens si Papi Galang at wala ng iba pa.

Samantala, agad naman itong ipinagtanggol ni Toni at nagpost sa kanyang social media account at sinabing dapat alamin muna ang buong storya.



"Walang sikretong hindi nabubunyag," post naman ni Papi Galang.

Dagdag pa niyang nagpakaloyal lamang siya at hindi nakisipsip. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pambabatikos kay Papi at may ilang netizens pang nanawagan na i-unsubscribe na ito.

Dahil sa mga isyung kinaharap, nagpulong-pulong ang Toro Family upang iaddress ang isyu. Sa vlog na ibinahagi ni Marie Fowler na pinamagatang Bakit Ungrateful. Makikita sa nasabing vlog ang pagiging emosyunal ni Toni habang isiniwalat ang totoong ugali umano ni Mikay.

Inilabas ni Toni ang kanyang mga hinanakit sa hindi pagsabi ni Mikay ng direktahan sa kanya ng mga hinaing nito ngunit sinabi naman sa ibang tao.

Samantala,  hindi naman umano masama ang intensyon ni Papi sa pagbubunyag ng mga hinaing ni Mikay kay Toni. Nais lamang umano niyang malaman ito ni Toni upang magkaayos at ma-address nila ang isyu.

Sa huli naging maayos naman ang kanilang pag-uusap at nagkasundo sina Mikay at Toni, nagyakapan naman sina Mikay at Papi.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo