It's Showtime, Hanggang December 2024 Lang Sa GMA Network

Miyerkules, Abril 10, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilan mga social media platforms ang isyung hanggang sa December 2024 lamang ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA7.


Sa kamakailang episode ng programa ng kilalang showbiz insider na Cristy Fermin isiniwalat nitong hanggang sa December 2024 lamang umano ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA7.


Ayon kay Cristy Fermin, mahigit walong buwan lamang ang ibinigay ng GMA7 sa It's Showtime. Bukod pa rito, maari rin umanong basta na lamang na i-terminate ng GMA7 ang kanilang kontrata sa It's Showtime sakaling may nalabag ito sa mga kondisyon nila kagaya na lamang ng pagbibitiw ng mga malalaswang jokes.


Kailangan din umano nitong ma-maintain ang mataas na ratings ng kanilang show laban sa katapat nilang show na Eat Bulaga.


Hinala ni Cristy Fermin na kung sakaling hindi ma-maintain ng It's Showtime ang pagtaas ng kanilang ratings ay tiyak umano na tatanggalin sila sa GMA7.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala kay Cristy Fermin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay ayaw na nito kay Vice Ganda.


Ilang beses na rin niya itong binanatan sa kanyang mga programa, hindi rin naman lugi si Vice Ganda dahil kaagad rin naman itong binubweltahan ni Vice Ganda.


Samantala, sa unang episode ng It's Showtime sa GMA7 ay pinatunayan nilang kaya nilang pataobin ang hinirang bilang longest running noontime show na Eat Bulaga ng TVJ.


Sa ngayon ay hindi naman umano nabo-bothered ang Eat Bulaga kahit pa mas mataas sa kanilang ratings ang nakuha ng It's Showtime, dahil expected naman umano na mas mataas talaga ito dahil sa dami ng channel kung saan ipinapalabas ang show.


Marami rin umano ang na-curious sa pagpasok ng show sa GMA7 kaya marami ang nanonood.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo