Teddy Corpuz, May Mensahe sa Mga Bitter Sa Paglipat Nila Sa GMA7

Huwebes, Abril 11, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng isang social media post ang It's Showtime host na si Teddy Corpuz laban sa mga naging bitter sa paglipat nila sa panibagong tahanan, sa main channel ng Kapuso Network.


Sa kanyang Twitter account, kinausap ni Teddy Corpuz ang kanyang mga follower na dapat ay magbigay ng kapatawaran sa mga taong nagkasala sa kanila matapos ang ilang taon.


Inilahad din ni Teddy Corpuz, mas mabuting magpatawad para na rin sa sariling peace of mind. Hiniling din niya sa kanyang mga followers na hindi maganda na ikumpara ang sarili sa ibang mga tao.


“Learn to forgive. Mas magaan sa pakiramdam, puso, at sa konsensiya. Focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo at huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba. Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter. Forgive par! Love! Love!” tweet ni Teddy Corpuz.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang iniuugnay ang tweet na ito ni Teddy Corpuz sa naging pasaring sa kanila noon ni Janus Del Prado matapos nilang lumipat sa GMA7.


Tinawag pa ni Janus Del Prado na mga hypocrites ang It's Showtime hosts sa mga pinagsasabi ng mga ito noong lumipat ang karamihan ng mga ABS-CBN stars sa ibang mga networks noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.


“Yung mga bumabatikos sa mga lumipat dati, nagsilipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?” unang post ni Janus Del Prado.


“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo,” dagdag pa nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo