Kim Chiu, Si Paulo Avelino Nga Ba Ang Tinutukoy Sa Kanyang Naging Sagot

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Inilahad ng Kapamilya TV-host, actress na si Kim Chiu ang kanyang mga nagugustuhan niya sa mga lalaki ngayon. Mas gusto umano ngayon ng aktres ang lalaking, iyong tahimik lang.


Tila nadulas na naman ang aktres na si Kim Chiu sa naging katanungan sa kanya ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment Expecially For You sa It's Showtime.


Kamakailan ay naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa isang segment nila sa It's Showtime kung ano ang gusto nito na katangian ng isang lalaki. Pinapili ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang gusto niya sa isang lalaki ngayon iyong maligalig o iyong tahimik lang.


Medyo napaisip pa si Kim Chiu sa katanungan na ito ni Vice Ganda, hanggang sa sinabi na nitong total ay maingay naman siya ang pipiliin niya ngayon ay iyong tahimik lang.


Kaagad namang naghinala ang mga solid KimPau fans na ang tinutukoy ni Kim Chiu na lalaki sa pagsasabing iyong tahimik lang ang kanyang gusto ay walang iba kundi si Paulo Avelino.


Hindi naman kasi umano lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga katangian ni Paulo Avelino ang pagiging tahimik.


Kabaliktaran naman ito sa personality ni Kim Chiu na madaldal at masayahin. Subalit, magmula nang nagkasama sa iisang trabaho ang dalawa ay tila nahahawaan na umano ni Kim Chiu sa pagiging madaldal si Paulo Avelino.


Samantala, aminado naman si Paulo Avelino na talagang napapasaya siya ngayon ng kanyang leading lady na si Kim Chiu.


Sa ngayon ay maraming napapatanong sa totoong estado ng relasyon ni Kim Chiu at Paulo Avelino dahil napapansin ng maraming mga netizens na tila may naiiba na sa kanilang mga tinginan at pagiging malapit sa isa't-isa.


Subalit, ang mas makabuti sa ngayon ay hintayin na lamang ang pag-amin nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang relasyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo