Cathy Garcia-Sampana, Nilinaw Ang Isyung Pagpigil Ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang Direktor na si Direk Cathy Garcia-Sampana patungkol sa matagal nang bulung-bulungan na totoong dahilan ng hindi pagkakatuloy sa part 2 ng highest grossing film ng Pilipinas sa loob ng maraming taon na Hello, Love, Goodbye.


Sa kamakailang panayam kay Derik Cathy Garcia-Sampana, hayagang naitanong sa kanyang ang hindi pagkakaroon ng part 2 ng hit movie na Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan  nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Hayagan ring naitanong sa Direktor kung may katotohanan nga ba ang mga bali-balita noon na kaya hindi matulu-tuloy ang part two ng pelikulang Hello, Love, Goodbye ay dahil sa hindi pagpayag ng aktor na si Daniel Padilla na dating ka-loveteam at boyfriend ng aktres dahil nagseselos ito sa leading man na si Daniel Padilla.


Kaagad naman itong nilinaw ni Direk Cathy Garcia-Sampana at inihayag ang totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang part two ng Hello, Love, Goodbye.


Ayon kay Direk Cathy, totoong may mga usapan na noon na gawang ng sequel ang Hello, Love, Goodbye.


Hindi umano ito natuloy dahil sa maraming mga bagay, hindi naman umano si Daniel Padilla ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng pelikula.


Kabilang na umano sa naging dahilan ay ang paglaganap ng pandemya at marami pang iba.


Iginiit naman ni Direk Cathy Garcia-Sampana na hindi naman maaring pigilan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa paggawa ng pelikula dahil may sariling isip naman umano si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na naging laman ng usap-usapan noon sa social media ang isyung pinipigilan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na makipag-partner sa ibang mga artista dahil sa pagiging conservative nito. Subalit, naniniwala ang ilang mga fans na insecure lamang umano si Daniel Padilla kay Alden Richards kaya pinigil nito si Kathryn.


Gayunpaman sa pagbibigay ng pahayag ni Direk Cathy Garcia-Sampana, hiling ng maraming mga fans na sana ay tigilan na ng mga bashers si Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo