Lolit Solis Hindi Makapaniwalang Mawawala Na Ang Eat Bulaga

Walang komento

Biyernes, Hunyo 2, 2023


 Nagbigay na ng reaksyon ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa napapabalitang maaring tuluyan nang mawala ang longest running show na Eat Bulaga.


Matatandaan na nitong May 31, 2023, ipinahayag ng TVJ ang kanilang pagkalas sa pamumuno ng Tape Inc. Kasunod nito nagresign na rin ang iba pang hosts at staff ng show.


Naglabas na rin ng pahayag ang TAPE Inc. sa pagalis ng TVJ at ipinahayag ang kanilang kalungkutan. Gayunpaman, kinailangan umano nilang magmove on ay mag move forward. 


Ayon sa pahayag ng TAPE Inc., maari ring magkaroon ng bagong hosts at panibagong segments ang Eat Bulaga sa pag-alis ng mga original hosts nito sa pangunguna nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


“Parang nakakatamad ang araw Salve. Kasi nga hindi mo alam magiging takbo ng araw mo dahil bigla kung minsan nababago mga plano. Hindi mo ma imagine na mawawala ang Eat Bulaga at lilipat ito ng ibang network after being in GMA7 ng ilang siglo,” saad ni Manay Lolit Solis.


Tila hindi na rin umano nito maiimagine ang tanghalian na hindi nakikita sa GMA7 ang Eat Bulaga sa pangunguna ng TVJ.


“Hindi mo ma imagine ang mawawala o hindi mo mapapanuod ang TVJ sa TV. Lumaki tayo at nagdaan mga taon na nandiyan ang EAT Bulaga. Mula pa nuon part na ng tanghalian natin sila Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto. So parang may kulang pag wala sila diyan,” dagdag pa ni Lolit Solis.


“Kahit ano pa sabihin o mangyari, Tito, Vic and Joey will always be a part of us. Kasama na sila sa history ng showbiz, kasabay na sila sa buhay natin, kaya kahit ano mangyari, buong bansa, Eat Bulaga. Bongga✌,” pagpupunto pa nito.



Paolo Contis May Binabalak Na Sa Kanyang Panibagong Engagement

Walang komento

Huwebes, Hunyo 1, 2023


 Kamakailan lamang ay nakapanayam ni Ogie Diaz ang Kapuso aktor na si Paolo Contis, kung saan naitanong niya rito ang tungkol sa kanyang magiging engagement.


Matatandaan, na kamakailan lamang ay inamin na ni Paolo Contis at Yen Santos ang kanilang totoong relasyon matapos ang ilang buwang pananahimik.


Nauna na ring ipinahayag ni Paolo Contis ang dahilan kung bakit nagustuhan niya si Yen Santos. Isiniwalat din niyang nais pa rin niyang magpakasal subalit, uunahin muna umano niyang ayusin ang kanyang sariling buhay at ang relasyon niya sa kanyang mga anak.


“Sa edad ko, hindi na ‘yun puwedeng pabayaan at this time. Regardless, kung ano mangyari, it has to be fixed for me to become a whole person. Feeling ko only that time ako magiging fully ready,” saad ni Paolo Contis.


Samantala, sa panayam ni Ogie naitanong niya kay Paolo Contis kung kailan naman mapapabalita ang engagement nila ng kasalukuyang nobya nitong si Yen Santos.


“Kailan naman natin mababalitaan na si Pao ay engaged na rin?” tanong ni Ogie Diaz. 


“Tumutuloy-tuloy ka ha… Nananahimik ako,” sagot naman ni Paolo Contis.


Sa parehong panayam, ipinunto ni Paolo na ang mga susunod na gagawin niya sa kanyang buhay ay gagawin niya in-private. He’s always been vocal about how private he is a person sa kabila ng kanyang celebrity status. At sa lahat ng mga isyu niya, ayaw niyang magpaliwanag sa publiko dahil hindi nila alam ang totoong kuwento.




Ito Ang Banta Ni Rendon Labador Kay Moira at Jason!...

Walang komento

 


Trending ngayon sa social media ang naging pagsasalita ni Rendon Labador tungkol sa issue ng dating mag-asawang sina Moira at Jason Hernandez.


Pag-uumpogin daw ni Rendon ang mga ulo ng dalawa kung sakaling hindi pa sila tumigil sa kanilang mga issue.


Hindi maipagkakailang maynagbago kay Rendon mula noong nanggaling siya sa opisina ni Ben Tulfo.


Sa pinakabagong post kasi nitong si Rendon ay sinabi niyang wala raw siyang pakialam sa trending issue nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Kaya naman maraming mga netizens ang nagtaka at nagsabi na nakakapanibago nga ang bagay na ito ngayon, lalo na sa isang katulad ni Rendon na laging may mga matitinding komento sa lahat ng mga nagviviral na mga issue tungkol sa mga artista o sa mga vlogger.


Wala daw pakialam si Rendon sa issue ng dating mag-asawa, ngunit gayun paman ay kapag hindi daw tumigil ang dalawa ay pag-uumpogin daw nito ang mga ulo nila.


Tinawag din ni Rendon na mga tanga ang dalawa, Ayon sa kanya, "Wala akong pakialam sa dalawa nayan, bakapagumpugin ko pa yan, kapag hindi tumigil."


Payo naman niya sa kanyang mga taga suporta, "Focus nalang kayo sa kanya-kanya ninyong buhay, ganyan talaga kapag nagsama ang dalawang tanga. Intindihin niyo nalang."


Komento naman ng ibang mga netizens sa post ni Rendon, "Parang ikaw lang din yan, magfocus ka din sa sarili mong buhay."


"Haha walang paki alam pero na judge mo na agad na tanga, very bad tsk tsk. Di ka siguro mahal ng parents mo noh? Kulang ka sa aruga."


"hahahahaha natawa ako tama yan idol bentang benta to, tama yan wag kana maki sawsaw sa isyu nila di ka rin naman makarelate."


"Ayeii firstime maging positibo sa coment section hahaha."


"Sa wakas may sinabi kading tama. hahahahahah"







Max Collins At Pancho Magno Nagsamang Muli Sa Graduation Ng Anak

Walang komento


 Muling nagkasama ang dating celebrity couple na sina Max Collins at Pancho Magno sa naganap na moving up ceremony ng kanilang anak na si Skye Anakin.


Matatandaang sa wakas ay inamin na ni Max Collins sa kamakailang episode ng Fast Talk With Boy Anbunda na matagal na silang naghiwalay ng kanyang mister na si Pancho Magno.


Hindi naman niya tahasang inamin ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, dahil aniya pa ay mahirap sa kanya ang nangyari.


Kasagsagan umano ng pandemic, nangyari ang paghihiwalay nila at hindi na nila ito pinag-uusapan ngayon.


Samantala, parehong present sina Max Collins at Pancho Magno sa naganap na moving up ceremony ng kanilang anak na si Skye.


Pareho din nilang ibinahagi sa kani-kanilang mga social media account ang naganap na ceremony.


“So proud of you my baby boy who just graduated,” pahayag ni Max sa kanyang Instagram stories.


“We are sooo proud of you @skyecollinsmagno, Love Mommy @maxcollinsofficial and Daddy,” caption ni Pancho sa kanyang Instagram post kalakip ang video kung saan kasama niya ang anak habang kinukuha nito ang kanyang certificate.


Ikinasal sina Max Collins at Pancho Magno noong Disyembre 11, 2017 sa harap ng kanilang mga kaibigan at pamilya sa Marriott Hotel sa Pasay City. 


Ang dating mag-asawa ay na-engage noong May 2017. Apat na taon na silang magkasintahan bago ang kanilang kasal.



Kim Chiu'S Heartwarming Happy Birthday Song to Xian Lim'S Mom Will Leave You in Tears!

Walang komento

 


Tv host actress na si Kim Chiu dumalo sa kaarawan ng kanyang future mother inlaw na mommy ng kanyang nobyong si Xian Lim.


Makikita nga sa vibinahaging video na kasama nga si Kim sa birthday Dinner ng mommy ng actor director na si Xian Lim.


Makikita sa special na okasyong ito na masaya at punong-puno ng tawanan ang naging birthday dinner nila doon.


Makikita din sa video na taos pusong kinantahan ni Kim Chiu ng happy birthday song ang mommy ni Xian Lim.


Ang nasabing dinner na ginanap sa isang magarbong restaurant ay masasabing isang napaka mahalagang okasyon kung saan ay magkakasama ang magkapamilya.


At kanilang mga malalapit na mga kaibigan upang parangalan at ipagdiwang ang special na araw na ito sa buhay ng isang mahalagang tao.


Samantala, makikita din sa video na nakikipaglaro si Kim sa isang baby, at napaka sayang tingnan ng actress sa video at marami naman na naroon ang nakapansin sa ginagawa ng actress.


Kaya naman natuwa ang mga ito dahil sa tuwang ibinibigay ni Kim sa gabing iyon.


Parehong pareho ng silang dalawa ni Xian na mahilig sa mga bata o baby.


kaya naman hiling ng karamihan sa kanilang mg a tagahanag na sana ay makabuo na rin sila ng kanilang tunay na baby. total matagal naman din sila na magkasintahan.


Napapanahon na daw siguro upang lumagay na sila sa masaya at tahimik na buhay.


Marami ng sa mga fans ng dalawa ang nag-aabang kung kaylan yayayain ng kasal itong si Kim Chiu ng nobyo nitong si Xian Lim.






Cristy Fermin, Kinausap Si Alden Richards Sa Nangyari Sa Eat Bulaga!

Walang komento


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na nakausap umano niya ang actor-host na si Alden Richards hinggil sa nangyari sa Eat Bulaga.


Kamakailan lamang ay ginulat ng TVJ ang lahat sa kanilang biglaang pag-aanunsyo na iiwan na nila ang TAPE Inc. Marami ang napapatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa Eat Bulaga dahil ang TVJ ang maituturing na haligi at nagsimula sa nasabing show.


Samantala, isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na nagkapalitan sila ng messages ng isang host ng Eat Bulaga na si Alden Richards ta naitanong niya rito kung ano na ang susunod na mangyayari sa show.


"Kanina, ka-text ko si Alden Richards dahil marami ang nagtatanong. Kasi ang balita, bukas daw po at tsaka... ano, ngayon at bukas, Huwebes at Biyernes, tape ulit ang ipapalabas.


"Pero sa Sabado raw, bubuo ng isang programa na ang lalabas ay mga artista ng Sparkle at ipinagpapaalam daw si Alden Richards ganun," pahayag ni Cristy Fermin.


Ayon kay Cristy Fermin, hindi rin inexpect ni Alden ang nangyari kahapon at kabilang rin siya sa mga nagulat.


"Ang eksakto pong text sa akin ni Alden kanina nung tanungin ko siya, 'Nagulat po ako 'nay. Hindi ko po ine-expect yung mga pangyayari kahapon. Pero kahit ano pong mangyari, ang suporta ko po ay nasa Tito, Vic at Joey at Eat Bulaga.'


"Ayan, at ito pa, 'Maraming salamat po 'nay, kagaya niyo po, mahalaga po sa akin ang loyalty at utang na loob. Hindi po magbabago yun.' 


"Ang sagot ko, 'Maraming salamat sa magandang puso mo. Napakahalaga talaga ng mga sinabi mo at salamat dahil hindi ka pinagbabago ng kasikatan, ng panahon, at ng kayamanan,'" pagkukwento ni Manay Cristy Fermin.




After Hiwalayan, Lizquen Spotted Together?

Walang komento

 


Isang araw matapos ipahayag ni Ogie Diaz na kinumpirma niyang hiwalay na nga ang tambalang LizQuen na sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Ay nakita namang magkasama ang dalawa sa isang larawan na ibinahagi sa social media ng dating road manager ni Liza Soberano na si Maquie Raquiza Sarmiento.


Si Raquie Sarmiento ng ay ang dating road manager ng aktres na nakabase na ngayon sa America.


Siya ang ay nagpost ng mga larawan mula sa kanyang pagbisita sa Pilipinas nito lamang buwan ng Mayo.


Sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang pamilya at kasama sina Liza at Enrique na makikitang magkatabi.


Na nilagyan naman niya ng caption na, "Hanggang sa muli Pilipinas."


Pero hindi lang tiyak kung kailan kinuhanan ang nasabing larawan.


Ngunit nito lamang Mayo bumalik dito sa bansa ang dating road manager ni Liza na si Sarmiento.


Kaya maari daw na ngayon din lang daw ito kinuhanan, nitong buwan ng Mayo.


Gayun paman ay umani naman ng mga mensahe ng pasasalamat ang natanggap ni Sarmiento mula sa mga masusugid na mga tagahanga ng LizQuen na patuloy paring umaasa sa magandang samahan ng kanilang mga idulo at hindi naniniwala na hiwalay na ang dalawa.





TVJ Nag4lit Sa Pagkampi Ng GMA Boss Sa Mga Jalosjos

Walang komento


 Ginulat ng iconic trio na TVJ ang lahat ng mga manonood ng Eat Bulaga sa biglaan nilang pagsisiwalat na aalis na sila sa pamumuno ng TAPE Inc. sa ilalim ng mga Jalosjos.


Nag-iwan ng malaking katanungan sa mga netizens at maging sa ilang mga celebrities kung bakit nakapagdesisyon ng ganoon ang TVJ gayung pinaglalaban naman nila ang kanilang karapatan sa Eat Bulaga.


Sa ngayon, unti-unti nang nabubunyag ang mga dahilan kung bakit, pinili na lamang nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na iwan ang Eat Bulaga sa kabila ng mahabang panahon na ginugol nila rito.


Isa umanong dahilan kaya nagdesisyon sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na magbitiw sa TAPE Inc., ay ang pagpanig ni Felipe L. Gozon, GMA chairman and CEO, sa mga Jalosjos.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon mula sa ilang mga sources, nainis ang TVJ kay Gozon sa pagkampi kay Romy Jalosjos na isang convicted child rapist sa pagitan ng isyu ng mga ito sa “Eat Bulaga”.


Ayon sa TVJ, napaka unfair ng GMA dahil sa pagbibigay umano ng platform sa mga Jalosjos upang ipahayag ang kanilang side.


Matatandaan, na ikinapanayam si Bullet Jalosjos sa programa ni Boy Abunda sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.


Kabaligtaran naman umano ito kay dating Senate President Tito Sotto, matatandaan na inihayag na noon ni Tito Sotto ang pagkadismaya niya sa pamamagitan ng Facebook. Ni wala umanong GMA Reporter ang ang nagnanais na makuha ang kanilang side.


Ni hindi rin umano nailabas ang kanyang full interview bilang pagsagot sa panayam ni Bullet, tanging mga cutted video clips lamang.



Jowapao, Inofferan Ng Tape Inc.Para Palitan Ang TVJ Sa Eat Bulaga? Alamin Ang Buong Detalye!

Walang komento

 


Dahil nga sa tuloyan ng namaalam ang Trio na sina Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga at sa TAPE incorporated.


Ay mayroon namang mga lumabas na mga balitang inalok daw ng Pamilya Jalosjos ang Jowapao, o sina Jose Manalo, Wally Bayola at si Paolo Ballesteros na siyang pumalit sa TVJ upang maging main host ng Eat Bulaga.


Dahil ang pag-aakala ng mga Jalosjos na kaya daw palitan ng Jowapao ang TVJ dahil hindi naman maipagkakaila na sikat na din ang tambalan ng tatlong ito.


Na mas sumikat sa kanialang segment na One For All, All For One, na kung saan ay nasa labas sila ng studio at nasa kalye sila ng mga brgy. 


Nakung saan sila nagbibigay tuwa, aliw at saya sa mga tao doon at siyempre ang binibigay nilang mga papremyo roon.


Ngunit hindi daw tinanggap ng Jowapao ang offer na iyun ngTAPE incorporated.


Ito ay dahil sa iginagalang at nirerespeto nila ang TVJ dahil napamahal na rin ang mga ito sa kanilang tatlo.


Kaya naman mas pinili nalang ng Jowapao na magresign sa TAPE at sumama sa pag-alis ng TVJ sa Eat Bulaga at sa TAPE Incorporated.




Ogie Diaz Binabatikos Dahil Isiniwalat Ang Hiwalayan Nina Liza Soberano At Enrique Gil

Walang komento


 Binabatikos ngayon ng mga LizQuen fans ng American-Filipino actress, Liza Soberano  ang dating manager nitong si Ogie Diaz, matapos isiniwalat ng huli ang umano'y hiwalayan ng celebrity couple.


Matatandaan na sa isang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz, ipinahayag niya ang balitang nakarating sa kanya mula sa isang source na tahimik nang naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Pagbabahagi ni Ogie, nagsimula umano ang mga chika na baka hiwalay na ang dalawa sa mga nakaraang pahayag ni Liza kung saan hindi nito binabanggit ang pangalan ni Enrique.


Isa pa sa mga nagpapatindi sa mga speculations ay ang pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga loveteams. Kung saan sinabi niyang minsan ay napipilitan na lamang ipakita ng nasa iisang love team na mahal nila ang isa't-isa upang sumaya ang kanilang mga fans.


“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” dagdag pa ni Ogie Diaz.


Isiniwalat din ni Ogie na nakarating sa kanya mula sa isang mapagkakatiwalaang source na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Mas pinili ni Liza na mag-focus muna sa kanyang career programming.


“Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”


“Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other.”


Ipinahayag din Ogie Diaz na si Liza talaga ang nagnanais na tapusin na nila ang kanilang relasyon.


Kaya naman, dumipensa kaagad ang mga tagahanga nina Liza Soberano at Enrique Gil na naniniwalang hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa.


“Who gave Ogie Diaz the right to speak up about this matter? It’s a basic act of human respect to exercise restraint from talking about sensitive matters in other people’s lives. Unless it’s fun to have that much of attention. Grow up, kid.”


“Whether its true or not, it’s not Ogie Diaz’s position to reveal Liza and Enrique’s relationship status. This is really disrespectful??”




Lj Satterfield, Ibinibinta Na Ito Para Sa Kasikatan!.....

Walang komento

 


Inulan ng mga negatibong reaction at komento ang ibinintang gamit ng Vlogger na si Lj Satterfield sa isang sikat na pawnstar.


Mainit ngang pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinintang gamit ni Lj sa Pinoy Pawnstar ni Boss Toyo.


Ang Pinoy Pawnstar ay bumibili ng mga mahahalaga at makasaysayang gamit sa bansa lalong-lalo na sa mga taong nagbigay karangalan Na pagmamay-ari ni Jayson Luzadas na mas kilala sa social media bilang si Boss Toyo na isa ding rapper at negosyante.


Marami na ding mga sikat na artista, vlogger ang nakabinta na nga dito, isa na nga dito ay si Senator Imee Marcos na nakapagbenta na din ng gamit sa Pinoy Pawnstar.


Ngunit bago paman magbenta si Lj Satterfield ay nauna na sakanyang nagbenta ang kanyang scripted boyfriend noon na si Boy Tapang.


Nitong kamakailan lang ay bumisita si Boy Tapang sa nasabing shop na ito, at bininta niya dito ang kanyang dalang damit na galing daw umano kay LJ Satterfield.


Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Boy Tapang ng ibinenta niya ang damit na ito, at sa video at larawan ay makikitang sinunog ni Boy Tapang ang damit na iyon.


At ayon nga kay Boy Tapang, "Diba kapag yung kamag-anak ay namatay, yung mga gamit ay sinusunog, patay na patay na yung feelings ko diyan, puwede na yang sunogin."


Ngunit ngayon ay nagbenta din si Lj Satterfield sa shop na ito ni Boss Toyo, at tila hindi nga nagpatalo si LJ sa beninta ni Boy Tapang.


Ayon naman kay Lj, "Looks like family" Makikita din sa video na hinubad ni Lj Satterfield ang suot niyang damit dahil iyon pala ang kanyang ibebenta."


Matatandang iyong damit na iyon ang damit na ginamit noon o sinuot noon ni Boy Tapang ng na Featured sila ng, "Kapuso mo Jessica Sojo."


At ayun na nga ibininenta lang naman ni Lj ang damit na iyon sa halagang 150,000.


Madaming mga netizens naman ang hindi na tuwa sa ginawang ito ni Lj Satterfield. 


Ayon sa mga komento ng mga ito, "Nako nagpapahatak yan ng viewers walang manonood ng vlog niyan boss."


"Angas nito kala niya magagamit pa niya si Boy Tapang, gayahin mo kasi yung sinimulan ni Boy Tapang para sumikat, kumain ka din ng bulati."


"Wala na kasing kinikita yan sa YouTube kaya nakikipagcollab."


"The design is very papansin na naman kay Boy Tapang."





TAPE Inc. Naglabas Na Ng Official Statement Sa Pamamaalam Ng TVJ

Walang komento


Naglabas na ng official statement ang production company na TAPE Incorporated matapos ipahayag ng mga hosts at staffs ng Eat Bulaga ang kanilang pag-resign.


Nauna nang naiulat ang pagpapahayag ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang kanilang pag-alis sa TAPE Inc. kasunod ng pagpigil umano sa kanilang umere ng live nitong May 31, 2023.


Agad namang naglabasan ang samu't-saring mga speculations mula sa mga netizens at maging ng mga celebrities kung ano ang susunod na mangyayari sa Eat Bulaga kasunod ng pag-alis ng mga original hosts nito.


Nauna na ring naglabas ng pahayag ang GMA Network patungkol sa desisyon ng TVJ, nalulungkot umano sila sa naging desisyon ng TVJ na iwan na ang production company. Ipinunto rin nilang may existing contract pa sa kanila ang TAPE Inc.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang TAPE Inc. hinggil sa desisyon ng TVJ.


“TAPE, INC. is saddened by the turn of events yesterday, May 31, but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years,” panimula ng TAPE Inc.


Nagpapasalamat din sila sa lahat ng mga ito sa pagbibigay ng saya sa tanghalian sa loob ng 43 years, ipinunto rin nila na ang sucess ng show ay hindi lamang dahil sa tatlong tao kundi sa collaborative efforts ng lahat, kasama na ang mga viewers.


"It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino."


Ibinahagi rin nila na magbabalik muli ang Eat Bulaga kasama ng mga bagong magpapasaya sa tanghalian mula Aparri hanggang Jolo.


“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo’t isang tuwa na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso mula Aparri hanggang Jolo at sa buong mundo.”


Sa huli ipinunto pa ng TAPE na hindi magtatapos ang mundo dahil lamang sa pag-alis ng mga host ng Eat Bulaga.





Pamilya Jalosjos Naghahanap Na Ng Mga Bagong Hosts Na Papalit Sa Tvj Para Sa Eat Bulaga!...

Walang komento


 TAPE Incorporated na pagmamay-are ng pamilya Jalosjos, naghahanap na ngayon ng mga bagong host na papalit sa mga nagsialisang host ng Eat Bulaga.


Ito ay malinaw na balita ngayong araw matapos na maglabas ng official statements ang mga Jalosjos at sinabing sa kanila ang titolong Eat Bulaga.


Kahit na nalolongkot umano sila sa pag-alis ng TVJ at ng ibang mga host sa programa ay kailangan parin nilang magpatuloy.


Dahil hindi daw umano nakadependi ang tagumpay ng show sa tatlong tao lamang, na halatang ang tinutukoy nila ay ang TVJ na sina Tito, Vic at Joey.


Kundi sa iba pang mga talents, crew, staff at sa mga manonood na walang sawang sumusubaybay sa programa.


Ayon pa sa kanila na ang Eat Bulaga daw umano ay magpapatuloy na magpapasaya sa mga manonood at mas exciting daw ang kanilang mga gagawing segment.


At ayon pa nga sa kanila na abangan nalang daw umano ang mga bagong mga host na patuloy na magpapasaya sa ta tanghali at magpapatibok din sa puso ng mga manonood.


Sa pahayag na ito ng mga Jalosjos at tila na ngangahulogan nga na naghahanap na nga sila ng mga bagong mga host ng programa na patuloy na magpapasaya sa tanghali at ang siyang papalit sa mga dating host ng Eat Bulaga.


Ito ay sabay-sabay na din palang nagresigned ang mga kasamahang host ng TVJ, na sila  Jose Manalo, Wally Bayola, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Alan K, at Ryzza Mae Dizon.


Ang kanilang resination letter ay ibinigay nila kahapon May 31, 2023 na kasabay sa ginawang pamamaalam ng trio sa TAPE incorporated.


Na ayon sa kanila ay hindi raw nila na gustohan ang naging pagtrato sa TVJ at kay Tony Tuviera.


Bago pa ito ay kumalat din ang balitang sinubukan daw umanong alokin sina Alan K, Wally at Jose na manatili sa show.


Ngunit sila ay tumanggi sa alok sa kanila ng mga Jalosjos at piniling sumama kaina Tito, Vic at Joey kung saan man nila maisipang Lumipat.


Samantala, sa aming nakalap na impormasyon ay kumpirmado na ngang sa NET25 na lilipat ang TVJ at kasama nila ang mga nagsiresign na mga host sa TAPE inc.


Doon nga daw ay magkakaroon nga sila ng bagong show, pero kahit hindi man daw nila magamit ang pangalang Eat Bulaga ay papangalanan naman nila ang kanilang sho na Dabarkads ang salitang pinasikat ng TRIO.




Pauleen Luna, Ibinahagi Ang Resignation Letter Ng Iba Pang Hosts at Staff ng Eat Bulaga Matapos Ang Pag-alis Ng TVJ

Walang komento


Ibinahagi ng misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna Sotto ang resignation letter ng ilan pang mga hosts at staff ng Eat Bulaga na tila sumunod sa desisyon ng TVJ na iwan ang TAPE Inc.


Sa Instagram stories ni Pauleen Luna, ibinahagi niya ang resignation letter kung saan makikitang nakapirma ang mga hosts na sina  Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, and Allan K.


Sa caption ipinahayag niyang lahat ng mga hosts at staffs ng Eat Bulaga ay nagresign na rin at lumayas sa management ng TAPE Inc.


"All the hosts, writers, sales, production, and cameramen followed suit immediately after TVJ's resignation."


Matatandaan na unang isiniwalat ng TVJ ang kanilang resignation sa TAPE Inc. nitong May 31, 2023 kasunod ng pagpigil umano sa kanila na umere ng live.


Ang TVJ ay ang original hosts ng Eat Bulaga sa loob ng 44 years nitong pag-ere sa telebisyon.


Noon paman ay naging usap-usapan na ang pagkakaroon ng internal conflict sa pagitan ng mga hosts ng Eat Bulaga at sa main producer nito na TAPE Inc.


Unang pumutok ang balitang ito nang sapilitan umanong pinagresign ng mga bagong executives ng TAPE Inc. si Tony Tuviera. Inalmahan ito nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ).


Kaya naman maging sila ay pinag-iinitan na rin ng mga TAPE executives.


Samantala, hindi pa tukoy ngayon kung madadala nga ba ng TVJ ang Eat Bulaga sa kanilang paglipat sa ibang network o mananatili ang Eat Bulaga under TAPE Management.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung may ipapalit nga bang ibang show sa dating timeslot ng Eat Bulaga o kung may mga kukuning bagong hosts ang mga Jalosjos para ipagpatuloy ang nasabing show.




Tito Sotto Binunyag Ang Mass Resignation Ng Mga Hosts at Production Staff Ng Eat Bulag Sa Tape Incorporated!

Walang komento


 Tito Sotto nag bigay na ng mga detalye sa kung anung mangyayari sa Eat Bulaga ngayong kumalas na sila sa TAPE incorporated, at tiniyak din niyang walang maiiwan sa mga host at production staff ng naturang programa.


Pahayag ni Tito Sotto sa isang exclusive interview sa kanya nagong Huwebes ng tanghali June 1, 2023.


Aniya, "They all signed a letter of courtesy informing TAPE that they are disengaging. It's an exodus, everybody, everyone."


Na sa kasalukuyang napapanood ngayon sa Eat Bulaga ay sina, Vic Sotto, Tito Sotto, Joey De Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Alan K, Ryzza Mae Dizon at ang maybahay ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna.


Bukod nga sa kanila ay kasama din sa kanilang pag-alis ang buong production staff ng Eat Bulaga, na sabi nga ni Tito Sen, na "Walang maiiwan."


Ang ibig sabihin lang nito ay kung ipagpapatuloy ng TAPE Incorporated ang kanilang pagpapaere ng naturang programa ay ang buong cast na ng programa ang kanilang papalitan. 


Kaya naman tanong ng karamihan na ano nalang ang mangyayari ngayon sa Eat Bulaga na ngayong wala na ang lahat ng cast, mga staff at mga host nito.


Samantala ng itinanong kay Tito Sotto kung kasama ba ang Dabarkads sa mga importanting usapan sa pananatili o pag-alis sa programa at sa pakikipag-ugnayan sa mga abugado ay deritsahang sinagot ito ni Tito Sen na kasama sila.


Aniya, "Yeah lahat kami, oo! As much as possible, lahat kami! Pagka merong mga maliliit na issue, small group. Pagka vital ang pag-uusapan yung big group."


Bukod dito ay ibinahagi din ni Tito Sotto kung anu ang mga nalaman niya sa gagawin ng TAPE sa Eat Bulaga ngayong wala ng ang mga host at production staff ng programa.


Pagbabahagi ni Tito Sen, "Ang pinaplano nila yung mga artista ng channel 7 yung gagamitin, yung Sparkle. Yun ang balita."


Ang tinutukoy ni Tito Sotto na Sparkle ay ang Sparkle GMA Artist Center ng kapuso network.








Zack Tabudlo Nilinaw Na Ang Relasyon Nila Ni Moira Dela Torre

Walang komento


 Nagbigay na ng official statement si Zack Tabudo na siyang itinuturong third party o lalaking nais ipalit ni Moira Dela Torre sa kanyang mister na si Jason Hernandez.


“I have been quiet for a year, and never said a thing about anyone nor said a word about all of whats going on around the internet around my friends and about me. but its time for me to tell my side of the story," saad ni Zack.


Pinabulaanan ni Zack Tabudlo ang isyu nila ni Moira Dela Torre. Isiniwalat pa niyang isa ang isyung ito sa mga dahilan kung bakit sinubukan niyang kitilin ang sariling buhay.


"we did guestings and promos on social media, which are posts of lyrics from our song. we also took photos together, and basically letting everyone know we had a song together. during this time as well we had a guesting on a mobile radio bus, and at this time i had already created a friendship with her, her friends, and team."


"at this time as well, her team and group of friends would sleep over and make music together in their house, which i later then became a part of. we all made music together, spent a lot of amazing time, and most importantly built such an amazing relationship with the circle."


"moira and her group of friends made me believe that i am loved, and i am someone who was worthy of having real people beside me. that circle and especially moira, became my family. i would breakdown to them almost everynight during those times because i found that safety and that protection from them."


Sa kabutihang palad, agad siyang naisugod sa hospital at na revive. Matapos nito, napagdesisyonan nila ng mga kaibigan, kabilang na si Moira na magkaroon ng parehong tattoo sa braso.


“i kept quiet but it all became too heavy for me. the pressure, the accusations, the music, my mental state, and everything just crumbled down for me. and i gave up. i couldn’t take it and i committed suicide."


"but thank God he gave me another chance. i was in the hospital in a comma unresponsive, and everyone thought i didn’t make it. after hours of them waiting, i woke up in the ER and i was in therapy in the ward for a good amount of time.


"when i got out i was greeted by our circle and my family. my family and friends went straight to a tattoo shop, got semi colon tattoos with me including moi, and she told us to get bird tattoos as well for me to fly high and never look down forever."


Ipinahayag din niya ang totoong damdamin para kay Moira Dela Torre.


“with moira, she has been the strongest mf i have met my whole life. and i look up to her so much. she’s selfless, strong, caring, and so loving to the people around her."


"and i adore her with all my heart. she was one of the people who were there for me during my healing stages in the ward and i will never ever forget how much she’s helped me grow and move pass this phase of mine despite of all the things she went through."


Samantala, narito ang ilang komento ng mga netizens.


"Zack umiwas kapag may asawa or jowa ang chick...yan ang best na gawin lalo't mga public figures kayo kahit feeling close or gusto mo damayan. Hindi tama na confidant ka bilang lalaki at sya babae na may asawa lalot they are having some trouble in the marriage.


"Paguusapan talaga kayo e konti galaw, pagkikita, patattoo etc...for your sake and hers. Be well always and more power with your music. I believe you have the best intention in mind and heart and I know you are a great artist. Let this be a lesson for you to be stronger and always look out for yourself, protect your mental health. God bless"


"Zack na naman..pina iyak mo ko😪bat naisipan mong magpakamatay...ang sarap mabuhay at maikli lang ang buhay...laban lang at dasal ang kelangan..isa lang yan sa mga pagsubok na darating sau..napaka bata mo pa...mawawalan pa kame ng isang best artist at composer aa panhon ngaun...love you zack..God bless..super duper mahal nmen ang musika mo"



Enrique Gil at Liza Soberano Muling Nagkasama, Hiwalayan Hindi Natuloy?

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang social media platforms larawan nina Liza Soberano at Enrique Gil na magkasama sa gitna ng isyung naghiwalay na silang dalawa.


Matatandaan na nabanggit ng dating talent manager ni Liza Soberano, na si Ogie Diaz sa isang kamakailang vlog na ibinunyag ng kanyang source naghiwalay na ang LizQuen.


Nauna rito, may mga kumakalat na tsismis na hindi na raw nagkakasama  sina Liza at Enrique dahil sa pagiging busy ni Liza sa pagtupad sa kanyang pangarap sa Hollywood.


Marami rin ang nakapansin na hindi na binabanggit ni Liza sa kanyang mga naging panayam si Enrique Gil bilang nobyo. May mga nakapansin rin na hindi man lamang binati ni Liza Soberano si Enrique Gil sa kaarawan nito.


Kaya naman sa pagkalat ng larawan nina Liza Soberano at Enrique Gil na magkasama, pinabubulaanan ngayon ng mga fans ng LizQuen ang isyung hiwalayan ng dalawa.


“Liza Soberano and Enrique Gil spotted together at Soberano’s residence reunited with Former Star Magic Road Manager Ms.Macquie Raquiza,” caption ng Facebook page na siyang unang nagbahagi sa larawang magkasama sina Liza at Enrique.


Gayunpaman, may ilang mga netizens ang nakapansing old photo na ito ng LizQuen dahil wala na ang dalawa ngayon sa condo.


"Wala sa Pilipinas si Liza. Matagal na yang photo na yan"


"whether it's true or not na hiwalay na sila, wes na amor sa akin si Liza/Hope, kasi Ingrata sya sa totoo lang....always downgrading loveteam and Philippine showbiz pero balik ng balik pa rin dto sa Pinas, ...nakaka dissapoint sya."


"This is an old photo in a condo. Wala na sila sa condo!"


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng official statement sina Liza Soberano at Enrique Gil, kung ano nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Sa ngayon ay abala si Liza Soberano sa kanyang pagtupad sa kanyang pangarap sa Hollywood.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo