Vice Ganda Pinaringgan Si Carmina Villaroel Dahil Sa Ginawa Kay Darren Espanto

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Talagang hindi magpapakabog ang kilalang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa kanya at maging sa mga kasamahan niya sa It's Showtime.


Kamakailan lamang ay nagbigay ng malaman na pahayag si Vice Ganda nang ipakanta niya kina Darren Espanto at Kyline Alcantara ang kantang 'We Are Family'.


Marami sa mga netizens ang naghinala na parinig ito ni Vice Ganda sa ina ng babaeng iniuugnay kay Darren Espanto na si Cassy Legaspi at sa dating boyfriend ni Kyline Alcantara na walang iba kundi si Carmina Villaroel.


Kamakailan lamang ay ipin-lex ni Carmina Villaroel ang kanyang pamilya. Sa caption ng kanyang post, may nakasulat rin doong 'We Are Family'.


Kung pagbabasehan naman ang mga naging ugnayan nina Kyline Alcantara at Darren Espanto ay muntikan na rin naman silang mapabilang sa sinasabing family ni Carmina Villaroel.


Sa kabilang banda, tila binasag naman ni Darren Espanto ang bubbles ng ilang mga netizens at fans na naniniwalang naging sila ni Cassy Legaspi dahil hayagan niyang inanunsyo on live television na hindi naman naging sila ni Cassy Legaspi at hanggang magkaibigan lamang umano silang dalawa.


Marami man ang hindi naniniwala sa pagsisiwalat na ito ng singer-host dahil kung pagbabasehan ang kanilang mga palitan ng mensahe noon ni Cassy Legaspi at ang mga panahon na nakikita silang magkasama ay tiyak na makikitang higit pa sa magkaibigan ang kanilang naging ugnayan.


Subalit, malaking insulto umano ito kay Cassy Legaspi dahil sa lantarang pagdeny ni Darren Espanto sa kanya.


Hinala naman ng ilang mga netizens na may alam si Vice Ganda sa real score nina Darren Espanto at Cassy Legaspi kaya naman nakakapagbitaw ito ng ganoong klaseng biro, hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang hindi tumitiklop si Vice Ganda kapag tila nadedehado na ang kanyang mga kasamahan at kaibigan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo