Kristoffer Martin, Lantarang Inamin ang Pagkakagusto kay Kathryn Bernardo

Walang komento

Huwebes, Abril 11, 2024


 Tahasang inamin ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin na nagkaroon siya ng matinding paghanga sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo noong nagkasama sila sa Korean drama series na Endless Love.



Inamin ni Kristoffer Martin ang totoong pagtingin niya kay Kathryn Bernardo noong maging guest siya sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel noong nakaraang April 3, 2024.


Ayon kay Kristoffer Martin, una silang nagkakilala ni Kathryn Bernardo noong 13 years old pa lamang siya nang nagkatambal sila sa local adaptation ng hit South Korean series na Endless Love noong 2010 na umire sa GMA7.


Ang nasabing teleserye ay pinagbidahan ng mag-asawa na ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ginampanan naman nila noon ni Kathryn Bernardo ang mga younger version nina Dingdong bilang Jhonny at Marian Rivera bilang si Jenny.


Pagbabahagi pa ng Kapuso actor, na kahit bata pa noon ang aktres ay hindi na umano siya nahirapan na makatrabaho ito, dahil noon pa man ay talagang magaling nang artista si Kathryn Bernardo.


Naging natural din umano ang kanyang pag-arte at ang kuha sa ilang mga eksena nila ng aktres dahil totoong nagkagusto siya rito, subalit walang alam si Kathryn Bernardo sa kanyang nararamdaman.


Sa kabilang banda, nauna nang ipinahayag ni Kristoffer Martin sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na gusto niyang makasama sa trabaho muli ang aktres at kung maari ay itutuloy nila ang teleseryeng Endless Love.


Sa ngayon ay wala pa namang balita kung sakaling may posibilidad bang magkakatrabaho muli sina Kathryn Bernardo at Kristoffer Martin.


@allpinoy10 Endless Love. #pinoyteleserye #makethisviral #kathrynbernardo #kristoffermartin #endlesslove #gma ♬ Endless Love (Instrumental version) - RLK

Vice Ganda Pinaringgan Si Carmina Villaroel Dahil Sa Ginawa Kay Darren Espanto

Walang komento


 Talagang hindi magpapakabog ang kilalang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa kanya at maging sa mga kasamahan niya sa It's Showtime.


Kamakailan lamang ay nagbigay ng malaman na pahayag si Vice Ganda nang ipakanta niya kina Darren Espanto at Kyline Alcantara ang kantang 'We Are Family'.


Marami sa mga netizens ang naghinala na parinig ito ni Vice Ganda sa ina ng babaeng iniuugnay kay Darren Espanto na si Cassy Legaspi at sa dating boyfriend ni Kyline Alcantara na walang iba kundi si Carmina Villaroel.


Kamakailan lamang ay ipin-lex ni Carmina Villaroel ang kanyang pamilya. Sa caption ng kanyang post, may nakasulat rin doong 'We Are Family'.


Kung pagbabasehan naman ang mga naging ugnayan nina Kyline Alcantara at Darren Espanto ay muntikan na rin naman silang mapabilang sa sinasabing family ni Carmina Villaroel.


Sa kabilang banda, tila binasag naman ni Darren Espanto ang bubbles ng ilang mga netizens at fans na naniniwalang naging sila ni Cassy Legaspi dahil hayagan niyang inanunsyo on live television na hindi naman naging sila ni Cassy Legaspi at hanggang magkaibigan lamang umano silang dalawa.


Marami man ang hindi naniniwala sa pagsisiwalat na ito ng singer-host dahil kung pagbabasehan ang kanilang mga palitan ng mensahe noon ni Cassy Legaspi at ang mga panahon na nakikita silang magkasama ay tiyak na makikitang higit pa sa magkaibigan ang kanilang naging ugnayan.


Subalit, malaking insulto umano ito kay Cassy Legaspi dahil sa lantarang pagdeny ni Darren Espanto sa kanya.


Hinala naman ng ilang mga netizens na may alam si Vice Ganda sa real score nina Darren Espanto at Cassy Legaspi kaya naman nakakapagbitaw ito ng ganoong klaseng biro, hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang hindi tumitiklop si Vice Ganda kapag tila nadedehado na ang kanyang mga kasamahan at kaibigan.



Alden Richards Umamin Na Sa Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo, Sinupalpal Ng Netizens!

Walang komento


 Hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ang naging sagot ng Multimedia Star na si Alden Richards sa mga katanungan sa kanya patungkol sa totoong relasyon nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Ilang araw ring laman ng mga usap-usapan sa social media ang mga kumakalat na larawan at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kuha mula sa post birthday celebration ng aktres noong nakaraang April 2, 2024.


Dahil sa mga kumakalat na larawan at photos kung saan makikitang very close na sila at sweet sa isa't-isa, hindi maiiwasan ng maraming mga fans na mapatanong kung ano ang real score na namamagitan sa kanilang dalawa.


Kaya naman sa isang panayam, hindi na pinalampas ng showbiz reporter na tanungin si Alden Richards kung ano totoong namamagitan sa kanila ngayon ng aktres na naging leading lady niya sa high grossing film na Hello, Love, Goodbye.


Ayon kay Alden Richards, kung ano ang nakikita sa kanila ng mga netizens at mga tao ay iyon na ang kanilang relasyon. Iginiit pa ni Alden Richards na hindi naman kailangang ipamalita sa social media ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Kathryn Bernardo.


Inilahad pa ni Alden Richards na kung ano man ang nakikita ng mga tao sa kanila sa social media ay ganoon din sila sa personal na buhay.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nagbubunyi dahil nalalapit nang maisakatuparan ang hinihiling nila na magkakamabutihan ang kanilang mga idolo lalo na ngaynong wala na umanong humahadlang sa kanilang dalawa.


Subalit, hindi pa rin naiwasang may mga netizens na batikusin ang naging pahayag ni Alden Richards dahil marami ang nagsasabing ginamit na rin ni Alden Richards ang naging pahayag niyang ito ngayon sa mga sagot niya ng matanong siya sa totoong kaugnayan nila ni Maine Mendoza noon.


Hinala naman ng ilang mga fans na tila ginagamit lang din ngayon ni Alden Richards si Kathryn Bernardo dahil maugong ang pangalan nito dahil sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla.



Kim Chiu, Si Paulo Avelino Nga Ba Ang Tinutukoy Sa Kanyang Naging Sagot

Walang komento


 Inilahad ng Kapamilya TV-host, actress na si Kim Chiu ang kanyang mga nagugustuhan niya sa mga lalaki ngayon. Mas gusto umano ngayon ng aktres ang lalaking, iyong tahimik lang.


Tila nadulas na naman ang aktres na si Kim Chiu sa naging katanungan sa kanya ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment Expecially For You sa It's Showtime.


Kamakailan ay naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa isang segment nila sa It's Showtime kung ano ang gusto nito na katangian ng isang lalaki. Pinapili ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang gusto niya sa isang lalaki ngayon iyong maligalig o iyong tahimik lang.


Medyo napaisip pa si Kim Chiu sa katanungan na ito ni Vice Ganda, hanggang sa sinabi na nitong total ay maingay naman siya ang pipiliin niya ngayon ay iyong tahimik lang.


Kaagad namang naghinala ang mga solid KimPau fans na ang tinutukoy ni Kim Chiu na lalaki sa pagsasabing iyong tahimik lang ang kanyang gusto ay walang iba kundi si Paulo Avelino.


Hindi naman kasi umano lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga katangian ni Paulo Avelino ang pagiging tahimik.


Kabaliktaran naman ito sa personality ni Kim Chiu na madaldal at masayahin. Subalit, magmula nang nagkasama sa iisang trabaho ang dalawa ay tila nahahawaan na umano ni Kim Chiu sa pagiging madaldal si Paulo Avelino.


Samantala, aminado naman si Paulo Avelino na talagang napapasaya siya ngayon ng kanyang leading lady na si Kim Chiu.


Sa ngayon ay maraming napapatanong sa totoong estado ng relasyon ni Kim Chiu at Paulo Avelino dahil napapansin ng maraming mga netizens na tila may naiiba na sa kanilang mga tinginan at pagiging malapit sa isa't-isa.


Subalit, ang mas makabuti sa ngayon ay hintayin na lamang ang pag-amin nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang relasyon.




Cathy Garcia-Sampana, Nilinaw Ang Isyung Pagpigil Ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang Direktor na si Direk Cathy Garcia-Sampana patungkol sa matagal nang bulung-bulungan na totoong dahilan ng hindi pagkakatuloy sa part 2 ng highest grossing film ng Pilipinas sa loob ng maraming taon na Hello, Love, Goodbye.


Sa kamakailang panayam kay Derik Cathy Garcia-Sampana, hayagang naitanong sa kanyang ang hindi pagkakaroon ng part 2 ng hit movie na Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan  nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Hayagan ring naitanong sa Direktor kung may katotohanan nga ba ang mga bali-balita noon na kaya hindi matulu-tuloy ang part two ng pelikulang Hello, Love, Goodbye ay dahil sa hindi pagpayag ng aktor na si Daniel Padilla na dating ka-loveteam at boyfriend ng aktres dahil nagseselos ito sa leading man na si Daniel Padilla.


Kaagad naman itong nilinaw ni Direk Cathy Garcia-Sampana at inihayag ang totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang part two ng Hello, Love, Goodbye.


Ayon kay Direk Cathy, totoong may mga usapan na noon na gawang ng sequel ang Hello, Love, Goodbye.


Hindi umano ito natuloy dahil sa maraming mga bagay, hindi naman umano si Daniel Padilla ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng pelikula.


Kabilang na umano sa naging dahilan ay ang paglaganap ng pandemya at marami pang iba.


Iginiit naman ni Direk Cathy Garcia-Sampana na hindi naman maaring pigilan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa paggawa ng pelikula dahil may sariling isip naman umano si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na naging laman ng usap-usapan noon sa social media ang isyung pinipigilan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na makipag-partner sa ibang mga artista dahil sa pagiging conservative nito. Subalit, naniniwala ang ilang mga fans na insecure lamang umano si Daniel Padilla kay Alden Richards kaya pinigil nito si Kathryn.


Gayunpaman sa pagbibigay ng pahayag ni Direk Cathy Garcia-Sampana, hiling ng maraming mga fans na sana ay tigilan na ng mga bashers si Daniel Padilla.



Lee O'Brian, Tuluyan Nang Pinaalis Sa Bansa

Walang komento


 Matapos ang ilang buwan, sa wakas ay natuloy na ang pagpapaalis sa Pilipinas sa dating kinakasama ni Pokwang na si Lee O'Brian.


Noong Aprl 8, 2024, tuluyan nang naipa-deport ng Bureau of Immigration si Lee O'Brian.


Nitong hwebes, April 11 inilabas ng Bureau of Immigration ang balitang tuluyan nang sumakay ng eroplano si Lee O'Brian palabas ng bansa.


Naglabas ng official statement ang nasabing ahensya kalakip ang larawan ni Lee O'Brian na papasakay na sa eroplano papuntang San Francisco, California.


Si Lee O'Brian ang dating kinakasama ng komedyanteng si Pokwang. Kung saan nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Malia O'Brian.


Matapos ang masalimoot na hiwalayan nina Pokwang at Lee O'Brian, inilabas lahat ng komedyante ang mga itinatagong baho ni Lee O'Brian kabilang na ang hindi pagkakaroon ng proper papers para manatili sa Pilipinas.


Bukod pa rito, isiniwalat din ni Pokwang ang hindi pagsusustento ni Lee O'Brian sa kanilang anak kahit pa nagsasama sila sa iisang bubong.


Naghain ng deportation case si Pokwang laban kay Lee O'Brian dahil nagtatrabaho umano ito sa bansa sa kahit wala namang VISA.


Sa kabilang banda, kinumpirma ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na tuluyan nang na-deport si Lee O'Brian noong pang April 8, 2024, matapos makumpirmang wala itong kinakaharap na ibang kaso sa bansa.


Ayon naman sa inilabas napahayag ng Bureau of Immigration, inilahad nilang kailanman ay hindi na maaring makabalik sa Pilipinas si Lee O'Brian.


"The Bureau of Immigration (BI) has successfully deported American national Lee O’Brian.


"It can be recalled that last year, Filipino comedian Marietta Subong, more popularly known as Pokwang, filed a deportation case against her ex-partner for working without proper permits.


"In her complaint, Subong claimed that O’Brian rendered work in different production companies without securing required Department of Labor and Employment and BI permits.


"The BI found merit in the said complaint and ordered O’Brian deported in December for violation of the conditions of his stay. O’Brian filed for a motion for reconsideration, which was eventually denied.


"BI Commissioner Norman Tansingco said that O’Brian was deported evening of April 8 on board a Philippine Airlines flight to San Francisco after the BI confirmed that he has no pending local case in the Philippines.


"As a consequence of his deportation, his name has been included in the BI’s blacklist, barring any future attempts to re-enter the country," buong pahayag ng Bureau of Immigration.




Teddy Corpuz, May Mensahe sa Mga Bitter Sa Paglipat Nila Sa GMA7

Walang komento


 Naglabas ng isang social media post ang It's Showtime host na si Teddy Corpuz laban sa mga naging bitter sa paglipat nila sa panibagong tahanan, sa main channel ng Kapuso Network.


Sa kanyang Twitter account, kinausap ni Teddy Corpuz ang kanyang mga follower na dapat ay magbigay ng kapatawaran sa mga taong nagkasala sa kanila matapos ang ilang taon.


Inilahad din ni Teddy Corpuz, mas mabuting magpatawad para na rin sa sariling peace of mind. Hiniling din niya sa kanyang mga followers na hindi maganda na ikumpara ang sarili sa ibang mga tao.


“Learn to forgive. Mas magaan sa pakiramdam, puso, at sa konsensiya. Focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo at huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba. Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter. Forgive par! Love! Love!” tweet ni Teddy Corpuz.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang iniuugnay ang tweet na ito ni Teddy Corpuz sa naging pasaring sa kanila noon ni Janus Del Prado matapos nilang lumipat sa GMA7.


Tinawag pa ni Janus Del Prado na mga hypocrites ang It's Showtime hosts sa mga pinagsasabi ng mga ito noong lumipat ang karamihan ng mga ABS-CBN stars sa ibang mga networks noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.


“Yung mga bumabatikos sa mga lumipat dati, nagsilipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?” unang post ni Janus Del Prado.


“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo,” dagdag pa nito.




Sen. Bong Revilla, Sinagot Si Lani Mercado Patungkol Sa Kanilang Pagsasama

Walang komento


 Matapos ang mahigit 30 years na pagsasama nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado, ibunyag ng dalawa sa publiko na hindi naging madali ang kanilang pagsasama.


Nagbigay ng pahayag ang dating action star at senador na si Bong Revilla kung gaano siyang humanga sa pagmamahal, pang-unawa at katatagan na ipinapakita palagi ng kanyang asawa na si Congresswoman Lani Mercado.


Aminado naman si Se. Bong Revilla na hindi naging madali ang kanilang pagsasama. Sa loob ng 30 years, hindi naging smooth sailing ang lahat dahil dumaan din sila sa maraming mga pagsubok.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na na-uugnay noon ang aktor at Senador na si Bong Revilla.


Bukod pa rito may iba pang mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya na kung sakali mang naging mahinang klase ng babae si Lani Mercado naniniwala siyang hindi nito kakayanin ang lahat.


"Totoo yun, siyempre sa lahat ng mga pagsubok na dumaan sa buhay ko, sa dami ng mga tsismis na dumating, nandiyan pa rin siya, very supportive. Kung may bibigyan ako ng medalya, bibigyan ko ng medalya si Lani, lalagyan ko pa ng crown," pahayag ni Sen. Bong Revilla sa isang panayam sa kanya.


Naglabas rin ng reaksyon si Senator Bong Revilla sa naging pahayag noon ni Congresswoman Lani Mercado kung saan inilahad nito na hindi siya madaling maging asawa.


Ayon kay Senator Bong Revilla, talagang hindi madali ang maging asawa niya dahil sa dami ng kanyang mga pinagdadaanan na tila isang roller coaster ride. Kaya naman talagang mahirap na maging asawa siya dahil dito ay labis umano niyang hinahangaan ang paninindigan ng kanyang asawa.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagssabing na tila nagpapakamartyr na lamang si Lani Mercado dahil sa dami ng mga babaeng naiuugnay sa kanyang mister na si Bong Revilla.


Ayon kay Bong Revilla hindi naman naging martir ang kanyang asawa dahil naniniwala siyang ang pagiging martir ay pagmamahal na rin iyon.


Inilahad naman ni Sen. Bong Revilla na siguro hindi lamang mga masasamang katangian ang nakikita ng kanyang asawa sa kanya. Nakitaan rin umano siya nito ng magagandan katangian dahil nanatili sa kanyang tabi ang kanyang asawa.


Iginiit naman ni Sen. Bong Revilla na hindi man siya naging perpektong lalaki, isa naman siyang tunay na lalaki at hinding-hindi niya iiwan ang kanyang asawa.



Naniniwala rin umano si Sen. Bong Revilla sa kasabihang 'behind every successful man, there is a strong woman'.



Kylie Verzosa, Ayaw Maging Kaibigan ang Dating Boyfriend na si Jake Cuenca

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang aktres-beauty queen na si Kylie Verzosa patungkol sa pagkakaibigan ng mga dating magkakarelasyon.


Sa isang panayam sa beauty queen turned actress na si Kylie Versoza inilahad niya ang kanyang paniniwala na hindi maaring maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.


Sa kamakailang YouTube vlog ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na inilabas nitong Martes, April 9, 2024 makikita ang interview niya kay Kylie Verzosa.


Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap nakarating sila sa mga nagdaang relasyon ni Kylie Verzosa na nauwi sa masalimoot na paghihiwalay.


Naitanong ni Ogie Diaz kay Kylie Verzosa kung nag-end up ba sila ng kanyang mga naging ex-boyfriend bilang magkaibigan matapos ang paghihiwalay.


Dito na inamin ni Kylie Verzosa na hindi siya naniniwala na dapat maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.


Nilinaw naman ni Kylie Verzosa ang dahilankung bakit ayaw niyang maging kaibigan ang kanyang mga naging ex boyfriend.


Ayon kay Kylie Verzosa, bilang pagrespeto na rin ito sa kanilang mga susunod na magiging karelasyon.


Naniniwala rin si Kylie Verzosa na kapag nagtapos na ang isang relasyon ay magiging magkakilala na lamang sila at ng kanyang mga naging ex-boyfriend at hindi na sila maaring pang maging magkaibigan kahit pa nagtagal ng maraming taon ang kanilang pinagsamahan.


"Respeto rin sa bago mong partner at sa bago niyang partner. ko, you can be civil, pero iyong nakikipag-usap ka ng 'Hi, how are you? Kumusta ka na?' To me, medyo weird yun," pahayag ng aktres.


Sa kabilang banda, inihayag naman ni Kylie Verzosa na hindi naman niya sinasabing dapat na gayahin din siya ng ibang mga babae at hindi rin niya sinasabi na tama ang kanyang paniniwalang ito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagmula sa matagal na relasyon si Kylie Verzosa sa aktor na si Jake Cuenca.


Hayagan pa nilang inamin noon sa publiko ang pagsasama sa iisang bubong subalit biglang ginulat nila ang lahat nang lumabas ang balitang naghiwalay na sila.


Matatandaan na sa mga naunang panayam kay Kylie Verzosa ay inamin niyang hindi sila in-good terms ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca.


Sa kabilang banda, wala namang inilabas na dahilan noon sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca sa totoong dahilan ng kanilang relasyon.



Alden Richards, Nagsalita Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nag bigay na ang Asia's Multimedia Star at Kapuso star na si Alden Richards patungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng Multi-awarded Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ilang linggo na ring laman ng mga usap-usapan sa social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga kumakalat na larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung saan makikita ang mga sweet gestures ng aktor sa Kapamilya actress sa birthday celebration nito noong April 2, 2024.


Kabilang sa mga kumakalat ay ang video ng pagdating ni Alden Richards sa venue kung saan idinaos ang birthday party ni Kathryn Bernardo na inorganisa ng kanyang glam team.


Makikita sa video na may dalang malaking bouquet of Ecuadorian roses at regalo para sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Makikita naman sa reaksyon ni Kathryn Bernardo na hindi niya inasahan ang pagdating ni Alden Richards dahil sa kanyang pagkagulat. Kaagad naman niya itong nilapitan at tinanggap ang dala nito para sa kanya.


Bukod pa rito, kumakalat rin ang video kung saam makikita ang pagseselfie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Dito na napansin ng mga netizens ang closeness at sweetness ng dalawa sa harap ng mga kaibigan ng Kathryn Bernardo.


Marami naman sa mga fans ng dalawa ang kinilig at lalong sini-ship ang tambalang KathDen.


Samantala, sa isang panayam kay Alden Richards nitong April 10, 2024 sa 24 Oras, naitanong ng entertainment reporter na si Nelson Canlas sa aktor kung ano ang totoong relasyon ni Kathryn Bernardo.


Sinagot naman ito ni Alden Richards ng, 'what you see is what you gets'.


Iginiit din ni Alden Richards na hindi niya kailangang ipaliwanag ang relasyon nila ng aktres dahil kung ano ang nakikita ng iba sa kanila sa social media ay ganoon din naman sila sa personal.


Ang tanging sinigurado ni Alden Richards ay masaya siya ngayong nakikita niyang masaya si Kathryn Bernardo.


Bukod pa rito, naniniwala rin si Alden Richards na hindi na kailangang ipamalita sa social media ang nangyayari sa personal nilang mga buhay ni Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, may mga fans naman na naniniwalang totoong nagkakamabutihan na ang dalawa ngayong pareho na silang single.




It's Showtime, Hanggang December 2024 Lang Sa GMA Network

Walang komento

Miyerkules, Abril 10, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilan mga social media platforms ang isyung hanggang sa December 2024 lamang ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA7.


Sa kamakailang episode ng programa ng kilalang showbiz insider na Cristy Fermin isiniwalat nitong hanggang sa December 2024 lamang umano ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA7.


Ayon kay Cristy Fermin, mahigit walong buwan lamang ang ibinigay ng GMA7 sa It's Showtime. Bukod pa rito, maari rin umanong basta na lamang na i-terminate ng GMA7 ang kanilang kontrata sa It's Showtime sakaling may nalabag ito sa mga kondisyon nila kagaya na lamang ng pagbibitiw ng mga malalaswang jokes.


Kailangan din umano nitong ma-maintain ang mataas na ratings ng kanilang show laban sa katapat nilang show na Eat Bulaga.


Hinala ni Cristy Fermin na kung sakaling hindi ma-maintain ng It's Showtime ang pagtaas ng kanilang ratings ay tiyak umano na tatanggalin sila sa GMA7.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala kay Cristy Fermin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay ayaw na nito kay Vice Ganda.


Ilang beses na rin niya itong binanatan sa kanyang mga programa, hindi rin naman lugi si Vice Ganda dahil kaagad rin naman itong binubweltahan ni Vice Ganda.


Samantala, sa unang episode ng It's Showtime sa GMA7 ay pinatunayan nilang kaya nilang pataobin ang hinirang bilang longest running noontime show na Eat Bulaga ng TVJ.


Sa ngayon ay hindi naman umano nabo-bothered ang Eat Bulaga kahit pa mas mataas sa kanilang ratings ang nakuha ng It's Showtime, dahil expected naman umano na mas mataas talaga ito dahil sa dami ng channel kung saan ipinapalabas ang show.


Marami rin umano ang na-curious sa pagpasok ng show sa GMA7 kaya marami ang nanonood.




Eat Bulaga Ginaya Ang Expecially for You Ng It's Showtime

Walang komento


 Una nang inihayag ng Eat Bulaga na hindi sila bothered at chill lamang umano sila sa paglipat ng Kapamilya noontime show na It's Showtime sa main channel ng GMA Network kung saan dati silang umiere noong under pa ng TAPE Incorporated ang kanilang noontime show na Eat Bulaga.


Pinabulaanan din ng isang insider ng TV5 ang kumakalat na isyu sa umano'y pagpapatawag ng emergency meeting ng Eat Bulaga dahil dalawang buwan nang negative ang earnings ng kanilang show.


Hindi rin umano nagpapanic ngayon ang production ng Eat Bulaga sa tapatan nila ng It's Showtime sa katunayan ay taped episode ng Eat Bulaga ang inilabas nila nitong lunes at martes.


Dagdag pa nito, hindi na nangamngamba ang TVJ sa mataas na ratings ng It's Showtime dahil may mga audience rin naman sila at may napatunayan na ang kanilang show bilang longest running TV show.


Hindi rin umano posible na maging negatibo ang earnings ng Eat Bulaga dahil puno naman ang kanilang commercial loads.


Masaya pa rin naman umano ang Eat Bulaga sa mga nakukuha nilang ratings ngayon dahil noong nasa TV5 pa ang It's Showtime ay nasa 2% lang naman ang kanilang ratings.


Bukod pa rito, iginiit pa nila na talagang tataas ang ratings ng It's Showtime dahil umiere ang kanilang show sa limang channel habang ang Eat Bulaga ay umiere lamang sa dalawang channel.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ng Eat Bulaga ang hindi nagustuhan ang panibagong segment ng Eat Bulaga na That's My Boyfriend na ni-launch nito lamang myerkules.


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing panibagong segment ng show dahil marami ang naboboringan rito at hindi naman umano nakakaaliw na panoorin.


Ayon pa sa ilang mga fans, mas maganda umano na ibalik na lamang nila ang kanilang segment na That's My Boy at Little Miss Philippines.


Gayunpaman, marami ang nagsasabi na tila ito na ang ipapantapat ng Eat Bulaga sa pinag-uusapang Expecially For You segment ng It's Showtime.



Vice Ganda, Pinaringgan Ba Si Carmina Tungkol Kina Kyline at Darren Sa "We Are Family"

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagiging guest ni Kyline Alcantara sa noontime show na It's Showtime.


Mas umingay ang pagbisitang ito ni Kyline Alcantara sa It's Showtime dahil sa pangangantyaw ng mga It's Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda kina Kyline Alcantara at Darren Espanto dahil napansin nila ang mga fans ng dalawa na ishini-ship ang kanilang loveteam.


Samantala, marami naman ang nakapansin sa tila may kahulugan ang mga palitan ng pahayag nina Kyline Alcantara at Darren Espanto nang matanong ng mga host kung bakit nakatingin si Darren Espanto kay Kyline Alcantara.


Ayon naman kay Vice Ganda, pareho naman sina Darren Espanto at Kyline Alcantara na mga performer at singer bakit hindi na lang umano sila kumanta ng We Are Family.


Kaagad namang naintindihan ng mga netizens kung bakit 'We Are Family' ang dapat na kantahin nina Kyline Alcantara at Darren Espanto.


Ayon sa ilang mga netizens, na kaya 'We Are Family' dahil may ugnayan sina Darren Espanto at Kyline Alcantara dahil kilala silang malapit sa kambal ng mga Legaspi.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging magkarelasyon noon sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Kamakailan lamang sila naghiwalay.


Samantalang, sina Darren Espanto at Cassy Legaspi ay ilang beses ring naiugnay sa isa't-isa, subalit sa nakaraang episode ng It's Showtime iginiit ni Darren na kailanman ay walang namagitan sa kanila ni Cassy Legaspi hanggang mag-bestfriend lamang umano silang dalawa.


Marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwalang hanggang magkaibigan lamang ang dalawa dahil ilang beses rin silang nakitang magkasama sa mga bakasyon at nagpapalitan pa ng mga sweet messages sa isa't-isa.


Bukod pa rito, sa kamakailang post ni Carmina Villaroel ay nag-flex siya ng larawan nilang magpamilya.


"My mind is still in 🇯🇵 Happy memories with my family," caption ni Carmina Villaroel.



Carmina Villaroel, Cassy Legaspi Nag-React Sa Sinabi Ni Darren Na Single Siya at Mag Bestfriend Lang Sila!

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang naging pagtanggi ni Darren Espanto sa naging relasyon nila ni Cassy Legaspi.


Matatandaan na hayagang isiniwalat ni Darren Espanto ang pagiging single ngayon, maging sa mga panayam sa kanya ay palagi niyang tinatanggi na naging magkarelasyon sila noon ni Cassy Legaspi dahil hanggang sa pagkakaibigan lamang umano sila.


Kaagad na nakuha ni Carmina Villaroel ang atensyon ng mga netizen matapos ang pagbabahagi niya ng cryptic post sa kanyang Instagram page ilang oras matapos magkuwento ang Kapamilya actor na si Darren Espanto tungkol sa relasyon nila ni Cassy Legaspi.


Sa Instagram post ni Carmina Villaroel, ibinahagi niya ang larawan na may text na nagsasabing “Don’t expect the same in return."


Mabilis naman na iniugnay ng ilang netizens ang post na ginawa ni Carmina Villaroel sa panayam ni Darren Espanto.


Kaagad naman itong umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens kung saan marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pagiging pakialamera ni Carmina Villaroel sa mga isyu ng kanyang mga anak.


May mga nagsasabi pa na sana ay hayaan na lamang ni Carmina ang kanyang mga anak na umayos sa kani-kanilang mga problema lalo na sa usapin patungkol sa pag-ibig.


Sa kabilang banda, maging si Cassy Legaspi ay naglabas rin ng hinanakit sa mga isiniwalat ni Darren Espanto.  Nagbahagi rin si Cassy Legaspi ng isang kanta patungkol sa isang toxic boyfriend.


Hinala ng maraming mga netizens na ito rin ang kanyang sagot sa mga naging pahayag ni Darren Espanto. 


Sa ngayon ay hinihintay ng mga netizens na sumagot si Darren sa cryptic post nina Cassy Legaspi at Carmina Villaroel.


Matatandaan na unang nagkakilala sina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa ASAP Natin ‘To noong 2015 at naging matalik na magkaibigan mula noon.


Nagsimulang kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanilang relasyon noong 2022 nang magsimula silang magpalitan ng matatamis na mensahe nang magkasama.



Kim Chiu Umatras Pala Sa Pagsalang Sa Expecially for You Dahil Dito!

Walang komento


 Medyo nadismaya ang mga netizens at ilang mga Madlang Pipol noong nakaraang April 6, 2024 sa pilot episode ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso network dahil hindi si Kim Chiu ang sumalang sa kanilang segment na Expecially For You.


Marami sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang umaasang sasalang sa unang episode ng Expecially For You sa GMA7 ang dalawa dahil tiyak na magiging mas masaya ang nasabing segment kung sakaling si Kim Chiu ang sumalang bilang contestant.


Subalit, nabigo ang mga fans dahil si Michelle Dee ang sumalang bilang searcher at wala rrin si Paulo Avelino sa tatlong searchee na pagpipilian.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, talagang si Kim Chiu ang nakatakdang sumalang bilang 'searcher' sa episode na iyon ng Expecially For You.


Subalit, bigla na lamang itong umatras na ikinataranta ng mga staffs ng It's Showtime sa biglaang pag-ayaw ni Kim Chiu dahil kinailangan nilang maghanap ng ipapalit kay Kim Chiu.


Gayunpaman, hindi naman umano nagalit kay Kim Chiu ang mga staff ng show dahil naiintindihan nila ang pagdadalawang isip ni Kim Chiu.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon talagang hindi kasama sa mga searchee si Paulo Avelino.


Hindi naman nila isiniwalat ang totoong rason kung bakit hindi sumalang si Kim Chiu sa Expecially For You, subalit naniniwala ang maraming mga netizens na may kinalaman ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya umatras si Kim Chiu.


Nasa kasagsagan kasi ngayon ng kasikatan ng KimPau loveteam kaya naman naiintindihan ng mga staffs at madlang pipol ang pagtanggi at pag-atras ni Kim Chiu bilang 'searcher' ng Expecially For You.



Concert Ni Janella Salvador Di Na Tuloy, May Patutsada Ulit Kay Kim Chiu?

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform ang pagkaka-reschedule ng concert ng actress-singer na Janella Salvador na pinamagatang 'Janella Reimagined' matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa aktres na si Kim Chiu.


Ikinagulat ng maraming fans ng aktres na si Janella Salvador ang inilabas na pahayag ng Star Magic at Star Music patungkol sa pagkaka-postpone ng concert ni Janella Salvador na nakatakda nang maganap sa darating na April 19, 2024.


Ayon sa ibinahaging pahayag ng management ni Janella Salvador, "Due to unforeseen circumstances, we would like to announce that Janella Salvador's concert originally scheduled for April 19, 2024 at the New Frontier Theater will be postponed. Ticket holders are encouraged to keep their ticket for the rescheduled date or seek refunds through Ticketnet. We apologize for any inconvenience and appreciate your understanding."


Marami naman sa mga fans ni Janella Salvador ang nalulungkot sa pagkakapostpone ng concert ni Janella kung saan ipagdiriwang din ng aktres ang kanyang ika-sampung anibersyaryo ni Janella Salvador sa showbiz.


Matapos ang anunsyo ng Star Magic, kaagad na nag-tweet si Janella kung saan inunahan na niya ang mga netizens sa pagbabatikos sa kanya dahil sa pagkakakansela ng kanyang concert. Ginamit pa niya ang mga katagang, 'paos kasi siya, kayo nalang'.


Sa kasunod na tweet naging seryoso na si Janella Salvador at humingi na siya ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga sa pagkakapostpone ng kanyang concert.


"On a serious note, I apologize and am so thankful to all those who have been looking forward to my concert. I'm genuinely excited for this and would love to be even more prepared for the day it finally pushes through. More details to be announced soon and looking forward to still seeing everyone."


Marami naman sa fans ni Janella ang nag-alala dahil hindi naman umano basta-basta na lamang na ipostpone ang concert kung walang mabigat na dahilan.


Napapatanong tuloy ang ilang mga netizens kung may kinalaman pa sa personal na buhay ni Janella ang pagkaka-postponed ng kanyang concert. 




Pamamahiya Ni Darren Espanto Kay Cassy Legaspi Matapos Nyang I-Deny Ang Relasyon Nila!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pamamahiya umano ng singer-host na si Darren Espanto sa babaeng anak ng batikang aktres na si Carmina Villaroel nang isiwalat ni Darren Espanto na walang kahit anong namamagitan sa kanila ni Cassy Legaspi.


Tuluyan nang tinuldukan ng It's Showtime host at singer na si Darren Espanto ang mga usap-usapan patungkol sa relasyon nila ni Cassy Legaspi.


Muling naging laman ng mga usap-usapan ang nakaraan nina Cassy Legaspi at Darren Espanto nang usisahin ni Vice Ganda si Darren patungkol sa kanyang relationship status noong April 6, 2024 sa unang episode ng It's Showtime sa GMA7.


Marami kasi sa mga madlang pipol ang ipinareha si Darren Espanto sa Kapuso guest host noon na si Jillian Ward.


Nakitaan kasi nina Vice Ganda at ng mga madlang pipol ang dalawa ng malakas na chemistry on stage. Kaya naman tila siniguro na ni Vice Ganda na walang masasaktan sakaling magkatambal ang dalawa o kung magkakamabutihan na ang dalawa.


Maging si Jillian Ward ay tinanong rin ni Vice Ganda kung may karelasyon na ba kung saan kaagad na sumagot ang aktres na wala at single siya ngayon.


Iginiit rin ni Darren Espanto na wala rin siyang karelasyon sa ngayon. Sa pag-amin na ito ni Darren, tila tinuldukan na rin niya ang mga usap-usapan patungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Cassy Legaspi.


Hindi naman na bago ang pagkakalink ng dalawa dahil ilang beses na rin silang namamataan na magkasama at napakalapit nila sa isa't-isa.


Madalas din silang magbahagi ng mga larawan na magkasama at ilang beses na rin silang nagpalitan ng mga sweet messages sa social media.


Bagama't hindi naman nila hayagang inaamin ang kanilang relasyon, marami naman ang naghinalang nagkakamabutihan na mga ito kung pagbabasehan ang kanilang mga ipinapakita online.


Sa isang panayam, kay Darren inamin niyang nakukulitan na siya sa mga taong pinipilit na mayroon silang relasyon ni Cassy Legaspi kahit ang totoo ay wala naman talaga dahil malapit lamang sila na magkaibigan.


Binigyan-diin din niya na kailanman ay hindi mauuwi sa isang romantic relationship ang kanilang pagkakaibigan ni Cassy Legaspi.


Sa kabilang banda, naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang ibinahaging post ni Cassy Legaspi na hinala ng marami na patama niya kay Darren Espanto.


Sa kanyang Facebook post, nag-post si Cassy ng kanta ng international pop singer na si Olivia Rodrigo tungkol sa isang toxic ex-boyfriend.


Ang kanta ay tungkol din sa isang babae na pumayag na tratuhin ng masama para lang makasama ang kanyang kasintahan.


Hinala ng mga netizens na nasaktan si Cassy Legaspi sa pagtanggi ni Darren Espanto sa kanya.




Karylle Ikinuwento Ang Naganap Backstage Ng Tanggihan Ni Janella Salvador Si Kim Chiu Na Mag-Sample!

Walang komento


 Isa sa It's Showtime host na si Karylle idinitalye ang totoong nangyari sa dressing room ng It's Showtime noong bumisita si Janella Salvador kasama ang Thai-actor na si Wen Metawin para i-promote ang kanilang pelikula na Under Parallel Skies.


Detalyadong kinwento ni Karylle ang totoong naganap noong April 2, 2024 sa dressing room ng It's Showtime matapos ang live appearance nina Janella Salvador at Wen Metawin para  i-promote ang pinagsamahan pelikula at para na rin i-promote ang kanyang concert at ang kanyang panibagong kanta.


Matatandaan na umani ng pambabatikos si Janella Salvador matapos ang hayagan niyang pagtanggi kay Kim Chiu nang magrequest ito ng sample sa bagong song ni Janella Salvador.


Sa kamakailang episode ng programa ni DJ MO Twisters, kung saan nakapanayam niya si Karylle, naitanong niya sa host-singer kung ano ang reaksyon niya sa ginawang pagtanggi ni Janella sa kahilingan ni Kim Chiu.


Marami sa mga fans ni Kim Chiu ang bumatikos kay Janella Salvador dahil sa pambabatos umano ng aktres-singer sa kanilang idolo na si Kim Chiu. Bukod kasi sa hindi pa tapos si Kim Chiu sa kanyang sinabi ay padarang umano ang paraan ni Janella sa kanyang pagsasalita.


Samantala, bilang naroon sa insidente, nagbigay ng pahayag si Karylle kung saan ikinuwento niya ang totoong nangyari bago at matapos ang insidente at kung bakit nakapagsalita ng ganoon si Janella Salvador sa live.


Ayon kay Karylle, bago pa man sumalang sa live si Janella Salvador ay nagkakabiruan na sila nina Anne Curtis at Kim Chiu. Kumakanta pa umano sina Anne Curtis at Kim Chiu sa backstage kaya naman ang ibig sabihin ni Janella sa sinabi niyang 'kayo na lang' ay sina Kim Chiu at Anne Curtis na lamang ang kumanta dahil pareho naman itong magaling.


Ipinaliwanag din ni Karylle ang tila pasaring umano ni Vice Ganda kay Janella Salvador sa later segment ng Expecially For You kung saan nabanggit ni Vice Ganda ang pagiging paos.


Ayon kay Karylle, late na nang dumating sa studio si Vice Ganda kaya naman hindi nito naabutan ang pagkanta nina Kim Chiu at Anne Curtis sa dressing room. Kaya naman tila hindi alam ni Vice Ganda ang ibig sabihin ng sinabi ni Janella Salvador at na-offend rin sa pangyayari.


Naniniwala naman si Karylle na kaya naging malaking isyu ang ginawang pagtanggi ni  Janella Salvador sa pagsample sa It's Showtime dahil na rin nasanay na ang madlang pipol na pinagbibigyan ng mga guest ang mga request na sample.


Subalit, hindi naman umano maaring sisihin si Janella Salvador sa kanyang pagtanggi dahil valid naman ang rason nito na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.



Kyline Alcantara at Darren Espanto May Parinig Kay Carmina Sa Showtime Live

Walang komento


 Iniintriga ngayon sina Kyline Alcantara at Darren Espanto ng ilang mga madlang Kapuso at mga netizens matapos magtrending ang tila  parinig nila sa actress na si Carmina Villaroel sa guesting ni Kyline Alcantara sa It's Showtime.


Marami sa mga netizens at mga Madlang Kapuso ang nakapansin na tila naging malaman umano ang mga pagbibiro nina Darren Espanto at Kyline Alcantara na tila parinig umano ng mga ito sa ina nina Cassy at Mavy Legaspi na si Carmina Villaroel.


Matatandaan, na si Carmina Villaroel ang itinuturong isa sa mga dahilan kung bakit tuluyang nagkahiwalay noon sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Sa pagkakaisa nina Darren Espanto at Kyline Alcantara naghinala ang mga netizens na may kinalaman rin si Carmina Villaroel kaya hindi nagtagal ang relasyon nina Cassy Legaspi at Darren Espanto.


Tila nagkaisa sina Darren Espanto at Kyline Alcantara sa kamakailang episode ng It's Showtime. Kapansin-pansin umano sa mga tinginan ng dalawa at maging sa ilang pahayag na hinalang may mas malalim pa na kahulugan na iniuugnay naman ng maraming mga netizens kay Carmina Villaroel.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing episode ng It's Showtime.


Marami ang nagsasabing talagang may kinalaman si Carmina Villaroel sa mga nangyayari sa buhay pag-ibig ng kanyang mga anak dahil sa makahulugang tinginan nina Kyline Alcantara at Darren Espanto na parehong naiuugnay sa mga anak ni Carmina Villaroel.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo