Alden Richards Umamin Na Sa Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo, Sinupalpal Ng Netizens!

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ang naging sagot ng Multimedia Star na si Alden Richards sa mga katanungan sa kanya patungkol sa totoong relasyon nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Ilang araw ring laman ng mga usap-usapan sa social media ang mga kumakalat na larawan at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kuha mula sa post birthday celebration ng aktres noong nakaraang April 2, 2024.


Dahil sa mga kumakalat na larawan at photos kung saan makikitang very close na sila at sweet sa isa't-isa, hindi maiiwasan ng maraming mga fans na mapatanong kung ano ang real score na namamagitan sa kanilang dalawa.


Kaya naman sa isang panayam, hindi na pinalampas ng showbiz reporter na tanungin si Alden Richards kung ano totoong namamagitan sa kanila ngayon ng aktres na naging leading lady niya sa high grossing film na Hello, Love, Goodbye.


Ayon kay Alden Richards, kung ano ang nakikita sa kanila ng mga netizens at mga tao ay iyon na ang kanilang relasyon. Iginiit pa ni Alden Richards na hindi naman kailangang ipamalita sa social media ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Kathryn Bernardo.


Inilahad pa ni Alden Richards na kung ano man ang nakikita ng mga tao sa kanila sa social media ay ganoon din sila sa personal na buhay.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nagbubunyi dahil nalalapit nang maisakatuparan ang hinihiling nila na magkakamabutihan ang kanilang mga idolo lalo na ngaynong wala na umanong humahadlang sa kanilang dalawa.


Subalit, hindi pa rin naiwasang may mga netizens na batikusin ang naging pahayag ni Alden Richards dahil marami ang nagsasabing ginamit na rin ni Alden Richards ang naging pahayag niyang ito ngayon sa mga sagot niya ng matanong siya sa totoong kaugnayan nila ni Maine Mendoza noon.


Hinala naman ng ilang mga fans na tila ginagamit lang din ngayon ni Alden Richards si Kathryn Bernardo dahil maugong ang pangalan nito dahil sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo