Markus Paterson May Sagot Kay Janella Salvador! Last Year Pa Daw Silang Hiwalay!

Sabado, Setyembre 10, 2022

/ by Lovely

Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon ang isyu ng hiwalayan ng magpartner na sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Matatandaang tila binastos ni Markus Paterson si Janella Salvador sa isang podcast. Ayon kay Markus, ang kanyang natutunan sa isang pakikipagrelasyon ay ang hindi na muling makipagrelasyon pa sa isang babae mula sa showbiz. Nagmura ito habang sinasabi ang pahayag na iyon at sinabihan pang huwag i-cut ang sinabing mura para malamang seryoso siya.

Matapos magtrending ang video clip mula sa nasabing podcast, mariing itinanggi ni Markus Paterson na ang pinapatungkulan niya sa kanyang pahayag ay si Janella Salvador. Wala na umano siyang isyu sa aktres dahil matagal na umano silang magkahiwalay. Masaya na rin umano sila sa kani-kanilang mga buhay.



"Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year. She's happy in life, and I'm happy in life and our only priority is Jude. What I said in the podcast wasn't actually about her," tweet ni Markus.

Tanong naman ngayon ng mga netizens, kung hindi si Janella Salvador ang pinapatamaan ni Markus sa nasabing pahayag ay may nakarelasyon na pala itong ibang babae mula sa showbiz matapos ang hiwalayan nila ni Janella Salvador. Ayon pa mismo kay Markus, mahigit isang taon na silang magkahiwalay ni Janella.

Kung sino man ang tinutukoy ni Markus sa kanyang pahayag tiyak, hindi rin naging maganda ang hiwalayan nila dahil makikita sa mukha nito at kung pagbabasehan ang diin ng kanyang mga pahayag ay mahihinuhang galit ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo