Lasing? Video Ni Diego Loyzaga Habang May Kayakapang Ibang Babae!

Martes, Setyembre 6, 2022

/ by Lovely


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktor na si Diego Loyzaga dahil sa kumakalat na video kung saan makikitang mayroon siya kayakap na isang babae.

Matatandaang nitong nakaraang buwan, usap-usapan sa social media ang pagkakalink niya sa isang ex-pbb housemate na si Frankie Russel. Nag-umpisa ang mga usap-usapan, nang binati ng dalaga si Diego at nagbahagi ng ilang mga larawan nilang magkasama.

Kilig na kilig naman ang ilang mga netizens dahil bagay na bagay silang dalawa.Ngunit matapos ang dalawang linggo ng kanilang confirmation na kasalukuyan silang nagde-date. Naka-unfollow na rin sila sa isa't-isa.

Samantala, viral ngayon ang isang video clip na ayon sa mga source ay kuha sa isang bar sa Cebu. Makikita sa nasabing video na may kasama at kayakap na babae si Diego Loyzaga. Makikita na nag-eenjoy ang aktor habang masayang nagsasayaw habang yakap-yakap ang isang babae.

Ayon sa caption ng nasabing video, "Sama-sama tayong mag-sana all."

Agad namang umano ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing video. Ang ilan ay napapasana-all na lamang habang ang iba nama'y nagtataka kung nagde-date pa rin ba sina Diego at Frankie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo