Paolo Contis May Binabalak Na Sa Kanyang Panibagong Engagement

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay nakapanayam ni Ogie Diaz ang Kapuso aktor na si Paolo Contis, kung saan naitanong niya rito ang tungkol sa kanyang magiging engagement.


Matatandaan, na kamakailan lamang ay inamin na ni Paolo Contis at Yen Santos ang kanilang totoong relasyon matapos ang ilang buwang pananahimik.


Nauna na ring ipinahayag ni Paolo Contis ang dahilan kung bakit nagustuhan niya si Yen Santos. Isiniwalat din niyang nais pa rin niyang magpakasal subalit, uunahin muna umano niyang ayusin ang kanyang sariling buhay at ang relasyon niya sa kanyang mga anak.


“Sa edad ko, hindi na ‘yun puwedeng pabayaan at this time. Regardless, kung ano mangyari, it has to be fixed for me to become a whole person. Feeling ko only that time ako magiging fully ready,” saad ni Paolo Contis.


Samantala, sa panayam ni Ogie naitanong niya kay Paolo Contis kung kailan naman mapapabalita ang engagement nila ng kasalukuyang nobya nitong si Yen Santos.


“Kailan naman natin mababalitaan na si Pao ay engaged na rin?” tanong ni Ogie Diaz. 


“Tumutuloy-tuloy ka ha… Nananahimik ako,” sagot naman ni Paolo Contis.


Sa parehong panayam, ipinunto ni Paolo na ang mga susunod na gagawin niya sa kanyang buhay ay gagawin niya in-private. He’s always been vocal about how private he is a person sa kabila ng kanyang celebrity status. At sa lahat ng mga isyu niya, ayaw niyang magpaliwanag sa publiko dahil hindi nila alam ang totoong kuwento.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo