Dating Showtime Host Nasulot, Co-Host Ni Willie Revillame Ipinakilala Na

Huwebes, Mayo 16, 2024

/ by Lovely


 Ipinakilala na sa publiko ang unang tatlong 'Win Girls' na makakasama ni Willie Revillame bilang co-hosts sa kanyang show na eere muli sa TV5.


Ang magiging co-hosts ni Willie Revillame ay sina Queenay Mercado isang Batanguena TikTok influencer, Inday Fatima Kate Bisan dating beauty queen at social media personality, at ang singer-TV host na si Ana Ramsey na naging co-host sa online version ng It's Showtime.


Samantala, bukod sa mga nabanggit, mayroon pang dalawang co-host na idaragdag sa kanilang line up. Gayunpaman, hindi pa sila nagbibigay ng clue kung sino-sino ang mga ito.


Subalit, siniguro nila na magigng pasabog ang host na makakasama nila dahil hindi umano aasahan ng maraming mga netizens.


Sa kabilang banda, kinumpirma na nina Queenay at Inday Fatima sa kani-kanilang mga social media post ang pagiging co-host nila sa show ni Willie Revillame.


Malaki ang pasasalamat nila na nabigyan sila ng pagkakataon na mapabilang sa show ni Willie Revillame.


Samantala, ikinagulat naman ng maraming mga netizens ang pagpayag ni Ana Ramsey na maging host ng show ni Willie Revillame dahil sa pagiging host nito sa Showtime Online U.


Agad itong umani ng mga komento at reaksyon mula sa mga netizens, marami ang nagpapaabot ng good luck para sa kanyang panibagong journey, may mga nagsasabing sana raw ay hindi nito pagsisihan ang paglayas sa It’s Showtime at paglipat sa TV5. 


Nagtataka rin ang mga madlang pipol kung bakit pinakawalan ni Ana Ramsey ang pagiging host ng Showtime Online U na may malaking potensyal daw sa larangan ng hosting.


Sa ngayon ay hindi pa pormal na inanunsyo kung kailan mapapanood ang show ni Willie Revillame sa TV5.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo