Alden Richards, Nagsalita Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Nag bigay na ang Asia's Multimedia Star at Kapuso star na si Alden Richards patungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng Multi-awarded Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ilang linggo na ring laman ng mga usap-usapan sa social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga kumakalat na larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung saan makikita ang mga sweet gestures ng aktor sa Kapamilya actress sa birthday celebration nito noong April 2, 2024.


Kabilang sa mga kumakalat ay ang video ng pagdating ni Alden Richards sa venue kung saan idinaos ang birthday party ni Kathryn Bernardo na inorganisa ng kanyang glam team.


Makikita sa video na may dalang malaking bouquet of Ecuadorian roses at regalo para sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Makikita naman sa reaksyon ni Kathryn Bernardo na hindi niya inasahan ang pagdating ni Alden Richards dahil sa kanyang pagkagulat. Kaagad naman niya itong nilapitan at tinanggap ang dala nito para sa kanya.


Bukod pa rito, kumakalat rin ang video kung saam makikita ang pagseselfie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Dito na napansin ng mga netizens ang closeness at sweetness ng dalawa sa harap ng mga kaibigan ng Kathryn Bernardo.


Marami naman sa mga fans ng dalawa ang kinilig at lalong sini-ship ang tambalang KathDen.


Samantala, sa isang panayam kay Alden Richards nitong April 10, 2024 sa 24 Oras, naitanong ng entertainment reporter na si Nelson Canlas sa aktor kung ano ang totoong relasyon ni Kathryn Bernardo.


Sinagot naman ito ni Alden Richards ng, 'what you see is what you gets'.


Iginiit din ni Alden Richards na hindi niya kailangang ipaliwanag ang relasyon nila ng aktres dahil kung ano ang nakikita ng iba sa kanila sa social media ay ganoon din naman sila sa personal.


Ang tanging sinigurado ni Alden Richards ay masaya siya ngayong nakikita niyang masaya si Kathryn Bernardo.


Bukod pa rito, naniniwala rin si Alden Richards na hindi na kailangang ipamalita sa social media ang nangyayari sa personal nilang mga buhay ni Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, may mga fans naman na naniniwalang totoong nagkakamabutihan na ang dalawa ngayong pareho na silang single.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo