Manny Pacquiao Talo Sa Kaso Pinagbabayad Ng 282 Million Pesos!

Walang komento

Miyerkules, Mayo 3, 2023

 


Professional boxer at dating Senador na si Manny Pacquiao, pinagbabayad ng halagang $5.1-m o sa katumbas na 282 million pesos.


Ito ay matapos siyang matapo sa kaso na isinampa ng Paradigm Sports Management sa California.


Ang kasong isinampa ay upang maibalik sa kanila ang $3.3-M na isa daw advance payment na ibinigay mismo kay Manny Pacquiao.


At dahil na rin daw sa hindi niya pagtupad sa kanyang penirmahang kontrata sa Paradigm Sorts Management.


Matatandaang hindi sinunod ni Manny Pacquiao ang kontratang pinirmahan niya sa Paradigm Sports Management na ang makakalaban niya dapat ay ang unified Welterweight Champion na si Errol Spence, Jr. noong Agosto, 2021.


Ngunit nagkaroon ng injury si Spence kaya ang Cuban Welterweight champion na si Yordenis Ugas ang ipinalit na naging huling laban na ng Pambansang Kamao.


Napag-alaman ding pumasok si Manny Pacquiao noong February 2020, para sa posibling mega fight nila ni Conor Mcgregor.


Si Manny ay inakusahan sa pakikipag deal sa isa pang promotional campany habang on going pa ang kanyang pinirmahang kontrata sa Paradigm Sports Management.


Kaya naman ito ang naging dahilan kaya hindi niya naituloy ang kanyag laban dito.  


Na ikinadismaya naman ng Paradigm Sports dahil matapos ang laban ni Manny kay Yordenis Ugas ay inanunsyo naman niya ang kanyang pagreretiro sa boxing.


Kaya naman tuloyan na ngang hindi natuloy ang laban niya kay Mcgregor.


Hanggang sa dumating na nga ang araw na ito na lumabas na nga ang disisyon ng korte.


Pumanig nga ang korte sa Paradigm Sports Management na Nakakuha ng 9 votes at 3 naman kay Dating Senador Manny Pacquiao.


Si Manny Pacquiao ay inatasang isa uli ang $3.3-m na advance payment sa kanya. at may dagdag na $1.8-m para sa dameges.


Kaya ang total na dapat niyang bayaran ay nagkakahalaga nga $5.1-m o 282 milyon pesos ang kanyang kailangang ibigay sa kampo ng Paradigm.


Samantala, wala pang pahayag mula sa kampo ni Pacquiao hinggil sa issu na ito.








Manny Pacquiao, Natalo Sa Kaso Na Isinampa ng Paradigm Sa US!

Walang komento

Natalo si dating Senador Manny Pacquiao sa civil case na isinampa sa US ng Paradigm Sports Management. Inutusan ng US jury si Manny na magbayad ng kabuuang $5. 1 milyon — humigit-kumulang ₱282 milyon — sa Paradigm.


Nagsampa ng civil lawsuit ang Paradigm Sports laban kay Manny Pacquaio dahil sa paglabag umano nito sa kanilang kontrata. 


Itinago umano ng boksingero ang nauna niyang kasunduan sa Paradigm habang nakikipagnegosasyon sa isa pang promotional company — TGP Promotions — para sa laban niya kay Errol Spence Jr.


Dahil umano sa ginawang ito ni Manny Pacquiao, nahadlangan ang pagkikipag negotiate ng Paradigm Sports sa labanang Manny Pacquiao at UFC superstar Connor McGregor. Matapos mainjured ni Errol Spence, nakalaban naman ni Manny si Yordenis Ugas.


Ang labanang Pacquiao-Ugas ang naging huling laban ni Manny Pacquiao bilang isang professional boxer.


Matatandaang, naunang ipinahayag ni Manny Pacquiao na wala umanong basehan ang kaso ng Paradigm laban sa kanya. Hindi rin umano siya nababahala rito.


"Paradigm Sport's lawsuit against me has no merit. Sadly, this frivolous lawsuit intends to distract my preparations for ahistoricfight. But it does not bother me a bit."


Dagdag  pa ni Manny Pacquaio na naghahanda na umano noon ang kanyang mga abogado para sa gagawin nilang counter charges laban sa Paradigm.


"My lawyers are on top of this lawsuit and are ready to file counter charges against Paradigm Sports."


Sa ngayon ay kasalukuyang nagbabakasyon ang buong pamilya ni Manny Pacquiao sa Germay. Ibinahagi pa nila ang kanilang mga photos sa social media.


Nakapagdesisyon din sina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquaio na bisitahin rin ang Switzerland kasama ng kanilang mga anak.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng anumang komento si Manny Pacquiao sa balitang ito.


Si Manny Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, na itinuturing na isa sa mga greatest boxer's sa history. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao, na tinawag niyang matalik niyang kaibigan.


Si Jinkee at ang boxing legend ay may limang anak – sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Prinsesa), Queen Elizabeth (Queenie), at Israel.



Jillian Ward, Aminadong Nag-Selos Sa Kissing Scene Ni Joshua Garcia Kina Jodi Sta Maria at Gabbi?

Walang komento

 


Mainit paring pinag-uusapan sa lahat ng social media flatform, ang umanoy relasyon ng dalawang celebrity, na sina kapuso teen star na si Jillian Ward at kapamilya star na si Joshua Garcia.


Matapos ngang pumutok ang balitang relasyon nina joshua at jillian ay kasunod naman nito ang paglabas ng teaser ng bagong teleserye ni Joshua Garcia, kasama sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia.



Nagulat nga ang lahat sa mga maiinit na mga eksena na ayon nga sa kanila ay ibang Joshua Garcia nga daw ang dapat abangan sa teleseryeng ito.


Samantala, dahil sa mga maiinit na kissing scene ni Joshua Garcia kaina Jodi at Gabbi, ay hindi na nga napigilang matanong si Jillian Ward kung anu ngaba daw kaya ang reaction nito ng mapanood ang teaser ng nasabing teleserye.


Ayon naman daw kay Jillian na hindi naman daw niya mapigilan ang magselos.


Ngunit naiintindihan naman daw niya na para sa trabaho lang ang mga intimate na mga eksenang iyon.


Samantala, nilinaw naman ni Jodi Sta. Maria na tanging trabaho lang daw at walang dapat na ipag-alala, dahil walang personalan at trabaho lamang ang mga eksena nila.


Ang Unbreak My Heart ay isang paparating na Philippine romantic drama television series na ipapalabas ng GMA Network.


Sa direksyon nina Emmanuel Quindo Palo at Dolly Dulu, pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Nakatakda itong ipalabas sa Mayo 29, 2023 sa Telebabad line up ng network na papalit sa The Write One.







Rita Gaviola Tuwang Tuwa Na Ibinahagi Na Siya Ay Nagtapos Na Sa Senior High School! Nais Makapagtapos Sa College Para Maging Guro!

Walang komento

 


Bumuhos ang mensahe ng pagbati sa pinakabagong post ni Rita Gaviola "aka" Badjao girl.


Ito ay dahil sa kanyang ibinahaging larawan sa kanyang Instagram account, na makikitang kasama niya ang kanyang asawa at anak habang naka suot siya ng toga.


Dagdag pa ang kanyang caption na ayon sa kanya ay ang kanyang asawa at anak ang kanyang inspirasyon sa kanyang buhay.


Dito nga ay masayang ibinahagi ni Rita sa kanyang mga followers na nakapagtapos na siya ng senior high school. 


Caption naman ng kanyang post ay, "Kayo yung dahilan kung bakit ginagalingan ko sa lahat ng bagay."


Hindi lingid sa kaalaman ng kanyang mga tagahanga na si Rita ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral, siya ay nagsumikap ng husto upang siya ay makapagtapos.


Bagaman nakakatanggap siya noon ng mga negatibong mga komento, matapos malaman ng mga tao na siya ay nagdadalang tao ay hindi niya ito pinansin.


Sa halip ay pinagpatuloy pa niya ang kanyang pag-aaral, at ngayon nga ay nagawa na niyang makapagtapos ng senior high na magiging daan upang siya ay makapagcollege, para matupad niya ang kanyang mga pangarap.


Kung matatandaan ay naibahagi na noong ni Rita sa isang panayam na nais niyang maging isang guro, ito daw ang propisyon na nais niyang tahakin kung sakaling siya ay mabigyan ng pagkakataon na makapagtapos sa college.


Gusto niya daw kasi makapagturo at maibahagi ang iba pang kaalaman para sa mga kapwa niya Badjao.


Marami namang mga netizens ang hinangaan ang pagiging pursigido ni Rita sa kanyang pag-aaral, at sa pagkakataong ito ay mukhang matutupad na nga ang kanyang pangarap sa buhay.


Dahil sa ilang buwan na lamang ay tatahakin na niya ang pagiging college student na siyang daan upang maabot niya ang kanyang mithiin sa buhay.







Dingdong Dantes Umiyak! Tila May Matinding Hugot Sa Kanyang Buhay?

Walang komento

 


Sobrang proud na proud ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, habang pinapanood ang pagpeperform ng kanilang panganay na anak sa piano recital nito.


Ibinahagi nga ng mag-asawa sa kanikanilang mga social media account ang kanilang nag-uumapaw na kaligayahan, matapos nilang masaksihan ang pagperform ng kanilang anak na si Zia sa harap ng maraming mga manonood.


Makikita sa ibinahaging larawan ng Primetime queen sa kanyang Instagram account, ang pagpeperform ni Zia, na tumutugtog ng piano.


Caption ng actress sa kanyang post, "Attended Zia’s piano recital yesterday and this little girl always amazes me! Couldn’t be more proud of you Ate Z! 😍 #MariaLetizia"


Samantala, nagbahagi din ng mga larawan at video ang Tv host actor na si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram, kalakip na ang kanyang mensahe para sa kanyang anak.


Naging emosyonal nga si Dingdong sa piano recital ng kanyang anak na si Zia, habang nanonood sa pagpapatugtog ng anak.


Mapapansin din sa kanyang caption na tila may lamang hugot ang kanyang mga binitiwan mga kataga sa nasabing post nito, na kung saan ay nabahagi niya ang kanyang mga pinagdaanang mga pagsubok at sethbacks sa mga nagdaang mga linggo.


Caption niya, "We’ve been experiencing setbacks and curveballs in the past few weeks, which is normal in life. But amidst the chaos, there are moments like this - watching my daughter play the piano with grace in her first recital."


"Suddenly, I snap out of the worry and all I see is beauty."


"It reminds me to hold onto hope and find comfort in life's little moments, and that everything’s gonna be alright."


"Everything’s gonna be alright." 👍🏻#MariaLetizia


Agad namang pinusoan ng mga netizens at kapwa nila artista ang post na ito ng mag-asawa.



Zeinab Harake Nagpainit Sa Kanyang Fire Dance Performance!

Walang komento


 Muling pinahanga ng controversial vlogger at social media personality ang kanyang mga followers sa naging fire dance performance niya sa mismong 2nd birthday celebration ng kanyang anak na si Baby Bia.


Naganap ang second birthday celebration ni Baby Bia sa isang beach na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan.


Bilang pasabog sa birthday celebration ng anak, sumayaw si Zeinab Harake habang may hawak na dalawang baton na umaapoy ang bawat dulo.


Maging ang kanyang mga kaibigan ay nagulat rin sa pasabog na performance ni Zeinab dahil wala umano siyang pinagsabihan sa kanyang pasabog na surprise.


Ayon kay Zeinab Harake, hindi maaaring wala siyang pasabog na performance sa kaarawan ng kanyang anak.


Matatandaan na nitong April 28, ipinagdiriwang ng anak nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si Baby Bia ang pangalawang birthday nito.


Muli, hindi nakasama si Skusta Clee sa celebration ni Baby Bia. Matatandaan pang sa ibinahaging post ni Skusta Clee sa social media sinabi niyang may mga nagbabawal sa kanyang makita ang anak sa kabila ng kanyang effort.


Matatandaan rin, na hindi naging maayos ang hiwalayan ni Zeinab Harake at Skusta Clee noong nagdaang taon.


Ilang beses din silang nagbatuhan ng mga cryptic post. Sa isang panayam, ipinahayag pa ni Zeinab ang ginawang panloloko umano sa kanya ng ka-live in na si Skusta Clee habang nagbubuntis noon kay Baby Moon.


Hindi lamang ang controversial na hiwalayan nila ni Skusta Clee ang kinaharap noon ni Zeinab. Matatandaang, inilabas ni Wilbert Tolentino ang mga baho ni Zeinab kalakip pa ang ilang mga screenshot na magpapatunay umano sa kanyang sinabi.


Subalit, ayon kay Zeinab, cropted na ang mga nasabing mensahe.




Cristy Fermin Napatanong Kung Ano Ang Gusto Ni Liza Soberano!

Walang komento


 Kabilang sa mga natalakay nina Manay Cristy Fermin, kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng kanilang Showbiz Now Na, ang tila pabago-bago ng isip ni Liza Soberano.


Matatandaan na naunang ipinahayag ng aktres na si Liza Soberano ang kagustuhan niyang matawag bilang Hope Soberano. Subalit, ilang araw matapos niyang ipahayag ito tila nagbago naman ang kanyang isip at sinabing Liza nalang ang itawag sa kanya dahil mas kilala siya sa pangalan na iyon.


"Nakakapagdalawang-isip kasi. Magtatanong ka nalang. Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"


"Napaka-fickle minded po niya. Paiba-iba ang takbo ng kanyang pag-iisip. Ang gusto niya Hope dahil 'yun daw ang tunay niyang pangalan... 'Pag tinatawag daw siyang Hope parang naninibago raw siya kasi nasanay na siya na ang tawag sa kanya ay Liza."


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin, "Ang pinakamagandang itawag sa kanya ngayon, Lukring. Kasi hindi mo malaman kung ano talga ang kanyang gusto"


"Tapos malalaman mo nalang ibang-iba na ngayon ang buhay niya sa Amerika kumpara sa pinagdaanan niyang buhay dito sa Pilipinas na pagkaganda-ganda."


Napansin din umano nina Manay Cristy Fermin na kahit dumaan ngayon sa ilang mga kontrobersiya si Liza Soberano ay hindi pa rin umiingay ang kanyang pangalan.


"Pero hindi na ganun kaingay ang kanyang pangalan na tulad noong unang-una siyang nagsalita na kinalaban din ng marami."


Sa huli, hiling pa rin nina Manay Cristy Fermin ang pagtatagumpay ni Liza Soberano.


"Basta, matuloy sana ang proyekto mo sa Hollywood para naman ng saysay 'yung pagpapaalam mo pansamantala lang sana."




Kim Chiu Ganito Pala Kamahal Ng Kanyang Alagang Aso!

Walang komento

 


Masayang ibinahagi ng Tv host actress na si Kim Chiu ang kanilang bonding at kulitan ng kanyang alagang aso na si Hudson sa kanyang Instagram account.


Sinabi niya sa kanyang post na mediyo matagal na rin ng huling maglaro sila ng kanyang aso na si Hudson.


Nitong umaga lang ay magsisimula na sana siya, sa kanyang work-out ng ginanahan muna siyang lambingin ang kanyang alagang aso.


Sinabi din ng actress na tila alam ng kanyang alaga kung anu ang kanyang nararamdaman.


Dahil kapag nanghihina daw siya ay agad itong lumalapit sa kanya, sabay yakap at nakikipaglaro.


Sa kakulitan daw ng kanyang alagang aso ay tila napapaligaya nito si Kim, at napapangiti sa kanyang buong araw.


Kuwento pa ni Kim na ang kanyang alagang aso na si Hudson ay kasabay niya dati sa pagtakbo, pero hindi na daw iyon mangyayari dahil bawal na daw kay Hudson ang tumakbo dahil sa kondisyon ng puso nito.


Kaya naman naglalakad nalang sila, tapos may libre pa itong yakap mula sa kanya.


Nakaka bilib talaga si Kim, dahil sa kabila ng kanyang mga obligasyon, bilang isang artista ay hindi parin binawaliwala ni Kim ang kanyang alagang aso, na sabi nga niya ay napapangiti siya nito ng buong araw.


Caption nga ni Kim kalakip ang kanyang ibinahaging video clip, "It's been a while since I played with Hudson." 🐶 


"This morning, Im about to work out, then he got extra lambing and clingy. Hudson somehow knows how I feel; whenever I feel down, he instantly goes to me and hugs me, and plays with me."


"After that, I feel much better, or sometimes just Hudson being kulit. He was my running buddy back then. Sadly he can not run anymore because of his heart problem, walking nalang, or sometimes free hugs."❤️ 


"After almost an hour of lambing pede na mag workout!😅💪🏼🚴🏻‍♀️ la lang na share ko lang in the morning!😁 GOOD MORNING, everyone from #Hudson and Me!"🐶🙋🏻‍♀️






Ogie Diaz Binalikan Ang Pagtanggi Ni Liza Soberano Na Maipair sa Ibang Lead Actors!

Walang komento

Martes, Mayo 2, 2023

Bilang sagot sa mga naging pahayag ni Liza Soberano sa isang podcast tungkol sa loveteam culture ng Pilipinas.


Ibinahagi ng dating talent manager ng aktres na si Liza Soberano ang pagtanggi umano ng aktres na maipareha noon sa ibang lead actors maliban kay Enrique Gil.


Matatandaan, na ayon sa ipinahayag ni Liza Soberano sa isang podcast na kung nasa iisang loveteam ay hindi na maaring maipareha sa ibang actor.


Kabilang pa sa ipinahayag ni Liza ang pagpipilit umano sa kanila na mahalin ang kanilang ka-loveteam sa harap at sa likod ng kamera.


Subalit ayon kay Ogie Diaz, inalok naman nila noon si Liza Soberano ng mga projects kung saan hindi si Enrique Gil ang kanyang magiging partner.


Tinanggihan umano ito ni Liza at sinabing ayaw niya dahil kay Enrique lamang siya komportable.


"Sa pagkakaalam ko Loi, hindi ko makalimutan 'yung sinabi ni Liza that time na, 'hindi po ako komportable na iba po ang leading man ko. Ang comfort zone ko po ay si Quen.'"


Dahil rito, hinanapan na lamang umano sila ni Enrique ng projects kung saan sila magsasama.


"So hinahanapan siya ng proyekto na para sa kanila ni Quen. So ibig sabihin hindi pa siya handa mag-solo dahil choice niya yun na when you say solo, pwedeng iba yung kapareha mo, 'di mo ka-love team"




Maris Racal Nagpadede Sa Loob Ng Eroplano!

Walang komento

 


Isang kakaiba ngunit nakaka-aliw na flight experience ang naranasan ng actress na si Maris Racal, Habang siya ay nasa loob ng eroplano at pauwi na ng bansa.


Si Maris ay kagagaling pa lamang sa bansang Italy, upang erepresent ang kanilang pelikulang "Where is the Lie." Sa isang kilalang film festival doon.


Ayon naman sa ibinahaging video at mga larawan ng actress sa kanyang Instagram account na kuha sa loob ng eroplano.


Ay naging instant nanay siya habang siya ay pabalik ng Pilipinas, dahil nagpatulog at nagpadede siya ng isang sangol habang nasa biyahe.


Kuwento ng actress, na isa daw talaga sa kanyang mga kahinaan ang mga sanggol.


Kaya naman ng makita niya na mayroon siyang katabing baby ay hindi niya na pinalagpas pa ang pagkakataong iyun, at sinunggaban niya na ang bata para kanyang kargahin.


Makikita din sa kanyang ibinahanging video na masayang-masaya siya habang pinapadede niya ang baby habang karga-karga niya ito.


Pagpapatuloy pa ng actress na mahimbing nga daw ang pagkakatulog ng baby sa habang karga-karga niya ito.


Natuwa naman ang ibang mga celebrity sa ibinahaging ito ni Maris tulad na lamang nina Angelica Panganiban, na sinabi pa na alagaan din daw ang anak nitong si baby Amila.


Komento naman ng actress na si Jolina Magdangal ay practice na daw ito, para sa magiging future baby ni Maris sa hinaharap.


Nagpasalamat naman daw si Maris sa mag-inang kanyang nakatabi sa eroplano, habang siya ay pauwi.


Humingi din daw siya ng pahintulot sa ina na kanyang nakatabi na kanya itong ipopost online.


Caption naman ni Maris sa kanyang post, "Nagpadede, nagpatulog, at naging instant ina po tayo sa biyaheng pa Manila." 😂


"When I saw na may baby akong katabi, my heart leaped out of my chest. Idk but i just love babies and i love baby sitting huhu! Glad to have helped a kababayan Mom during this trip! Yes masaya po ang tulog niya! See last photo 😭 so happy i met these two beautiful people!" 🤍







Movie Nina Alden Richards at Bea Alonzo Kinansela Na?

Walang komento

 Naglabas na ng official statement ang pelikulang A Moment To Remember hinggil sa pagkakapostponed ng pelikula na pagbibidahan sina ni Alden Richars at Bea Alonzo.


Ang “A Moment To Remember” ay isang upcoming film ng Kapuso artists na sina Bea Alonzo at Alden Richards. 


Gayunpaman, may mga usap-usapan noon pa man na makakansela ang nasabing pelikula dahil sa 'personality clash'.


Matatandaan na noon pamang 2022, may lumabas na bulong-bulungan na may nangyayaring silent feud sa pagitan ng mga actors.


May mga nagsasabi ring noon pa man ay hindi na sila nag-uusap at hindi nagkakasundo.


Matatandaang, nauna nang nagkasama sa iisang project sina Bea Alonzo at Alden Richards. Nang mag-wakas ang kanilang teleserye, agad na lumabas ang balitang magsasamang muli sina Alden Richards at Bea Alonzo sa iisang movie.


Subalit, ngayon lamang sa pamamagitan ng isang official statement sinabing pansamantalang mapopostpone ang nasabing peliukula dahil sa conflict of shedules ng mga actors.


Ipinangako naman nilang babalik silang muli upang ihayag kung sino-sino ang magiging panibagong cast ng pelikula.


“The new production date, cast, and cinema release will be announced in due time. Thank you.”





Angel Locsin Isa Naraw Online Gamer? Angel Mas Gusto Na Ang Maging Gamer Kesa Mag Showbiz?

Walang komento

 


Sobrang miss na miss na nga ng mga fans ang kanilang idulo na ang darna ng totoong buhay na si Angel Locsin.


Dahil sa napakatagal kasi ng pananahimik nito sa social media, hindi na kasi nagpaparamdam ang actress ngayon, kaya maraming mga netizens ang nagtatanong kung anu na ngaba ang nangyayari kay Angel ngayon.


Matatandaang kamakailan lamang ay nakatawag pansin sa publiko ang ginawang pagbati ng actress na si Dimples Romana sa kanyang kaibigang si Angel sa kaarawan nito.


Ayon naman sa balita ay marami na daw ang nagtatanong kung ano na daw ba ang bago ngayon kay Angel Locsin, Dahil sa wala parin itong paramdam.


Sabi naman daw ng isang kaibigan ng mag-asawa ay, marami naman daw nag-ooffer kay Angel pero tinatanggihan daw ito ng actress.


Kaya naman ay wala itong katotohanan na kaya ito nanahimik, dahil sa wala itong offer na mga project.


Kaya naman mali ang paniniwala ng iba na baka nga walang offer ang actyress.


Dahil marami naman palang offer pero tinatanggihan lang ito ng actress, kung anu man ang kanyang dahilan ay dapat na irespeto nalang natin iyon.


Ayon naman sa isang source na online gamer na daw ngayon ang actress, dahil mahilig daw maglaro ang actress sa isang online games.


Dagdag pa sa balita ang lumabas na video ng pagsurpresa ng kanyang asawa at pamilya sa kanyang kaarawan. At tila may napansin ang mga netizens sa pangangatawan ni Angel.


Dahil kung titingnang maigi ang video ay mapapansin ang tila paglobo ngayon ng katawan ng real life darna na si Angel Loctin na ikinabahala naman ngayon ng kanyang mga fans.




Martin Del Rosario, Hindi Alam Na Namamatay Ang Star Fish Kung Inaalis Sa Tubig!

Walang komento


 Ipinahayag ng aktor na si Martin Del Rosario na hindi umano niya alam na namamatay ang mga Star Fish kung inaalis sa tubig dagat.


Gayunpaman, inamin naman niyang nagkamali nga siya sa ginawang starfish photoshoot sa kanyang dibdib.


Sa katunayan nang malaman umano niyang mali ang kanyang ginawa ay kaagad niyang binura ang mga nasabing photos sa kanyang social media acccounts.


Samantala, sa naging guesting niya sa programa ni Boy Abunda, inamin niyang nakatanggap siya ng mga pambabatikos mula sa mga netizens matapos niyang ibahagi ang mga nasabing photos.


Matatandaan na noong March 2, ibinahagi ng aktor ang kanyang Starfish pictorial sa kanyang Facebook at Instagram account.


“Hindi ko talaga alam na pag tinanggal ‘yung starfish sa water, mamamatay sila,” simulang pagbabahagi ni Martin.


Ibinahagi pa ng aktor kung bakit niya naisipang magpicture habang nasa kanyang dibdib ang mga Starfish.


Ayon kay Martin, nag-eenjoy siya sa beach that time nang may nakitang mga turista na pinalalaruan ang mga starfish. Nang iwan na umano ng mga ito ang sea creature, nilapitan niya ang mga ito at doon na naisipang kumuha ng picture.


“Nakita ko ‘yung starfish, nagandahan ako, nilagay ko sa katawan ko," pagbabahagi ni Martin.


“Nag-picture ako, kasama ang mga starfish sa katawan ko, for around two minutes.


“Hindi ko talaga alam na mali yung ginawa ko. And gusto ko magpasalamat sa mga nag-inform sa akin at nag-educate sa akin.”


Ipinahayag din niyang hindi siya pumapatol sa mga bashers, gayung napakalapitin niya ng batikos.



Valentine Rosales, Hindi Kumbinsido Sa Rason Ng Pagpapa-Retoke Ni Antonette Gail!

Walang komento

 


Usap-usapan padin ngayon ang ginawa ng vlogger na si Antonette Gail na pagpaparetoke ng kanyang ilong.


Sa kabila kasi ng ilang mga positibong komento na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga tagahanga, ay marami paring mga netizen ang benabatikos ang kanyang pagpapaayos sa kanyang ilong.


Marami din ang hindi naniniwala, na dahil lang sa pagka-umpog ng kanyang ilong sa lampshade ay nagresulta kaagad ito ng pensala. Dahilan upang sumailalim sa operasyon itong si Antonette.


Una na ngang ibinahagi ni Antonette kung bakit kinakailangang ipaayos ang kalagayan ng kanyang ilong.


At dahil daw ito sa kung tawaging Deviated Nasal Septum, matapos ang aksidenting pagkaumpog niya sa lampshade.


Marami na sa mga netizens ang hindi naniniwala sa rason na ito ng vlogger, marahil daw ay gumagawa lang daw ito ng idadahilan.


Isa nga sa mga umalma ukol dito ay ang kontobersyal na social media personality, na si Valentine Rosales na napa react pa tungkol dito. 


Gaya nga ng ibang mga netizens ay hirap din si Valentine na paniwalaan ang kuwento ni Antonette Gail, na naumpog ang kanyang ilong sa lampshade kaya ipapaayos niya ito.


Komebto ng ni Valentine, "Natamaan lang ng lamp nabali agad ang buto aba magaling."


Agad naman na umano ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang pahayag na ito ni Valentine.


Matatandaang si Valentine Rosales ay nakilala sa social media ng siya ay masangkot sa Christine Dacera case, ang flight attendant na pumanaw noong kasagsagan ng bagong taon, noong taong 2021.


At kamakailan ay naging centro ng usap-usapan naman siya, matapos siyang magpahayag sa publiko na kung saan ay sinabi niya na hindi niya daw umano na aappreciate ang beauty ni Belle Mariano.


Dahil sa mas na gagandahan siya sa actress na si Francine Diaz.


Samantala, inulan naman ng pambabatikos ang naging pahayag na ito ni Valentine tungkol sa pagpaparetoke ni Antonette Gail. 


Sabi ng ilang mga netizens para kay Valentine, "Valentine Rosales papansin, nagpagawa karin naman. Baka akala mo nakalimutan na namin na sangkot ka sa pagkamatay ng flight attendant."


"Valentine Rosales nag comment yong gawa-gawa yung ilong aba magaling hahaha."


"Valebtine Rosales pakialamero to! May narinig ka ba sa amen, tungkol sa ovesized mong veneers? wala diba!"


"Uhaw talaga sa pansin yang bakla na yan, gusto sumikat eh, kaya lahat patola at papansin siya, para siyempre mapapansin siya ng iba kawawa naman."




Video Ng Ka-OA-han Nina Carlo Aquino at Eisel Serrano, Viral!

Walang komento


 Umaani ng samu't-saring komento ang isang video nina Carlo Aquino at actress na si Eisel Serrano na napapalibutan ng mga security guards.


Agad naman itong tinawanan ng ilang mga netizens, lalo na't nakikita talaga sa video na talagang magkahawak kamay pa ang mga security guards na siyang pumuprotekta sa dalawa.


Subalit, ang tinatawanan ng mga netizens ay wala namang mga fans na nagkakagulo.


Ipinunto pa ng ilang na hindi naman dinumog ng mga fans ang dalawa subalit kung makatawag ng security paring may death threat na natanggap.


"at kahit kilala sila di rin naman dinudumog ah OA"


"No but seriously, who are these people? 👀"


Samantala, may ilan namang nagtanggol sa dalawa at sinabing totoong dinumog ang dalawa na hindi nakita sa video.


"Daming dada na dada dito di niyo naman alam kung bago nakuhanan eh dinumog sila and fyi kilala sila maris and carlo aquino yan daming epal dito magresearch muna kayo bago kayo dumadada di naman tanga yung mga mall management para palibutan sila ng guard"



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo