Heart Evangelista Ipinagkakalandakan Na Hiwalay Na Sila Ni Sen. Chiz Escudero!

Lunes, Setyembre 12, 2022

/ by Lovely

Sa kabila ng pananahimik ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa isyung nagkakalabuan na at naghiwalay na umano sa kanila, may ilang mga netizens na malakas ang hinalang totoo ito.

Matatandaang sa ibinigay na pahayag ng ina ni Heart, sinabi nitong may personal na pinagdadaanan ngayon ang aktres ngunit hindi niya alam ang buong detalye.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na sa kabila ng pananahimik ni Heart, tila unti-unti nitong ibinubunyag sa social media ang totoong estado ng kanilang relasyon. Muling ginulat ni Heart Evangelista ang mga netizens nang magbahagi ito ng isang painting na tila siya mismo ang nagpinta. Kalakip nito ang caption, "Goodbyes 2013."



Agad naman itong, umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang nagsasabi na ang goodbye sa caption ni Heart ay tila pamamaalam sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero. Ngunit may mga nagsasabi naman na ang caption ay patungkol sa ibinahaging painting ni Heart at hindi patungkol sa kanyang sarili.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pananahimik ng dalawang panig at wala pa ring ipinapalabas na mga official statements na makakapagbigay linaw sa mga isyung kasalukuyang kumakalat. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo